CHAPTER 5

5.7K 266 15
                                    


CHAPTER 5

Totoo nga yatang mas matagal pa ang pagmomove on kaysa sa itinagal ng isang relasyon. Dalawang buwan na ang nakakalipas pero siya at siya pa rin ang naiisip ko. Kahit na magpakabusy ako sa trabaho ay naaalala ko lang din siya pag wala na akong ginagawa.

Kaya nga as much as possible kapag nakakauwi ako sa bahay ay nanonood lang ako ng mga kdrama at anime.

Chineck ko muli ang account ni Law. Walang iba. Random shares lang at mga pang-aalaska sa mga kaibigan ang ginagawa niya online.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa ginagawa ko. Sinasaktan ko lang lagi ang sarili ko. Dapat sa kanya ay binablock na, e! Kaso umaasa pa rin ako na i-chat niya ako, umaasa pa rin akong makikipagbalikan siya. Alam ko kasi sa sarili ko na isang sorry lang niya ay tatanggapin ko siya ulit na parang hindi kami naghiwalay.

Awkward niyan kung pupunta rin siya mamaya sa birthday ni Eunice. Pero kaibigan niya si Eunice kaya tiyak na pupunta rin siya.


Dapat yata ay hindi ako pumayag na umattend. Mag-iinuman lang din naman sila sa apartment ni Eunice, e. Pero napangako ko na kasi kay Eunice na pupunta ako...

Tumayo na ako at kumuha ng damit na isusuot mamaya. Mas maiksi na yung buhok ko ngayon at nag-aayos na ulit ako. Ipapakita ko talaga kay Law ang sinayang niya.

***

Naka-sleeveless lang ako na siyang ayaw na ayaw ni Law na isinusuot ko. Ako rin ang huling dumating sa apartment ni Eunice kaya napansin ko kaagad yung mga tingin sa akin ni Law ngayon.

"happy birthday, Eunice." Niyakap ko ito saka kami nagbeso-beso. "Tumanda ka na naman." Nakangiti kong asar sa kanya.

"Ikaw, ah! Lalo kang gumanda! Bagay mo 'yang gupit mo."

"Thanks." Pinaupo niya ako sa tabi niya which is kaharap lang ni Law. Hindi niya ako tinitignan ngayon kaya pakiramdam ko ay nasayang yung effort kong pagpapaganda ngayong gabi.

Dati kahit na sila ang kasama ko ay hindi ako gaano pinapayagan ni Law na uminom nang marami pero ngayon nakakailang ikot na sa amin yung shot glass ay hindi pa rin niya ako pinipigilan. Ganito yata talaga kapag hiwalay na. Wala ng pakialam ang isa. Kanina pa sila nagtatawanan pero ako lang yata ang hindi makasabay sa kanila. Tumigil lang ako sa pag-inom dahil baka kung ano na naman ang masabi ko kay Law. Nagpakita naman na ako. Pwede na siguro akong umuwi. Mahirap na rin kasi na nasa iisang lugar kami ni Law. Pakiramdam ko ay lagi akong nanghihina.

"Mauna na ako." Paalam ko sa kanila.

"Ang aga pa, ah." Saad ni Brandon. "Dito ka na muna. Kahit huwag ka na uminom. Wala pang makakapaghatid sa'yo ngayon, oh."

"Kaya ko naman umuwing mag-isa." Sagot ko naman sa kanya.

"Kaya-kaya ka dyan! Ang lalim na ng gabi, oh! Dati nga hindi ka hinahayaan ni Law na---aray! Tangina naman, oh." Tumigil sa pagsasalita si Brandon dahil sa ginawang pagsipa ni Layla sa kanya.

"Insensitive mo talaga. Nakita mo na ngang hindi nag-uusap 'yung dalawa tapos—"

"isa ka rin, e!" Ani Eunice kaya napangiti na lang ako. Kahit papaano naman ay concerned sila sa feelings ko pero syempre hindi ko rin maiwasan na mapatingin kay Law. Mukhang wala talaga siyiang pakialam.

"Aish! Ako na nga ang maghahatid." Boluntaryo naman ni Jeric.

"Okay lang naman. Mag-taxi na lang ako."

"Hindi na. Hatid na kita. Kaibigan ka pa rin naman namin kaya dapat huwag mong inilalayo yung sarilli mo nang dahil lang naghiwalay kayo ng gago naming kaibigan." Tuloy pa nito. Tinignan ko ulit si Law pero mas pinili niyang hindi na lang intindihin ang sinasabi ng mga kaibigan namin. Mas pinili niyang i-ignore ang existence ko.

Nang gabing iyon, para akong tangang umiiyak sa sasakyan ni Jeric. Hindi siya nagsalita ni isang beses, basta hinatid lang niya ako na para bang hindi niya nakikitang umiiyak ako.

MOVING FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon