CHAPTER 3
Mali si Wendy. Wala ngang boyfriend na magagalit pero may magulang naman na magagalit. Ang aga-aga ay pinagsabihan ako dahil umuwi raw akong lasing ng medaling araw.
Chineck ko ang cellphone ko dahil nagbabakasakali akong may tawag man lang sa akin si Law pero laking gulat ko nang makita kong ang daming nakalagay sa log calls ko. Para akong masisiraan nang mapansin kong sunod-sunod kong tinawagan si Law at lahat naman ng iyon ay sinagot niya. Lahat ng tawag ay matagal pero ni isa ay wala akong matandaan. Sht! Anong pinagsasabi ko?
Nagcheck ako sa messages at nakita kong may mga sinend akong text sa kanya. Fck! Fck! Fck!
Me: gago ka
Me: gago ka
Me: gago ka
Me: gago ka
Me: gago ka
Me: pero mahal pa rin kita gago ka
Me: Pero ang gago mo talaga
Me: May mali ba sa akin?
Me: Nasakal ba kita?
Me: Ang kapal mo para mapagod. Mas pagod ako.
Me: Mahal na mahal pa rin kita.
Para akong tanga ngayon dito dahil napapasabunot na lang ako sa sarili ko nang dahil sa mga nababasa ko. Sinabi ko ba talaga ang mga 'to?
Me: Idiot...
Me: di ka na makakahanap ng kasing bait at ganda ko...
Law: Lasing ka ba? Nasaan ka?
Me: ay! Nagreply siya. Hiya na ako///
Law: Nasaan ka?
Me: Sagutin mo tawag ko... madami pa kong sasabihing gago ka... punong-puno na rin ako... Akala mo ikaw lang yung sawa? Sawa na rin ako kaya kahit mahal pa kita sige... bumitiw na ako. Kasi mahal kita, e. Kasi iyon ang gusto mo. Tumawag ka!
Me: Bagal tumawag! Sagutin mo tawag ko!
Gusto ko na lang magpakain sa lupa! Ano itong mga pinagsesend ko sa kanya? Hindi na ako iinom ulit! Ayoko na uminom ulit!
Agad akong nagtext kay Wendy dahil sa kagagahan na ginawa ko. Hindi ko kinaya ang sarili ko! First time! Never kong ginawa iyon kapag nag-aaway kami. Parang anytime ay lalamunin na talaga ako ng lupa.
Wendy: Okay lang yan. Deserve niyang matawag na gago nang paulit-ulit. At least alam niya yung nararamdaman mo sa hiwalayan niyo. Hayaan mo siya.
Ilang beses kong pinag-isipan kung buburahin ko na ba ang numero ni Law sa contacts ko para kapag nalasing ako ulit ay hindi ko na siya maitext at matawagan. Napagpasyahan ko nga itong burahin kanina lang pero ngayon ay nag-iisip na naman ako kung ibabalik ko. Memorize ko nga pala ang numero niya and it sucks.