Chapter 7

591 39 17
                                    

(guys sori if late upload natulog kasi ng matagal si author eh tapus wala naman prinsipe na gustong humalik hahahhaha!!! anyways this chapter is dedicated to all Lance fans out there. #HappyLanceFansDay )

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Hoy Anna! Gumising ka na nga! Nagugutom na ako!” malakas na sabi ni Lance habang inaalog nya yung binti ko gamit ang isang paa nya.

Ang kapal din ng muka nito eh noh? Anung tingin nya saken katulong nya? Inagaw nya na nga yung kama ko kagabi kaya dito ako ngayon sa may supa natulog tapus uutusan pa nya ako! Ayus!

“Anu ba?! Kita mong ang sarap ng tulog ng tao eh tapus gigisingin mo lang?” reklamo ko sa kanya.

“I don’t care! Alam mo bang dahil sa alarm clock mo kaya ako nagising ng maaga? Kaya magluto ka na ng breakfast!” utos nya sabay hagis saken ng celphone ko. Sinalo ko naman yung celphone ko at tinignan yung oras. 5:30am pa lang.

Tinalukbong ko ulit sa muka ko yung kumot ko pero hinila ito ni Lance.

“Anu ba? Balik mo nga yan sakin!” sigaw ko sa kanya pero di sya kumikibo. Nakatitig lang sya sa katawan ko na parang istatwa. Tinignan ko din ang sarili ko. Pagkatigin ko eh naka suot nga lang pala ako ng manipis na pantulog ko kaya bakat pa yung bra at panty ko!

“Hoy bastos ka! Anung tinitingin-tignin mo dyan ha?” sabay upo ko at tinakpan ko ng unan ko yung katawan ko. Naalis naman din yung tigin nya saken.

“Akin na nga yang kumot ko!” hinila ko yung kumot gamit ang isang kamay ko pero ayaw nyang bitawan.

“Ayoko! Tumayo ka na dyan at magluto ka na” hinihila nya din yung kumot pero hindi ko rin binibitawan.

“Bakit ba nandito ka pa ha? Bakit di kaya yung yaya mo ang utusan mo magluto dun noh?” hinila ko ulit ung kumot.

“Wala si yaya Maring. Pinag-day off ko” hinila nya pa ulit yung kumot.

“So problema ko ba yun? Edi magluto ka mag-isa mo!” sabay tadyak ko sa kanya at hila ng malakas sa kumot gamit ang dalawa kong kamay na pati sya eh nahila ko rin at bumagsak sya sa may harapan ko.

Napapikit ako dahil akala ko maiipit nya ako pero pagdilat ko ng mga mata ko eh parehong nanlake yung mga mata namin. Yung dalawang kamay nya parehong nasa magkabilang gilid ng muka ko na nkahawak sa sandalan ng supa at yung muka nya sobra lapit na sa muka ko! Sa sobrang lapit eh onti nalang ay mahahalikan nya na ako!

Dug dug dug dug!

OMG! Kumakabog nanaman ang puso ko!

Dug dug dug dug!

Feeling ko umiinit ang muka ko!

Dug dug dug dug!

Yung mga labi nya ang pula-pula na para bang inaakit ako na halikan ko sya.

Dug dug dug dug!

Sakto naman na lumabas si Prince mula sa kwarto nya at kitang-kita nya yung itsura naming dalawa. Sabay kaming dalawa ni Lance na napatigin kay Prince.

Syaks! Si Prince!

Gulat na gulat ang muka ni Prince ng makita nya kaming dalawa.

Agad kong tinulak si Lance papalayo saken at agad din naman syang tumayo palayo sken. Nagmadaling pumunta si Lance sa may kitchen at kinuha yung takure dahil gagawa ata sya ng kape nya. Ilang steps lang naman yung papuntang kitchen kya tanaw nya pa kaming dalawa ni Prince.

“Ahh..Goo-good mo-morning Prince” utal na bati ko kay Prince.

Syet! Kinakabahan ako baka magalit si Prince. Bka mamaya kung anung isipin nya. Eto namang kasing si Lance eh masyadong papansin!

My Stupid Prince (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon