CHAPTER 6

5.7K 254 67
                                    


CHAPTER 6

Mamaya ako papasok dahil na-late na rin lang din ako ng gising. Kanina ko pa tinititigan ang profile ni Law dahil pinag-iisipan ko kung dapat ko na ba talaga siyang i-block nang tuluyan.

Iki-click ko na nga sana ang block nang bigla siyang magchat sa akin.

Lawrence Kojima: hi

Hindi ko iyon agad nireplyan dahil hinihintay ko pa na matapos ang tinatype nito. Pero yung kabog ng dibdib ko ngayon ay iba.

Lawrence Kojima: nvm

Para akong tangang naghintay matapos ang chinachat niya pero tatlong letra lang ang nakuha ko?

Katelyn Santos: ang sabi mo let's try... sabi mo susubukan nating maging magkaibigan ulit... ni hindi mo nga sinubukan kagabi.

Lawrence Kojima: miss ko na

Parang may kung anong dumabog sa dibdib ko dahil sa nabasa ko. Bigla akong kinabahan at na-stuck lang sa pagtingin sa cellphone ko. Ito ang lagi niyang sinasabi kapag nagyayaya siya...

Katelyn: Gago...

Binura ko kaagad yung tinype kong iyon. Hindi ko iyon sinend. Kinakabahan pa rin ako at pakiramdam ko ay napakadesperada ko na ngayon kung kakagatin ko pa ito para lang mabalik siya sa akin.

Lawrence Kojima: Gusto mo bang gumawa ng kasalanan kasama ko?

Napalunok ako ng sarili kong laway habang binabasa iyon. Lalong bumibilis yung tibok ng puso ko nang dahil doon.

Lawrence Kojima: Nevermind.

Napakagat ako sa labi ko dahil sa katangahan na sinagot ko rito.

Katelyn Santos: Miss ko na rin...

Napapikit na lang ako at napahiga sa kama ulit. Ang tanga ko talaga sa pag-ibig... Pati ba naman ito kinakagat ko na para mapalapit lang ulit sa kanya. Tama ba itong ginagawa ko?

Lawrence Kojima: Same place?

Huminga ako nang malalim bago ko siya nireplyan.

Katelyn Santos: Same place.

Lawrence Kojima: Sigurado ka?

Nagpalit ako ng posisyon para hindi ko maramdaman na pumipintig yung puso pero para na akong masisiraan dahil kahit anong palit ko ng posisyon ko ay ramdam na ramdam ko iyon. Umupo na lang tuloy ako nang maayos bago ko siya nireplyan.

Katelyn Santos: Sigurado. After work.

***

Kinakabahan ako. Buong araw akong kinakabahan at alam kong ang tanga na nitong ginagawa ko. Lahat ng hopes ko ay tumaas nang dahil sa chat niyang iyon. Kahit papaano, kahit na ganoon alam kong may pag-asa pa. Siguro nga ay halos itapon ko na ang dignidad ko sa ginagawa ko.

Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Nagretouch lang ako at pagkatapos ay umalis na sa office. Buong araw kong iniisip ang naging palitan namin ng messages ni Law. Sa totoo lang ay nagdadalawang isip pa rin ako. Kinakabahan at natatakot din naman ako.

Huminto ako sa paglalakad at napahigpit ang hawak ko sa bag ko.

Napalunok ako nang tignan ko yung hotel. Tutuloy ba ako? Huminga ako nang malalim bago nagpunta sa coffee shop malapit doon. Nag-order ako ng kape pagkatapos ay umupo sa sulok.

Inilabas ko ang cellphone ko. May text sa akin si Law kaya agad ko iyong binasa.

Law: Kate, sorry I shouldn't have said that. It was a mistake.

Para akong nanghina sa nabasa ko. Nagulat ako at sobrang nasaktan sa nabasa ko. Pagkatapos niya akong paasahin ulit at pagkatapos kong gawing tanga ang sarili ko ay ito ang makukuha ko sa kanya.

Me: A mistake? You aren't seeing someone. So, paanong mali?

Law: I actually like someone. I'm sorry.

Back to zero. Iyon bigla ang naisip ko. Kung gaano kataas ang inexpect ko ngayong araw ay siya namang taas ng ikinabagsak ko. Sobrang sakit. Pakiramdam ko ay dinurog ako nang pinuong-pino... Nagiging blurry na rin ang tingin ko ngayon sa screen ng cellphone ko.

Me: You like someone... So ano ako all this time?

Law: Sorry...

Me: Lamunin mo 'yang sorry mo. That's not what I need. I need a proper explanation, a closure kung ayaw mo na talaga. Hindi yung pinagsasamantalahan mo yung feelings ko para sa'yo. Kasi sa totoo lang magpapakatanga talaga ako ulit kung hindi ko lang alam na may iba ka na pala. Bullshit ka talaga.

Me: I was trying hard to forget you pero fuck you for chatting me. Fuck you for saying that and fuck you dahil pinaasa mo ako all over again.

Me: A mistake? Huwag mong pairalin yang libog mo kung ma iba ka na, bwisit ka. Karmahin ka sana! Miss mo na? Doon ka sa taong GUSTO mo pala. Tangina ka. Masahol ka pa sa pinakamasahol na nilalang sa mundo.

Gigil na gigil akong nagchat ng mga mura sa kanya. At sa galit ko sa kanya ay napaiyak na lang ulit ako. Tangina talaga siya.

MOVING FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon