CHAPTER 2

7.3K 292 24
                                    


CHAPTER 2

Ilang araw na akong hindi nagpakita sa kahit na isa sa mga kaibigan namin ni Law. Ang bilis lang niyang sabihin na wala na kami. Kung alam ko lang na ganun niya kadaling sabihin ay sana ako na lang pala ang nagsabi. Sana hindi ko na inisip ang iisipin niya.

Nang araw na iyon ay umalis ako. Noong makita pa lang nila akong bumalik ay nanahimik na sila kaagad. Awkward na kaya naman umalis na ako. Hindi naman kasi talaga ako part ng barkada nila in the first place. Nasabit lang ako gawa ni Law.

Ilang gabi ko na rin siyang iniiyakan. Ilang araw na rin akong nagpapanggap na masaya sa harap ng mga kaibigan at katrabaho ko. Naaawa na ako sa sarili ko pero wala naman akong ibang magawa kung hindi ang umiyak lang.

I tried texting him. I tried pero siya mismo ay ayaw na talaga. That's when I decided to stop. Ilang beses na akong nagpakatanga nang dahil sa kanya. Ilang beses ko siyang sinunod para hindi lang siya mawala sa akin. Naiintindihan ko na. Sawa na siya. Nalimutan kong siya nga pala yung lalaking hindi nagpapatali. Siya nga pala si Lawrence Kojima.

"Sana pala nanatili na lang kaming magkaibigan."

"Nino?" Tanong ng kasama ko.

"Ni Law." Bumuntong hininga ako. "We broke up." Tinignan ko si Wendy. Napansin ko kaagad na nalungkot ito para sa akin. Pagkatapos ay bigla niya akong niyakap.

"Kaya ba lagi kang malungkot nitong nakaraan? Dapat sinabi mo kaagad sa akin! Uupakan ko yung lalaking iyon!"

"Sira. Nagsawa na kasi siya, e." Saad ko na lang. "Hindi na rin siguro niya matiis yung ugali ko."

"Sinabi ba niya 'yan? Talaga naman palang gago 'yang taong 'yan!" Inis nitong sabi.

"Hindi." Nakangiti kong sagot. "Ramdam ko lang. May mali naman kasi talaga ako. May mga ayaw kasi siya na nagagawa ko pa rin. Siguro nagsawa na siya."

"Gusto mong uminom?" Inayos nito ang mga gamit niya sa table niya. "Kasi pauwi na rin naman tayo and Friday ngayon. Pwendeng magpakalasing,. Kasi yang mga gagong lalaki na 'yan? Dapat kinakalimutan kaagad 'yan." Napangiti ako nang marinig ko ang sinabing iyon ni Wendy.

"Ang daling sabihin, ang hirap gawin." I said. May isang taon din naman kasi kami ni Law at higit sa lahat mas matagal kaming naging magkaibigan bago nagkaroon ng relasyon.

"Pero ito na yung first step ng pagmomove on mo, girl." Ipinuyod nito ang buhok niya pagkatapos ay kinuha ang salamin saka ito naglagay ng lipstick. "Halika nga! Ayusan din kita!" Nang hindi ako lumapit sa kanya ay siya na mismo ang lumapit sa akin. "Ito ang tunay na first step. Make him regret. Ang laki ng sinayang niya. Ang ganda mo kaya!" Napangiti na lang ako nang dahil sa sinabi ni Wendy. Mabuti na lang talaga at may kaibigan akong katulad niya. "Hoy! Inom tayo mamaya!" Yaya niya sa iba na agad namang pumayag.

***

Gabi na at napaparami na kami ng inom. Kung alam ito ni Law ay tiyak pinagalitan na naman niya ako. Kesyo bakit ako umiinom na wala siya? Kesyo may mga lalaki? Tangina. Pati kapag nakainom ay siya pa rin naiisip ko. Nasa hopeless stage na yata ako.

"Mga gago talagang lalaki 'yan!" Sumubo si Wendy ng pulutan. "Aba! Ang gaganda natin tapos nang-iiwan sila? Hoy!" Tumingin siya sa mga kasama naming lalaki. "Kayong mga lalaki kayo! Subukan niyo lang saktan mga GF niyo ako na mismo ang sasaksak sa inyo." Tumango-tango naman ako bago ininom ang nasa baso ko. "Mga lalaking 'yan paasa sila. Hindi pa nga kami nang-iiwan na." Tumungga ulit ito ng isang basong beer saka muling kumuha sa pulutan. "Ang hirap magmove on, ah!"

"Bakit ka nagmomove on kahit hindi naging kayo?"

"Tinatanong pa ba 'yan? Kasi nga na-attach. Kasi nga nasanay. Kasi nga ginago. Kasi nga pinaasa lang pala. Kasi nga mahal ko na... Pero hindi... hindi dapat sa akin yung mga tanong. Sa'yo! Sa'yo dapat kaya nga tayo umiinom ngayon para malabas mo lahat ng sama ng loob mo. Magkwento ka... Bakit kayo naghiwalay?" napasimangot ako at muling nilagyan ng maiinom ang baso ko saka ko ito diretsong ininom.

"Kasi siguro sawa na siya." Pinilit kong ngumiti dahil bumibigat na yung dibdib ko. Maaalala ko lang siya ay masakit na, e.

"Ay! Hindi pa nga nagkukwento naiiyak na! Wala ba kayong closure?" Hindi ako sumagot. "Wala nga? Grabe! Sana tinanong mo kung bakit nakipaghiwalay?"

"Ayaw na raw niya, e." Nilaro ko yung baso ko bago muling nagsalita. "Alam mo kung ano yung masakit? Yung kahit hiwalay na kami inintindi ko yung mararamdaman niya. Hindi ko pinangunahan tapos siya... tapos siya ang dali niyang sabihin na hiwalay na kami sa mga kaibigan namin. Kung gaano niya katagal na inamin na kami na sa mga kaibigan namin ay ganun naman kabilis nang aminin niyang wala na kami. Gago siya. SIguro ganun talaga, no?"

"Iinom na lang talaga natin 'to. Magsaya tayo dahil walang boyfriend na magagalit kapag nalasing tayo! Cheers to that!"

MOVING FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon