Chapter 4

849 38 19
                                    

One week na ang nakakalipas matapus nang shooting pero di parin ako maka get over. Di nga ako makatulog ng maayos sa gabi dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko eh naalala ko yung sayaw namin ni Prince.

"you look pretty in your dress"

"there is something I wanted to say to you"

"I...I think...I lo--"

Ano kaya yung gustong sabihin sakin ni Prince?

Hmmmm...gusto ko sanang itanong sa kanya pero nagkakailangan naman kame kapag magkasama kaming dalawa at di rin kami makatingin ng diretso sa isat isa.

Hays! Kasi, kapag tinitignan ko sya eh mabilis na tumitibok ang puso ko na para bang sasabog.

Jusko! Bakit ba ganito? baka naman meron na talaga akong sakit sa puso?

Pero aminin mo Anna kakaibang feeling talaga ang naramdaman mo nung time na yun di ba? Di nga maalis sa isipan ko ang itsura nun ni Prince na napakagwapo. Na para bang isang tunay ng prinsipe.

Tok Tok Tok!!

Natigil ako sa imagination ko ng kumatok si Prince sa pinto ng room ko.

"Are you ready?" sigaw nya kabilang side.

"Oo, ayan na tapus na ako" sigaw ko din. 

Nagaayus kasi ako dahil pupunta kami sa debut ni Clarisse. Napilitan lang ako dahil sa pinagtulungan nga nila ako nung last time. Ayaw ko sana sumama pero ayaw talaga pumunta ni Prince ng hindi ako kasama. Tss pero try lang talaga ni Clarisse na may gawin sya ulit sakin naku papatulan ko na talaga sya!

Nakarating na kami ni Prince sa hotel kung saan gaganapin yung party.

Napaka elegante ng lugar at yung mga bisita puro mga sikat. Buti nalang eh meron na akong dress na maganda. Suot ko kasi ngayun yung yellow dress ng "Marceli" na nakalagay sa closet ko.

Tumingin tingin ako sa paligid para hanapin si Cathy pero mukang wala sya, siguradong busy sya sa taping. Hays! OP sigurado ako dito dahil wala man lang akong kilalang iba maliban kay Prince.

Pinaupo na kami sa upuan namin at nagsimula na yung program ng debut ni Clarisse.

Lumabas na si Clarisse na suot ang kumikinang na red gown nya.

Grabe mas lalo pa syng gumanda sa suot nya. Malamang sya din ang nagdesign ng gown nya. Ang gaganda talaga ng mga design nya pero yung ugali naman napaka panget! sana naging dress nalang sya.

Maya-maya lang eh may lumapit na waiter samin. Pinapatawag daw si Prince dahil sya pla ang pang 18th rose.

"Stay here. Dont go anywhere. I'll be back" utos ni Prince.

Tumayo na si Prince at sumama na sya dun sa waiter.

Pumila na lahat ng mga lalaking kasali sa 18 roses. Nakita kong nakapila din si Prince sa dulo. Nag umpisa ng tumugtog yung mga violin at isa-isa na nilang sinayaw si Clarisse.

Lumapit na si Prince sa gitna at sinayaw nya na si Clarisse. Grabe kumikinang ang buong palig dahil sa ang daming nagpipicture sa kanila dalawa. Syempre nga naman pinagsama yung dalawang anak ng mga sikat. Para tuloy akong nanunuod ng Movie. Muka silang prinsipe at prinsesa bagay na bagay silang dalawa.

Nang matapos na ang program eh bumalik na si Prince sa upuan nya sa tabi ko.

"Bagay kayo ni Clarisse ah" nagulat sya sa sinabi ko. Maski ako nagulat din sa sinabi ko.

"Are you jealous?" Syaks bakit ko kasi sinabi yun?

"Oy! Hindi noh. Bakit naman ako magseselos eh wala naman ako gusto sayo" hindi ako mapakali sa pwesto ko.

My Stupid Prince (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon