2.8

226 15 3
                                    

"Jaemin, sorry ha?" Narinig ko si Herin habang naghihintay kami kina Haechan at Jeno na kung saan saan na naman nakarating sa loob ng department store sa taas. Kagagaling lang kasi namin sa doctor dahil ipinacheck up namin yung sugat ko at napagpasyahan naman nila Jeno na mamasyal muna ngunit di naman ako nakapasyal sa loob talaga dahil masakit pa yung sugat ko. Nagpaiwan na din si Herin, at heto nasa may Greenwich area kami, kumakain.




Agad ko namang naisip iyong tungkol kanina na nahuli nila kami ni Jeno na kung anong himalang ginagawa.


Napaiwas ako ng tingin dahil dun.





Dahil sa hiya.



"I mean, hindi yung kaninang umaga kung yun ang iniisip mo." Herin said.

"Kung ganun, saan ka nagsosorry?" Pagtataka kong tanong sabay baling sa kanya.



Napahinga siya ng malalim.




"Puwede akong magkuwento sayo?" She asked.
Naweirduhan man ako at napatango nalang ako.



"Importanteng tao sa samahan namin si Jeno. Nung bata pa kami, siya lagi nagtatanggol sakin at laging sila kasama ko. Silang tatlo, i mean. Oo, kababata ko sila at dahil na din sa sobrang closeness namin, ayoko yung nahihiwalay ako sa kanila o yung nalalayo ako sa kanila." She said.


"Maniniwala ka bang dahil lang sa pustahan kung bakit naging sila ni Emily?" She smiled.



Ha?


"Wow." Ayan nalang ang nasabi ko.


"Ang swerte mo nga kasi mahal ka ni Jeno. Ang swerte mo kasi kayang kaya niyang ibaling ang atensiyon niya samin saiyo. Ayokong maging selfish na kaibigan sa kanya, Jaemin. Nakikita kong ikaw ang kaligayahan niya. Pero sana iingatan mo siya gaya ng pag iingat namin sa kanya." Medyo pumakla na ang tono ng pananalita niya at ngiti niya sakin kaya di ako nakaimik.




But, so overwhelmed.




Tinitigan ko siya sa mata.


"Nung isang araw, nainis ako sayo kasi dahil sayo hindi niya kami pinansin a day before that. Ewan ko, sabi ni Haechan nagkaproblema daw kayo ni Jeno na dahil daw yata kay Lami. Gusto kitang intindihin tungkol dun, pero nasasaktan na yung kaibigan namin." She laughed lowly.


Napayuko ako ng ulo ko. I dont know what to say.





Wala na ba akong karapatang magselos kung ganun?



"Ewan ko ba, Jaemin. Ano bang ginawa mo o ipinakain mo sa kaibigan namin, bakit parang baliw na baliw siya sayo? Lagi nalang ikaw bukambibig niya kapag sama sama kami. Kaming tatlo naman, tahimik lang at hinahayaan na kasi gusto naming suportahan siya sa kaligayahan niya." She said.


"Sorry then." I mumbled.


She chuckled. "Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan."



Nahuli ko ang pagngiti niya kaya napangiti din ako.


"Alagaan mo si Jeno. Kasi sa totoo lang, siya lagi yung malungkot kapag mag isa niya, siya yung madalas mahina kapag nasasaktan na siya at siya madalas ang may kailangan ng pagmamahal na di pa niya nakukuha." She said.



Gulat naman ako sa sinabi niya kaya natahimik na naman ako.


"Jaemin, lumaki ka sa ampunan diba? Masaya ka ba doon kahit hindi mo nakilala ang tunay mong magulang?" She asked suddenly.

Overplay S2 : HARDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon