Chapter 11

585 30 18
                                    

Finally meron na chapter 11 nyahahha ^^v

again sorry for late upload.

This chap is dedicated to Ellilushez

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"HUWAAATTTT??!!!!! Ginawa yun ng mommy ni Prince sayo??" sigaw ni Cathy na mukang gulat na gulat sa sinabi ko.

"SHHhhhh... wag ka namang maiggay, mamaya may makarinig sayo eh" saway ko kay Cathy. Agad nya naman na itinakip yung kamay nya sa bibig nya.

"Ay sorry nadala lang ako" sabi nya habang nakatakip pa rin yung kamay nya.

Lunch break namin ngayun at nandito kami ni Cathy nakaupo sa may garden ng cafeteria.

Habang hinihintay namin si Prince eh nakuwento ko sa kanya yung mga tungkol sa pagoffer sakin ni Ms. Cassandra ng 10 million para iurong ko yung kasal namin ni Prince. Kaya eto ang OA nanaman ng reaksyon nya.

"Eh anung ginawa mo dun sa pera?" curious na tanung nya.

"Edi binalik ko" mabilis na sagot ko.

"Ha? Binalik mo?!" nagulat nanaman sya at tumango lang ako.

"Sayang naman yun. Kung ako yun tatanggapin ko na lang. Tapus mageempake na ako agad agad Hahaha!" sabay peace sign nya.

Kumunot naman yung noo ko sa biro nya.

"Uy, wag kang magalit joke lang yun noh" sabi nya sabay irap ko naman ng pabiro.

"Ay ang sungit. Eh di ba nga sabi mo saken ayaw mo naman talaga yung arranged marriage? Eh bakit mo yun binalik?" Panibagong tanung nya nananman.

Hay naku nagkamali ata ako na kinuwento ko sa kanya yung tungkol sa pera dahil eto para nanaman syang investigator. Tanung ng tanung. Feeling ko tuloy para akong suspek sa isang krimen.

Napabugtong hiniga ako na lang ako."Eh kasi ayokong masaktan si Prince" sagot ko sa kanay. Biglang napangiti si Cathy na para bang nabuhayan sa sagot ko. Pero agad akong nagexplain.

"Dahil siguradong malulungkot yun kapag tinggap ko yung pera" pagpapatuloy ko. Yung reaksyon ng muka ni Cathy eh parang di naniniwala sa sinasabi ko.

"Ayaw mong masaktan si Prince? Or ayaw mo lang talaga syang iwan? Hmmmm??" tumataas baba pa yung isang kilay nya pero dinedma ko lang yung tanung nya.

"Oy! Aminin mo may gusto ka na kay Prince noh? Ayiee!!" malisyosang tanung nya habang tinutulak tulak pa ako ng mahina.

"Uy! Wala noh!" pagtatanggi ko.

"Weh? Kunwari ka pa. Ako lang naman makakaalam eh promise di ko sasabihin kay Prince" sabay taas pa nya ng kanang kamay nya.

"Please, please tell me" pagpupumilti nya habang hinihigit nya yung uniform ko.

"Sus! Anu ka ba?! Wala nga sabi" binaba ko yung kamay nya.

Umirap sya at tumalikod ng kaunti. "Okay sabi mo eh. Pero deep inside labs mo naman talga" bulong nya pero narinig ko parin.

"Oy narinig ko pa rin yung sinabi mo" kinurot ko sya ng mahina sa tagiliran nya at natawa naman sya.

"Eh pano yan? kung labs mo na si Prince. Eh Pano na si Lance?" Nakangiting tanung nya.

"Huh? bakit naman pati si Lance eh nadamay dito?" pagtataka ko sa tanung nya.

"Sus kunwari ka pa na hindi mo alam. Eh kitang kita naman nung nag 1 on 1 sila sa basketball noh" sabi nya pero hindi ko pa rin maintindihan yung ibig sabihin nya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Stupid Prince (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon