Chapter 1

1.3K 73 40
                                    

"Anna nasan ka na ba? Bakit ang tagal-tagal mo?!" galit na tanong ni mama sa kabilang linya ng celphone.

"Eto na pipila pa lang ako sa cashier. Ang dami kasing tao" sagot ko sa kanya.

Eh ang haba naman kasi ng listahan na pinapabili sakin ni mama dito sa grocery tapus ang sikip pa ng mga daanan dahil ang daming tao ngayun.

"Ha! eh kanina kapa dyan ah! oh sige, dalian mo na at baka dumating na ang mga bisita ng lolo mo" pagmamadali niya sakin.

"Opo magmamadali na" binaba nya na ang phone.

Nagmadali na akong pumila sa cashier. Grabe ang haba ng pila weekend kasi. Di ko nga matanaw yung dulo ng pila eh.

After 50 mins.

HAYS! sa wakas! nakarating na din ako sa counter.

Pinunch na nung babae yung mga binili ko.

"5,590.25 po" sabI nya. At nagbayad na ako.

Nilagay na nung bagger yung mga binili ko sa mga plastic. At nung ibibigay nya sakin eh napatanong sya sken.

"Ma'am kaya mo po bang buhatin lahat?" tanong nung bagger.

"Oks! lang kuya kering-keri ng muscles ko to!" nakangiti kong sabi sa poging bagger ng grocery. Pero ang totoo di ko alam kung paano ko dadalhin lahat ng pinamili ko.

Binuhat ko na yung mga pinamili ko at nagumpisa na akong maglakad. Jusko!!! halos matata ako sa bigat.

Kakalabas ko palang ng grocery pero ang sakit na ng mga kamay ko.

Eh anu ba kasi yung mga binili ko?? Pang dalawang kilo lang naman ng spagetti tapus 2 kilo din ng pang pasit at 3 kilong manok, isama mo pa yung mga gulay at pang rekado tapus meron pang dalawang 1.5 ng coke.

Ano ako super hero? Sino kaya yung mga bisita ni lolo at ang OA ni mama maghanda? Saan naman kaya yun nakakuha ng pera eh samantalang kahapon "debut" ko NGA NGA!. Anu yun biglang nanalo sa loto?

Pahinto hinto ako sa paglalakad para maibaba yung mga bitbit ko at ipahinga yung mga kamay ko. Tapus buhat ulit at maglalakad.

In fairness ha! nalagpasan ko na yung isang building na katabi lang ng grocery oh diba ang layo na nang narating ko? Muntik pa nga akong madapa dahil sa binabangga pa ako ng mga nkakasalubong ko at ang nakakainis pa eh wala din ako masakyang tricycle! Kapag minamalas nga naman.

Lakad pa ulit, lakad pa...

Hays! sakit na talaga ng kamay ko. Wala pa ngang mahal na araw eh nagpipinitensya na ako.

Di bale onting tiis nlng, isang kanto nalng at malapit na ako sa bahay.

Lakad pa... lakad.. lakad...

Nasa kanto na ako ng biglang may sumulpot na lalaki at nadulas papunta sakin. BUUUUGGGSSHHHH!!!

Napaupo ako sa lakas ng pagkabangga nya sakin at siguro dahil na rin sa sobrang bigat ng mga dala ko.

Napaluhod naman siya sa harap ko.

Nabitawan ko lahat-lahat ng pinamalengke ko at nagkalat ito sa daan.

Grabe ha? pagkatapos kong paghirapan buhatin ang mga yun matatpon lang lahat. At ang pwet ko ang sakit ha?

Pagkadilat ko ng mga mata ko nkita kong nakasubsob ang muka nya sa "B00bs" ko!!!

My Stupid Prince (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon