Story No. 2 - Bitter in Time Part II

35 1 0
                                    

Story No. 2 - Bitter in Time Part II

( cont. )

"Hello , si Irish po ?"

Bati ko sa lola ni Irish . Oo . Pinuntahan ko sya sa bahay nya after kong malaman na tama pala ang hinala ko na si Irish ang papalit na endorser ng YOLO Cologne.

"Wala sya dito , sabi nya kasama ka nya ?"

Ano ? Kasama ko ? Pati pala sa lola nya nagsisinungaling sya . Grabe. Hindi naman ganto dati si Irish . Mabait sya dati . Honest kami sa isat isa . Wala syang itinatago sakin . Alam nya lahat ng hinanakit ko at ganoon din ako sa kanya. Bakit parang nag-iba na sya ?

"Ahh. Sige po Lola , baka po nagkasalisi lang kami ni Irish. Mauna na po ako."

At dumiretso na ko sa mall para puntahan si Irish.

Irish POV

Nakakainis talaga yang si Dianne ! Nakakapang-init ng ulo. Akala nya siguro makokontento lang ako sa mga ganitong sitwasyon. Laging nakabuntot sa kanya . Laging nakadepende sa kanya. Lagi na lang akong supporting actress.

"So Irish , are you willing to be our new endorser of YOLO ?"

Tanong sakin ng isang manager sa isang branch ng yolo corp. Ang tagal ko ding pinaghirapan to. Ang sarap pala sa pakiramdam .

"Mam , nasa labas po si Dianne . "

"Huh?"

-Irish

"Papasukin mo sya."

"Pwede po bang pagkatapos na lang po natin sya papasukin?"

"No Irish. Mas mabuti na yung nandito sya para magkalinawan."

Dianne POV

Hindi ko akalaing mahihirapan akong makapasok dito sa loob . Nakakatuwang isipin na , kahit hindi pa tapos ang kontrata ko sakanila ay naghahanap na sila ng kapalit ko. Bakit ? Hindi na ba ako pwedeng magrenew ng kontrata ?

"Ms. Dianne . Okay na po."

At agad akong pumasok sa loob . Pero napatigil ako ng bubuksan ko na yung pinto papasok sa loob. Bigla akong kinabahan . Parang nanginig buong katawan ko. Kilala kase nila ako bilang isang matapang na babae . Walang kinakatakutan . Walang inaayawan. Yan si Dianne. Pero iba yung nararamdaman ko ngayon. Nawala bigla yung matapang na si Dianne.

"Goodmorning Dianne."

Bungad na bati ni Irish , nakangiti sya . Pero hindi nya ko matingnan sa mga mata ko ng diretso. Nang magtama ang mata namin ay inirapan ko sya.

"Girls , maupo na kayo."

Kahit na may konting kaba . Tinatatagan ko ang loob ko. Kaya ko to . Gusto ko lang ipamukha sa Irish na yan , taga salo lang sya nang mga papel ko.

"So , ... Dianne sasa-"

"Alam ko. Nagpunta lang ako dito para sa bestfriend ko. Oopss. Ex bestfriend ko pala."

"Best. S-sorry. A-ano kase ... Ahh-no."

"Bes- i mean Irish. Wag na tayong magbolahan. Alam ko na naman na from the start na malaki ang inggit mo sakin . At yan din naman ang lagay ng ibang babae katulad mo."

"Dianne . Wag dito."

"Mam, sorry pero .. Hindi na ko magrerenew ng kontrata sa kompanya nyo. Hindi ko naman talaga gusto to eh. Pinilit lang talaga ako ni Mommy . Thank you for the break."

Eto na . Dianne . Wag kang sasabog . Alam kong nasasaktan ka na .

"Hindi ko kayang makita na bumagsak ang dating mataas na kompanya . Sa pagkawala ko , sinisigurado ko . Hindi kayo magiging katulad ng dating nasa taas !"

"Dianne , enough ! Tama na yan !"

Sigaw ni Mam.

"Dianne . Natatandaan mo ba nung bigyan mo ko ng bracelet na mula sa mga sponsors mo ? "

flashback. " alam kong , di mo talaga gustong ibigay yon sakin , pero dahil naaawa ka sakin binigay mo yun!"

"Talaga ? Wala akong maaalala."

"Puro awa lang ang nakikita mo sakin . Kaya moko kinaibigan dahil pinilit ka ni mama. Tama ba ko ? Ayoko ng pagtrato mo sakin ! Para mo kong alaga . Bibigyan mo lang pag naaawa ka !"

"All this years ? Lahat awa lang ang sa tingin mong pinapakita ko sayo ? How pathetic. Ayoko ng drama. I quit ! And ayoko na ring makita ka. Ayoko ng bitter na kaibigan na gaya mo !"

- end of part II -

( otor : hahahahahahahahahah. Wala talagang nagtatagal no ? Kahit ilang years na kayong magkaibigan nagkakaaway pa din kayo! Ano na kaya ang mangyayari sa dalawang magbestfriend , i mean mag EX bestfriend ? Magiging okay pa kaya sila ? O magpapakabitter na lang sila habang buhay ? Ewan ko !!! Hahaha"

Abangan....

BITTERano???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon