C/N: HEY IT ME!!! Ang corny ng title netong chapter. Kung di niyo na-gets... SERYOSO BA? Hahahaha charot! Huy, ipagpatawad niyo aking kapangahasan. Ang kulit ng lelang ng prompt na to eh. Ayaw ako tigilan. Hahahaha. Okay game. Sana magustuhan niyo din like Speed Dial! ☺️
//
"Beby, wag mo na ako sunduin mamaya ha? Sasabay na lang ako kay Dean kasi gusto ko umuwi kila Nanay sa Bulacan. Saka para makapahinga ka agad." Sabi ni Maine.
Papunta kami ngayon sa opisina niya sa Cubao. Syempre kailangan ihatid ko ang prinsesa ko...
"Sure ka, beb? Pwede naman ako na maghatid sayo sa Bulacan para di na magantay si Dean sayo." Tanong ko sakanya. Okay lang naman talaga kung ako na maghatid sakanya eh. Wala naman akong pasok sa opisina ngayon.
"Opo. Wag na. Sabay na ko kay Dean, napagusapan na namin yun. Saka may pasok ka pa. Or editing ka ba today nung last na wedding na ni-cover niyo?"
"Sa office po ako. Di ako mag-eedit nun. Bahala na sila dun." Sabi ko, sabay hawak sa kamay niya. Sorry mahal. Slight kasinungalingan lang para sa mga plano ko today.
"Para kang ewan. Sayo din naman ipapaedit yun bandang huli. Hahahaha!"
"Hayaan mo sila."
We fell into comfortable silence. Occasionally asking random questions. Or her telling me about the customers she talked to yesterday or the other day. Or me telling her about my frustrations everytime na may blank screen in between frames sa ineedit ko.
"Beb, if magbago isip mo or ni Dean, text mo ko ha? Pwede namang ako ang maghatid sayo." I told her nung makapag-park na ako sa harap ng building ng trabaho niya.
"Okay na, beb. Sige na po. Ingat ka pag pasok sa office ha. Kain ka! I love you." Then she planted a kiss on my lips. Sarap, shet.
Pagkababa niya ng kotse ko, huminga muna ako ng mga tatlong hinga. Lumabas sa parking space ko at nag-drive na papuntang Bulacan.
It's Showtime. (C/N: Oooppps. Wrong channel. Hahahahaha!)
Dahil Pilipinas to, magla-lunch na nung nakarating akong Bulacan. Buti na lang talaga at asa bahay lang ang parents ni Maine today.
Nagdoorbell ako at nang makita ako ni Yaya Pe eh, agad niya kong pinagbuksan ng gate kahit sinabi kong okay lang kung sa labas na lang ang kotse ko. Sabi niya, tumigil daw ako. Kamot ulo na lang. Hahaha.
"Nasa sala sila." Sabi ni Yaya Pe habang naglalakad kami papasok ng bahay nila Maine.
"Thanks Yaya Pe." Ngumiti ako sakanya bago siya pumunta sa kabilang side ng bahay, diretso sa kusina.
"Good morning Tito, Tita." I greeted. They were at the living room. Tita, tinkering on her phone. Probably on her email. Or Facebook too. Tito Ted was reading the newspaper, seated right beside Tita Mary Ann.
"Oh, Rj. Ang aga mo naman? Wala ka bang trabaho?" Sabi ni Tito Ted habang pinapalapit ako sakanila at pinaupo.
"Wala po, tito. Nag leave po talaga ako para mapuntahan ko kayo dito. Sorry po, wala akong nadalang kahit ano." Sabay kamot sa ulo, at hawak sa tenga ko.
"Ano ka ba naman. Okay lang yun. Oh eh, ano bang meron? Nag leave ka pa, pwede ka naman sumabay ke Maine mamaya kung gusto mo dumalaw. Alam ba ni Maine na dadalaw ka?"
"Onga po, nabanggit niya kanina na uuwi sila ni Dean dito mamaya. Hindi po, eh." Sinubukan ko talagang ngumiti. Yung hindi mukhang tanga. Kinakabahan talaga ako.
Si Tita Mary Ann, busy pa din sa phone niya. Pero bigla siyang nagsalita.
"Ano meron, iho? May hihingin ka ba samin?" Tapos tinignan niya ako.
"Hehe. Uhmm. Me-meron po sana tita, tito."
"Ano ba yun? Sabihin mo na at maya maya magla-lunch na tayo." Sabi ni Tito.
"Ano po... Tito Ted, Tita Mary Ann.... Uhmmm.. Gusto ko po sana hingin yung kamay ni Maine..." Whooooohhh sa wakas. Shet.
"Iho, may mga kamay ka naman. Bat mo hinihingi ang kamay ng anak ko??? Kawawa naman siya." Sabi ni Tito Ted. Di ko alam kung tatawa ba muna ako o mapaparanoid kasi ibig sabihin ba nito di siya payag???
"Teodoro, nakakatawa ka na ba niyan???" Sabi ni Tita Mary Ann sabay pitik sa tenga ni Tito. Nakakatawa pero kinakabahan pa rin ako.
"Joke lang, Rj. Hahaha. Pero bago ang lahat, asawa ko, talo ka sa pustahan. Humanda ka sakin mamaya." Sabay kindat ni Tito kay Tita. Juskong mahabagin... Pero ha?!? Pustahan????
"Tito? Pustahan po?" Tanong ko.
"Ssshhh. Wala kang narinig. Eh, kailan mo ba balak pakasalan ang Menggay namin, iho?" Sagot ni Tita Mary Ann.
"Ahh.. ehh. Hindi ko pa po alam, Tita. Gusto ko po sana ma-surprise siya ng sobra pag nag-propose ako muna." Sagot ko.
"Iho, ke-nakaluhod ka, naka-upo, nakatanghod o nakayuko o kaya nakashort lang, nakapantalon o nakabrief, masusurprise mo pa din naman ang anak namin." Sabi ni Tito Ted.
"Tito, gusto ko po kasi maging masaya siya sa araw na yun."
"Wala pa naman atang araw na hindi masaya si Menggay mula nung maging kayo 8 years ago, anak eh." Sabi naman ni Tita Mary Ann.
"T-talaga po, tita?" Wag kang iiyak, Rj. Wag kang iiyak.
"Oh. Wag kang umiyak, 'nak. Totoo nga. Bilang ina, nararamdaman kong masaya siya." Nginitian ako ni Tita. Gusto ko na talagang maiyak.
"Basta, Rj anak. May basbas na namin ng Nanay mo yang pagpapakasal mo kay Menggay. Tawagan mo kami kung kailangan mo ng back-up sa pagpo-propose ha?" Tumayo si Tito at pinatayo ako sabay shake hands na napunta sa yakap.
Tumayo din si Tita Mary Ann, tinignan ako at hinawakan yung mukha ko. Niyakap niya ako, at wala na kong nagawa sa iyak ko.
"Tahan na, anak. Masaya kami ng Tatay para sa inyo. Welcome to the family. Tara, mag lunch na tayo.
YOU ARE READING
She Said What?
FanfictionA series of unfortunate events, ruined surprises and frustrating mishaps. Wanna know what she said? // © EB page for photo