Chapter 3

829 46 19
                                    

Napakaganda ng mood ko ngaung umaga dahil sa chocolate and pink rose na binigay saken ni Prince kaso pagbaba ko ng elevator isang bwisit sa umaga ang nakita kong nakatayo sa may lobby ng building.

Si Lance! Ang mayabang na pinsan nI Prince. Bakit kaya sya nandito? para inisin ako ulet? Para syang pusa na pakalat-kalat at bigla nalang susulpot!

Sumugod na ako sa kanya para uunahan ko na syang magsalita bago pa ako mapahiya sa mga sasabihin nya saken.

"Hoy panget na stalker anung gingawa mo dito?" tumingin sya saken na parng nagulat pa sa pagdating ko.

"Excuse me? What did you say?" nag mamaang-mangan pa ang loko.

"Hoy anung excuse me! Kunwari kapa. If I know may gusto ka saken kaya ka sunod ng sunod" ismik lang sya.

"Ako? May gusto sayo? Bakit maganda kaba?" Aba ang yabang talaga nito porket gwapo.

"Oo maganda ako sabi ng nanay ko!! pero sorry ka di kita type kya umalis kana dito!" tumawa sya ng napakalakas na halos sa buong building.

Aba talagang nangiinis tong tao na to ha!

Lumapit yung guard samen dahil sa sumisigaw na ako.

"Guard palabasin mo nga yan dito. Stalker yan eh" sumbong ko sa guard.

"Eh ma'am di ko po yan pwede palabasin--"

"At bakit naman? masamang tao yan mamaya kung anu pang gawin nyan saken"

"Eh ma'am di po talaga pwede--" pinahinto ni Lance yung guard sa pagsasalita gamit ng pagsenyas ng isang kamay nya.

"Ako na bahala" tumingin si Lance saken at tinuro nya yung malaking sign na nasa wall.

Binasa ko yung nakasulat "ANDERSON TOWER"

Nanlake ang mga mata ko sa nabasa ko.

Ay shaks! halos mag iisang linggo na ako nakatira dito pero ngaun ko lang nabasa yung pangalan ng building. Ngaun imbis na sya yung ipahiya eh ako ulet ang napahiya. Ano ka ba Anna basa basa din kasi pag may time!

"Daddy ko nga pala ang ang may-ari ng building na to and I live at the top floor. So kung meron man dito na dapat palabasin its you and not me" tinuro nya ako.

Langya ang sama talaga ng ugali nito. Well sorry sya dito na rin ako nakatira kaya di nya rin ko pwedeng paalisin dito noh.

*ting*

Bumukas yung pinto ng elevator at katulad nung unang eksena si Prince ang lumbas.

Parang de ja vu lang. Pero this time di na umalis si Lance sa kinatatayuan nya.

"Hey Lance! what's up?" tanung ni Prince sa kanya at nag apir pa sila.

"My car broke down. I just need a ride"

"Oh sure you could ride with us" Pag anyaya nya kay Lance.

Kainis naman bakit sasabay pa samin yang mayabang na yan.

"Btw. Anna this is my cousin Lance" kilala ko na yan kampon yan ng demonyo.

"Your fiance is so cute like a chihuahua" sabi ni Lance.

Ano daw sabi nya? ako mukang chihuhua. Ang kapal talaga.

Sumakay na si Lance sa kotse. Aba talagang nauna pa.

Pinapasakay na din ako ni Prince pero ayoko nga sumabay sa kanila.

"Maglalakad na lang ako"

"why??" pagtataka ni Prince

My Stupid Prince (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon