2.15

233 10 25
                                    

"Jeno .."




























"Jeno huy-"















































"ANO BA JENO GIGISING KA BA O HINDI?!!" Napasigaw na ako sa inis.










Isang tawa lang naman ang pinakawalan niya habang nakahiga pa.









Bumangon ito ng dahan dahan habang tumatawa pa din.








Napairap ako sabay talikod sa kanya.










Buwesit. Ngayon na nga ang araw ng alis nila papunta Singapore at naiinis ako dahil iniisip ko palang na limang araw ko siyang di makikita ay parang naiiyak na ako.






















Pero ang loko, sinasadya yatang gusto kong magdusa mag isa dito.











"Ano ba, baby. Ang sarap ng tulog ko ehh." Sabay yakap niya sakin mula sa likod.







Siniko ko lang siya. "Magbihis ka na. Aalis ka na mamaya diba? Naayos ko na gamit mo sa maleta mo kanina pa kay-"




Natigil ako ng humigpit ang yakap niya at naramdaman ko ang halik niya sa leeg ko.












"Tatawag ako lagi para di ka malungkot." He whispered.









Lalo lang akong nalungkot.













"Hindi naman ako malulungkot eh. Mamimiss lang kita." I said sadly.










Pero sino bang niloko ko? Siyempre nakakalungkot yung wala siya sa tabi ko.












"Five days lang yun. Pag uwi ko dito agad diretso ko para sayo." He said.










Bago pa man magkaiyakan, tinanggal ko na ang mga kamay niyang nakapulupot sakin at sinabing maligo na siya. Tumayo naman ito at kinuha ang tuwalya niya saka naglakad na paalis ng kama.










Bago pa man siya nakarating ng banyo, nilingon na niya ako sabay ngisi.







Kaya nagtaka ako.









"Tutal mamimiss mo ako, bakit kaya di ka sumabay sakin na maligo ngayon?" He said.









Assdfghjklllll









"Gusto mo yatang ma-late sa flight niyo ha?" I said.







Tumawa lang ito ang dumiretso sa banyo at isinarado iyon.













I sighed.








Kaya ko naman to eh. Kaso tuwing iniisip kong wala siya sa tabi ko parang nanghihina ako.










Napangiwi naman ako ng maramdaman ulit yung sakit ng likod ko. Alam niyo yung parang mahapdi na masakit na makati na feeling? Nagpatingin na ako kahapon sa doctor pero wala namang nakitang irritation o kahit na anong sugat o posibleng pain areas dun. Water bed lagi hinihigaan ko kaya hindi ko masasabing ngalay ako lagi.








Overplay S2 : HARDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon