CHAPTER 4
Lagi kong kausap si Wendy sa phone tuwing gabi. Siya lang ang napagsasabihan ko ng nararamdaman ko. Madalas ay umiiyak ako, minsan naman ay siya ang nagkukwento sa akin at minsan ay umiiyak din siya. Siguro ganito talaga. Mga babae lang din ang nagkaka-intindihan sa mga problema.
"Gusto mo bang magbakasyon?" Tanong sa akin ni Wendy.
"wala pa akong pera, e." Sagot ko sa kanya.
"Kung sabagay ako rin. Isnag buwan na rin kayong break ng ex mo. Masakit pa rin?" Tumango lang ako bilang tugon sa tanong nito. Matagal pa siguro maghihilom talaga yung sugat na naiwan sa akin. "Wala kang balak na tanungin kung bakit kayo naghiwalay?"
"Sawa na siya." Yun lang ang nasabi ko. "Basta may natatandaan pa akong nasabi niya sa akin na huwag ko raw siyang iyakan. Gago talaga yung taong yun. Hindi niya pa pinahalagahan yung isang taon namin? Wala lang ba sa kanya yung relasyon namin? Hindi ba yun kaiyak-iyak?"
Inilabas ko ang cellphone ko saka ko ininom yung beer sa harap ko. Nagcheck ako ng account nung taong yun. Panay meme lang naman ang nakapost sa account nito saka random tags sa mga kaibigan at pinsan niya.
"Lagi mo pa rin tinitignan ang account niya? Hindi ka makakamove on niyan. Block mo na kasi."
"Ayoko. Isipin pa niya na sobrang bitter ko."
"Ang bitter mo nga sa ginawa mong pagtawag-tawag sa kanya noong lasing ka." Sumimangot ako at ipinagpatuloy ko ang pag-inom ko. Nagiging habit na naming ito ni Wendy. Na kahit dalawa lang kami minsan ay umiinom pa rin kami mapa-weekend man yan o Friday.
"Magpapagupit ako bukas." Saad ko.
"Wow! Magpapagupit na siya! Magmomove on na!"
"Sira! Mainit na kasi saka kailangan ko na ng new look. Ang simple-simple ko lang sa mahaba kong buhok, e. O, tingin mo bam as bagay sa akin maiksi?"
"Shoulder-length lang siguro." Sagot niya.
Kelangan ko na rin kasi talagang mag-ayos ng sarili ko. Simula noong nagkaboyfriend kasi ako ay hindi ko na masyadong naalagaan ang sarili ko. Hindi na ako nakakapagpaganda katulad noon. Pero mali rin na isisi ko sa kanya yung pagiging pabaya ko sa sarili. Kasalanan ko rin.
"Pagkatapos mong magpagupit, mamundok tayo!" Tinignan ko siya dahil hindi ako makapaniwala. "Huwag mo akong tignan ng ganyan. Malakas naman siguro stamina mo." Kumunot ang noo ko. "Siguro naman nasanay ka sa paguran!"
"Hindi ko gets."
"SIguro naman nagsi-sex kayo nung ex mo? Sa tagal niyo ba naman." Nahihiya lang akong tumango. "Ayun! Edi palakasin pa natin lalo stamina mo. Mamundok tayo."
"Mamundok?"
"Hiking kasi. Ang slow nito. Tapos magstatus ka ng ganito kapag napost mo yung picture mong nakaakyat sa bundok. Mas masarap sa feeling yung nakarating ako sa peak ng bundok kesa sa climax na binigay niya. Ganun ang mga parinig!"
"Sira! Sige mamundok tayo pero hindi ko ipopost 'yan. Kalog ka talaga."
***
Katulad ng sabi ni Wendy ay fulfilling nga ang umakyat sa bundok. Nagpunta kami sa Mt. Pulag at doon ay nakakita ako ng sea of clouds. Sobrang ganda. At katulad ng sinabi ni Wendy, mas okay nga tong umakyat. Napailing ako dahil sa naisip ko. Hindi ko dapat siya iniisip.
Muli kong pinagmasdan ang paligid ko. Nakakamangha talaga. Noong kami pa ni Law ay never kong na-appreciate ang mga katuald nito. Laging sa kanya at sa trabaho ko lang umiikot ang mundo ko.
"Sabi ko naman sa'yo. Masaya mag-hike, e." Huminga ito nang malalim at pinakiramdaman ang hangin.
"Masaya nga." Sagot ko naman sa kanya.
Masaya nga pero hindi naman ako agad magiging okay kahit na umakyat ako sa maraming bundok.