Story No. 2 - Bitter in Time Finale
( cont. )
Nakakatawang isipin na biglang nagbago ang lahat . Dahil sa mga iringan namin ni Irish. Napagdesisyunan ng Manager ng YOLO Corp. na magkaroon ng online voting kung sino saming dalawa ang karapat-dapat na maging endorser ng YOLO . Pwede ko namang ibigay na lang yun kay Irish , pero mag mumukha lang syang kawawa pagnagkataon.
"Si Dianne !!!! "
May mga grupo ng kabataan ang biglang lumapit sakin. Nasa Mall kase ako ngayon .
"Hi !" Kaway ko .
"Alam mo ba na mas maganda ka kay Irish.?"
"Huh ? Kayo naman , di masyado. Konti lang."
"Napakahumble nyo po pala. Its so amazing."
"Kayo naman. Iboto nyo ko huh ?"
"Oo naman !!! "
Nang kalauna'y naglakad-lakad ulit ako . At may nakita akong grupo nang mga babae ang palapit saakin.
"Hi !"
Pero nagulat ako ng lampasan lang nila ang beauty ko. Nang lumingon ako sa likod . Nakita ko si Irish.
"Hi Irish !!!"
"Hello :)"
Napakaplastic ng ngiti , kitang kita sa kanya ang pagka alipin nya.
"You're better than Dianne. Di ba girls ?"
Pagmamayabang nung isang babae na pinapalibutan ng iba pang mga babae na kasama sya. Tumingin sakin si Irish ng ituro ko ng mayabanang na babae.
"Look at her, wala na sya ngayong julalay . Tama lang yung pagdedesisyon mong lumayo sa babaeng ang tingin lang sayo ay alipin. Haha"
Ouch. Ang sakit ng pinagbubulungan ka kahit na alam nilang malapit ka lang sakanila . Yung tipong gusto mo nang lumakad palayo pero ayaw ng mga paa mo. Yung gusto mo nang umiyak pero ayaw ng mga mata mo dahil naduduwag kang makita nila na ang dating sikat ay ngayon ay kinaaawaan na ng marami.
"Wag naman kayong ganyan."
Napatingin ako kay Irish. Matutuwa ba ko sa sinabi nya ? O maiinis ? Ewan ko. Ayaw ko ng ganto.
***
Matapos ang isang linggo . Dumating na yung araw na kinakatakutan ko. I aannounce na kung sino ang nanalo sa online voting competition para sa YOLO Endorser.
Mamayang alas siete ng gabi ay gaganapin sa isang mall ang isang event ng YOLO Corp. At kasabay non ang pag tanghal kung sino samin ni Irish ang nanalo.
"Kinakabahan ka na ba Dianne ?"
Nasa cr ako ngayon ng school namin . Nang may biglang dumating na babae. Si ,
"Irish ?"
"Hi, Dianne? Miss me ?"
Ang lakas ng loob nyang magpakita saakin. Akala mo kung sino na sya ?!
"Well hello. Not so nice to see you Bitch."
"Bitch. You witch ! Ngayong ako nang ang tatanghaling winner , ano na kaya ang mangyayari sa dating nasa top na ngayon ay bye bye na ?"
"Alam mo Irish, kilalang kilala na kita eh. The way you talk , sa twing may sasabihin kang alam kong pinipilit mo lang sabihin. Nagtatapang tapangan ka . Akala mo ba ikaw ang mananalo ? Well. Kung ikaw man , congrats . Hindi ko na naman kelangan yon . Dahil ikaw ang may kailangan non ! Kawawa ka naman . Napaka desperada mo namang tingnan."
"Napakasama mo ! Matapos ng lahat ! Lahat lahat ng pagsisilbi ko sayo ! Sa la--"
"Irish stop ! Hindi ko sinabing gawin mo sakin ang mga bagay na yon ! Ikaw ang kusang gumawa nun ! Kaya wag na wag mong isusumbat sakin ang nakaraan na !"
"Huh ? Akala mo ba gusto kong gawin yun ? Akala mo ba kusang loob lang yun ! The hell you're talking about ! Napipilitan lang ako !"
May mga luha ang pumatak sa mga mata ko.
"Yun na nga ! Napipilita ka nga ! Pero hindi ko naman ... Hindi ko naman sinabing gawin mo yon ! Dahil kaibigan kita !"
"Kaibigan ? Eh . Tinuring mo ba talaga akong kaibigan ? Ha Dianne ! Tinuring mo ba talaga ako bilang kapatid ? "
"Alam mo , di ko alam kung tinuring kitang kaibigan. Pero , tinuring kitang kapatid."
Sabay patak ng mga luha namin. Matapos kong sabihin na kapatid na ang turing ko sa kanya.
"Kahit kailan , di ko naramdaman na tinuring mo kong kapatid Dianne ! "
"Dahil pilit mong sinasabi sa sarili mo na alalay lang ang tingin ko sayo ! Dahil di mo matanggap na mas lamang ako sayo kaya di mo maramdaman yon !"
"Hindi. Mali ka. Ikaw ang nagtulak sakin na gawin ang lahat ng to. Pinaramdam mong hindi kita malalamangan . Sa twing may contest di ka sumasali kapag kasali ako dahil baka matalo mo ko ! Diba ? Yun ang gusto mong palabasin na hindi kita pwedeng lamangan !"
"Ewan ko sayo ! Kung yan ang nasa saiyo . Sige ! Ipagduldulan mo ang sarili mo dyan !"
"Okay , Fine. Eto na siguro ang huli nating pag-uusap."
"Siguro nga tama ka . Eto na ang huli. "
At sabay kaming tumahimik. Lumabas na ng cr si Irish. Ako naman naiwan sa loob ng lumuluha. Hindi ko matanggap na lahat ng masasakit na salita sakanya ko pala maririnig.
The Night before the Event of YOLO Corp.
Hindi na ko umattend ng event. Kinausap ko ang isa sa mga staff na hindi na ko makakapunta. At si Irish na lang ang gawing endorser. Hindi ko na kayang makipagtalonpa kay Irish. Kaya ako na lang ang didistansya.
***
The End.
( otor : hahaha. Yan na yun. Wala na kong maisip na plot dahil nawala lahat ng ideya sakin matapos ang nakakapanglambot na midterm exam namin. Wait nyo ang story number three na magpapakilig senyo. Hahaha . Konting hapyaw na lang siguro ng pagkabitter. Naaawa ako mismo sa mga character ko. So paano ? Eto na yun. May bago kase akong gingawang story. Soon. )
End of Story No. 2
BINABASA MO ANG
BITTERano???
Teen FictionPara sa mga taong BITTER. Sa mga taong sobrang BITTER. Paano nga ba mapipigilan ng isang tao ang maging bitter ? Paano nga ba? Edi basahin mo to !