CHAPTER 1

10.9K 313 32
                                    


CHAPTER 1

Namumugto pa yung mga mata ko sa kakaiyak kagabi pero heto na naman ako't umiiyak. Naalala ko na naman kasi ang huling usapan namin bago kami tuluyang maghiwalay ng landas. Sinubukan ko pa rin kasi kahit hindi na kami, kahit magkaibigan lang sana pero pati iyon ay mukhang hindi mangyayari.

"Then can we be friends again?" Rinig na rinig sa boses ko ang pakikiusap. Maski ako ay naaawa na sa sarili ko nang dahil sa mga ginagawa ko. Sa tanang buhay ko ay hindi ko ginawa ito. Never akong nakiusap dahil lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Dahil ako 'to, e. Kung anong gusto ko ay ibibigay nila.

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Tila ba alam niyang inaasahan kong papayag siya.

"We can never be friends again, Kate. But if that's what you want, sure let's try."

Pinunasan ko ang luha ko at mabilis kong kinuha ang cellphone ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kong wala siyang text sa akin o missed call man lang. Nag-check din ako sa messenger kung may chat ba ito sa akin pero wala rin. Ang huling chat pa namin ay yung kahapon. Okay pa naman kami kahapon. Nagbibiruan pa kami kahapon.

Pinunasan ko ang luhang naglandas sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay ang sikip-sikip na ng dibdib ko dahil sa kaiiyak ko pero kahit ganun ay tinignan ko pa rin ang profile nito. Wala man lang siyang status tungkol sa hiwalayan namin kagabi. Pero kung sabagay, he's too private. Ni relasyon nga namin noong una ay ayaw pa niyang ipaalam sa iba. Okay lang din naman sa akin 'yon. Walang kaso 'yon kasi ipinakilala din naman niya ako sa mga kaibigan niyang hindi naglaon ay nagging kaibigan ko na rin.

Huminga ako nang malalim at muling pinunasan ang mga luha ko. Nararamdaman ko ang pagkirot ng puso ko at parang ayaw ko nang tumayo mula sa pagkakahiga ko. Gusto ko na lang matulog ulit at isiping panaginip lang ang lahat.

***

Nandito kami ngayon sa bahay ng kaibigan namin dahil dito naman talaga kami tumatambay tuwing friday. Hindi pa rin nagbago ang mga tingin sa akin ng mga kaibigan namin ni Law. Marahil ay hindi pa rin nila alam ang hiwalayan naming dalawa. Alam ko na kasi ang ugali ni Law. Hinding-hindi niya sasabihin sa mga kaibigan namin na naghiwalay na kami kaya maski ako ay hindi na rin nagsalita. Ayaw kong madagdagan ang dahilan para hindi na niya ako kausaping muli.

"Kate, sa Saturday sasama ka ba?" Tumingin ako kay Eunice. Kumunot ang noo nito nang hindi ako agad sumagot. "nakikinig ka ba?" Umiling ako. Hindi ko kasi talaga alam kung ano na ang pinag-uusapan nila. "Busy ka na naman ba sa trabaho mo kaya hindi mo na naman kami iniintindi?" Pinilit kong ngumiti rito bago umiling.

"Naku! Kung nandito lang si Law baka asarin ka na nun kasi wala ka na naman sa---" Naramdaman kong pahina nang pahina ang boses nito pagkatapos ay natataranta itong nagsalita. "Omg Kate! Bakit ka umiiyak?"

"Hah?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ay pinunasan ko ang pisngi ko. "Umiiyak ako?" Nakatingin kong tanong kay Eunince bago tumingin sa iba naming kaibigan na nag-aalalang nakatingin din sa akin. Isa-isa pa silang lumapit sa akin para tanungin kung may masakit ba sa akin at kung may problema raw ba ako pero nginitian ko lang sila. Ayaw kong magsalita. Ayaw kong magkamali ulit.

"W-wala 'to." Sagot ko na lang saka ko pinunasan ang luha ko. "Ano lang, naaalala ko lang yung lola ko." Palusot ko pa sa kanila.

"Sure ka?" Tanong ulit nila kaya tumango na lang ako at nginitian ko sila. "So, sasama ka na ba sa Saturday? Bonding lang tayo saka kasama naman si Law kaya papayagan ka nun." Alanganin akong ngumiti bago sumagot sa kanila.

"Hindi na muna siguro. Busy kasi." Sagot ko na lang. Nagpaalam muna ako sa kanilang mag-cr ako. Napasimangot ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Mukhang napabayaan ko na talaga nang husto ang hitsura ko simula noong nagtrabaho ako. Sobrang haggard ko, ang laki ng eyebags ko at hindi na rin ako masyadong nakakapagmakeup. Isa siguro sa mga dahiulan ito kung bakit hindi na ako gusto ni Law.

Nag-ayos na muna ako ng sarili ko bago ako nagpasyang bumalik sa mga kaibigan namin. Nang pabalik ako sa sala ay narinig ko ang boses ni Lawrence. Kinukumusta siya ng mga kaibigan namin dahil matagal din siyang hindi nagpakita katulad ko.

"Umiyak si Kate kanina. May problema ba siya?" tanong ni Alfonse.

"Oo nga. Baka sinabi niya sa'yo ang dahilan?" Tanong naman ni Ralf.

"Huwag na nga kayo maingay baka mamaya ay bumalik na siya." Saad naman ni Layla. "Hindi magandang pinag-uusapan yung tao ng wala siya."

"Concerned lang din naman kasi kami po." Depensa naman ni Eunice. "May problema ba yung girlfriend mo? Kanina pa tulala, e." Tuloy pa nito.

Tatlong salita lang naman ang lumabas sa bibig ni Law pero ang mga salitang iyon ang nagpatunay na talagang wala nang kami.

"Hiwalay na kami."

MOVING FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon