2.7

196 14 8
                                    

Naluluha na ako habang inaalalayan ako ni Chenle hanggang sa makarating ako ng Condo. Hindi ako matigil dahil sa sakit na nararamdaman ko hindi dahil sa sugat ko, kundi sa sinabi ni Jeno.






Pagod na siya sakin.





Pagod na siya. :-(




Sa gabing iyon di na din ako kumain at nahiga nalang habang yakap yakap ang unan ko. Umaagos ang luha ko na di matigil tigil at halos hindi ko na magawang bumangon para uminom man lang ng tubig o kumain sa kusina.



Miss na miss ko na siya pero yun lang ang sasabihin niya sakin?





Pero kasalanan ko din naman yun diba? Napagod na siya sakin eh.






Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako at nagising nalang ako ng magring ang alarm clock ni Jeno sa may night table.







"Saturday : 6:30am"







Wala nga palang pasok ngayon pero dahil sa alarm nagising ako ng maaga.



Napansin kong medyo namantsahan ng dugo ang kumot na puti kaya tiningnan ko ang sugat ko at puno na nga ang benda nun ng dugo.



Iika ika akong naglakad papunta sa cabinet ko at humablot ng lumang cotton shirt ko at dumiretso sa CR.



Tinanggal ko ang benda ng dahan dahan at hinugasan ang sugat ko panandalian at lininisan ng alcohol saka ko inapplyan ng scar cream bago ko ito binalot nung pinunit kong cotton shirt ko. Itinapon ko iyong benda at cottons sa trash bin ko bago ko kinuha iyong naduguang kumot ko at isinalang sa washing machine sa loob ng CR.






Ng matapos ko iyon, dumiretso lang ako sa kusina at uminom ng tubig.





Naghilamos ako bago ako dumiretso sa loob ng kuwarto at binuksan ang telebisyon sa unang pagkakataon.




Pero wala akong interes doon kaya pinatay ko din agad.








I sighed.



Jeno. :-(




Miss ko na si Jeno.







Kaso miss ba niya ako?




Halos maiyak na naman ako sa naalala ko.




Natuto akong maging matatag dahil sa kanya.




Diko naman aakalaing siya din pala magpapahina sakin.





Bigla ba namang bumukas ang pinto ng condo at si Jeno ang iniluwal nito.




Nagkatitigan kami ng sandali at hinihintay kung ngingiti ito bigla pero tumingin lang ito sa paa niya habang papasok ng condo.




Labis na tuwa ang naramdaman ko ng makita siya.




"K-kukunin ko lang yung naiwan kong soccer ball dito." Sabi niya ng di makatingin sakin.




Parang bumagsak ang mundo ko sa sinabi niya.




Hindi siya pumunta dito para sakin.




"S-sige." Sagot ko.



Habang binubuksan niya iyong box sa ilalim ng higaan. Naglakad ako palapit sa kanya at tinitingnan siya mula sa likod habang hinahanap iyong bolang iniwan niya sa ilalim kamakailan lang.





Overplay S2 : HARDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon