BITTERANO STORY NO. 1
"Story of my BitterLife"
Akala ko kami na talaga. As in , Me and Him FOREVER . Kasi pa 8 years na kami. Tapos ang dami na naming plano. Yung kasal namin , kung sinong mga aabay , sinong ninong at ninang , tugtog sa kasal , anong theme , anong motive , sinong mga bisita , magkano magagasto , saan mag ha honeymoon at ilan ang magiging anak.
Odiba ? Napaka organize na nga actually ng plan namin, pero iba pala ang plan nya. May plan B pala sya . Na exclusive lang para sa kanya.
One day , magkaaway kami ng jowa ko . Umalis sya ng bahay , e este sa dorm na tinitirhan namin. Yeah , kami lang dalawa , pero don't worry wala PA namang nangyayari . Anyway , after nyang umalis ng bahay ay sinundan ko sya , nag-alala kase ko , mamaya kung anong mangyari dun. Malayo layo yung nilalakad ko at nakakainis dahil kung saan saan sya nag papasikot sikot.
"Saan ba kasi pupunta to ?"
Palayo na ng palayo ang nilalakad ko at until now hindi pa rin nya ako nakikita o napapansin man lang na sinusundan ko sya. Sobrang manhid.
Hanggang sa makita ko syang pumasok sa ibang dorm at sinalubong sya ng isang babae , at yung babaeng nakita ko ay classmate ko dati na naging bestfriend ko na naging kapatid na ang turing ko noon sa babaeng yun.
So after kung makita ang nangyari kagabing kababalaghan . Nainis ako syempre . Ikaw man yung bf mo may kasamang ibang girl, unang papasok sa isip mo "3rd party na ituu" at OO ! Malaking OO ! Magseselos ako ! Karapatan kong magselos at magalit dahil gf nya ko.
Nung nasa canteen na ko ng school na pinapasukan ko . Nakita ko na yung babae kagabi. Ang haba ng hair , at nakita ko mula sa likodan nya ang walangya kong bf . Kunyari pang di ako nakita !
"Nakakainis na talaga !"
"Ano ka ba friend ! Relax !"
"Paano ako magrerelax kung harap harapan kong nakikita ang bf kong may pinopormahang iba !"
"Eh ano nang balak mo?"
"Manuod ka."
Tumayo ako sa kinauupuan ko na may daladalang isang basong juice . Naglakad ako papalapit sa kinauupuan nung malanding girl. At nabuhos yung juice.
"Hey ! Ano ba ! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo !"
"Ay sorry. Sinasadya."
"What ?"
"Wala . Ang sabi ko. Parang kilala ko yang kasama mo ."
Tumingin sakin ang walangya kong bf at ang kapal nang mukha. Nagawa pang ngumiti sakin !
"Oo. Yang kasama mo. Naiwan ko lang sandali sa daan. May malanding babae agad ang dumampot."
"What are you talking about ? Sino ka ba?"
Okay. Mejo nag eeskandalo na ko.
"Bakit di mo tanungin yang manliligaw mo?"
"What ? He's not my manliligaw ! Boyfriend ko sya!"
Lalong nag init ang ulo ko that time. Gusto ko nang bugbugin yung bf ko at yung malanding babae.
"Ayy. Girlfriend ka na pala nya? Ang saya naman. The more the merrier ba to? "
Nakita ko yung reaksyon nung babae at feeling ko wala din syang alam sa nangyayari saming tatlo. So minabuti ko nang kausapin ang walangya kong EX bf . Oo .Ex na agad agad !
"Hi ! GGSS ! Sana sinabi mo saking mas gusto mo ng plain keso sa special. Edi sana , hindi ka na naghanap po."
"Let me explain."
Napatigil naman ako bigla. Akala ko sa teleserye lang nangyayari to., ang magkakagulo sa canteen.
"Sana man lang sinabi mong may isa pa ! Para walang nagmumukhang tanga!"
"Ano kase.."
"I explain mo kay Miley Cyrus !"
At in the end . Nagbreak din kami. Habang ako sobrang nangangayayat na sa hindi pagkain . Sila naman nagpapakasaya lang.
Feeling ko , sinasaksak ang puso ko ng paunti unti. Sobrang sakit pala. Yung sineryoso mo yung relasyon nyo, tapos laro-laro lang pala ?
Hindi na tama to !
"Humanda kayong dalawa!"
-end of Part 1-
( note : true story to. Joke. Haha. O diba ? Napakahard. Ano kaya naman ang gagawin nitong si girl kay boy at sa malanding girl? Magpapakilala pa ba sila sa Part 2 ? )
Abangan...
BINABASA MO ANG
BITTERano???
Teen FictionPara sa mga taong BITTER. Sa mga taong sobrang BITTER. Paano nga ba mapipigilan ng isang tao ang maging bitter ? Paano nga ba? Edi basahin mo to !