CHAPTER 7

6K 257 8
                                    


CHAPTER 7

Iyak ako nang iyak kay Wendy pagkatapos ng nangyari. Para akong binuhusan ng malamig na tubig para magising na sa katotoohanang asshole talaga ang taong 'yun.

"Ibinaba ko na ang dignidad ko para lang makasama siya ulit. Ginawa ko yung lahat para lang maging maayos na ulit pero anong ginawa niya? Ano sa kanya yung relasyon namin? Laro? Kaya ba siya nakipaghiwalay sa akin kasi may iba siya?" Pinunasan ni Wendy ang mga luha ko at mukhang naaawa na talaga siya sa akin dahil sa paulit-ulit kong pag-iyak nang dahil sa nag-iisang lalaki. "Back to zero ako, e." Iyak ko rito. "Tingin ba niya ganun kadaling makalimot? Nandoon na ako sa buo na yung loob kong kalimutuan siya pero bigla siyang magpaparamdam. Para ano? Para saktan ulit ako?"

"Hindi ba ako yung tipo na siniseryoso?" Nanghihinang tanong ko sa kaibigan ko. "Pang laro lang ba ako?"

"Huwag mong sabihin 'yan. Kasi lahat naman tayo ay dapat siniseryoso. Walang taong deserve ang mapaglaruan. Blessing in disguise nga yung nangyari sa'yo dahil natauhan ka. Pero at least kahit nagpakatanga ka, ginawa mo yung part mo as his girlfriend. Sinubukan mong ayusin yung nasirang pundasyon. Kaso hindi ka niya tinulungan, e. Sinira pa niya lalo yun. Kaya tanggapin mo na lang na hindi na talaga kayang ayusin pa. Kasi ang kailangan mo ay magtayo ulit at dapat may kasama ka ng magtatayo nun. Hindi lang pwedeng ikaw. Naiintindihan mo ba ako?"

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niyang iyon. Pinaparating lang niya na hindi talaga kami ni Law ang para sa isa't isa. Na kahit nagpakatanga ako ay okay lang... Hindi niya ako pinagalitan sa ginawa ko kahit pa sobrang nakaka-degrade ng pagkatao iyon.

"Hindi ko sasabihin na marami pang iba dyan. Kasi alam kong siya pa rin. Kaya ang gawin natin, lumabas tayo lagi ng iba nating kaibigan, okay?" Tumango ako at hinayaan ko siyang punasan ang mga luha ko. Pagkatapos nun ay niyakap niya ako at hinagod ang likuran ko. "Kawawa naman 'tong kaibigan ko. Minamalas talaga sa lalaki. Hayaan mo kapag nandyan na yung nakatakda sa'yo, mararamdaman mo na lang."

"Talaga ba?" Sabi ko sa pagitan ng paghikbi ko

"Medyo matatagalan siguro pero oo 'yan. Kung wala, edi nandito pa rin akong kaibigan mo. Kasama mong umiinom."

***

I started going out with my friends. I started seeing my high school friends again. We set plans and everything. We went out on trips, set reunion for our batch at kung anu-ano pang plano ang ginawa namin.

Mas nagfocus din ako sa work ko lately. And also, blocked him for good. .

Nag-start akong sumasama sa mga inuman ng colleagues ko. Nagpupunta kami sa bar tuwing nai-stress na kami sa trabaho. Nagha-hike pa rin naman kami at kung saan-saan na nga ako nakakarating ng dahil sa kanila.

Nararamdaman ko na ulit sumaya na wala siya. I tried everything just to forget about him. Hindi ko namalayan yung mga araw at buwan na dumaan... Narealize ko lang na matagal-tagal na rin pala akong single nang tanungin ako.

"Ilang buwan ka na nga kasing single?" Tanong ng boss namin na kasama naming umiinom ngayon. Libre raw niya dahil birthday daw niya ngayon.

"Magdadalawang taon na po."

"Almost two years? Aba matagal-tagal na rin pala. Magsasara na ang dapat magsara." Nagtawanan ang mga kasamahan naming sa trabaho dahil sa kumento ni boss. Maski naman ako ay nakitawa dahil sa sinabi niyang iyon. "Itong si Jelo bakit di mo ba trip?" tanong pa niya sa akin kaya tumawa lang ako.

"Walang spark boss." Sagot ko rito. "Kung may spark sana baka maski akona yung nanligaw sa kanya." Sagot ko rito kaya nagtawanan naman sila.

"Truly!" Ani Wendy. "Kung may spark kahit walang ligaw-ligaw grab mo na agad. And also, don't settle for less. Kung yung ka-spark mo may plano sa buhay talagang i-grab mo na yun." Tumango-tango ako sa sinabi ni Wendy.

Hindi rin naman kasi ako naniniwala na sa ligaw. Kahit gaano pa kasi katagal yung panliligaw kung walang spark ay wala talaga. Kung hindi pala niya pinapakita yung ugali niya sa kain una pa lang ay wala talaga.

MOVING FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon