BITTERANO STORY NO. 1 Part II
"Story of my BitterLife"
( cont. )
Bakit ba kase ganon ang mga lalaki ?
Porket alam nilang gwapo sila eh , okay lang na magpalit-palit sila ng jowa ? Ano bang tingin nila saten ? Damit na pag may nakitang bago at maganda , mag papalit agad ? May maganda lang na ma i-display.
"Hoy . Ano ? Bakit ka ba nagkakaganyan ?!"
"Ano ka ba. Hindi ba obvious ? Edi nag eemote."
"Move on na kase best. Move on ka na kay EX BF mo."
"Alam mo best, hindi ganon kadali yun . Hindi madaling mag move on sa taong nagmahal ng todo."
"Ewan ko sayo. Ayusin mo yang sarili mo. Nag mumukha kang kawawa . Wag kang mawalan ng pag-asa."
At yun. After nang pag-uusap namin ng best ko . Nagkaron ako ng pag-asa. Hindi pwedeng ganto na lang ako palagi. Hindi dapat ako magpaapekto sa paligid ko. Hindi pwedeng masaya sila , tapos ako ang nagdudusa , ako yung mukhang kawawa. I don't deserve this. I deserve happiness. Its time for me to be happy.
***
Ako si Mystyle . Mapagmahal , maaruga at higit sa lahat mapangarap. Mahal na mahal ko si Kristof , sobrang mahal. At yung pagmamahal ko sa kanya ay hinding hindi matutumbasan ng kung sino man.
Pero noon yun.
Noon, mapagmahal ako. Ngayon galit ang nadarama ko. Dahil simula nang magtransfer yang si Oliva , ay parang nagbago na ang lahat samin . Sobrang bilis nang pangyayari. Akala nya siguro sobrang gana nya! Pustiso lang naman ngipin nya ! Kalaro ko pa yun dati . Uhugin , maitim , maraming kuto, galisin . Tapos ngayon , nagbuhos lang ng kumukulong tubig na may nakababad na gluta , eh akala mo ikinaganda nya na yun. Spell ASA . Bitter na kung bitter . Eh wala akong magagawa , mahal ko pa rin sya hanggang ngayon . Yung kahit paulit ulit kong sinasabing "Hindi na." but still , mahal ko pa din.
After ng ilang weeks na hindi ko pagpasok , ay nagbalik na sa paaralan ang Dyosa . Ang dyosa ng unibersidad na ito.
Syempre ang daming nagulat sa transformation ko . From long hair to short hair . Tapos nagpakulay ako ng hair , light golden. Tapos nagpabangs ako. At mejo pumayat ako.
Yun lang naman ang nagbago. Pero ako pa rin naman to. Si Mystyle , na mapagmahal.
"Hi Miss?"
"Kristof ?"
Emergehhd. Nagulat naman ako. Hindi nya ba ako nakilala ? Sobrang ganda ko ba para di nya makilala ?
"Kilala mo ko ?"
"Oo naman."
Sagot ko nang nakangiti . At maya maya lang may malanding babae na dumating.
"Hi baby. Sino yan ?"
Eto na sya. Ang dyosa ng kapangitan. Si Oliva. Kaya yon. Nainis ako bigla . Uminit yung ulo ko. Yung init na gusto mo nang masunog si Oliva!
"Ako ? Sino ako ? Ex nya."
"Ex ko ?"
Nabigla nitong tanong.
"Baby ! Sino ba kase yan!?"
"Grabe. Wag tanga please ? Ako to si Mystyle."
di ko na napigilan ang inis ko.
"Gulat kayo no? ... Anyway .. Not so nice to meet you. Go to hell."
"Joke." pabiro kong sabe.
And thats end our convo. At umalis na ko. Dahil wala na kong masabi at sasabog na ko sa inis. So dumiretso ako sa clinic kung nasan ang bestfriend kong si Kakee.

BINABASA MO ANG
BITTERano???
Teen FictionPara sa mga taong BITTER. Sa mga taong sobrang BITTER. Paano nga ba mapipigilan ng isang tao ang maging bitter ? Paano nga ba? Edi basahin mo to !