Chapter Four

33 2 0
                                    

Sammy's POV

Sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko at sigaw ng kapatid kong si Yesha ang gumising sakin.

"Ate! Ate!Ate!" sigaw nya mula sa labas ng kwarto ko.

Di ko sana papansinin kaso, knowing Yesha, hindi sya titigil hangga't di ko sya sinisagot.

"Oh?" maiksing sagot ko sa kanya.

"Sabi ni mommy kung wala ka naman daw gagawing importante, pwede ka naman daw sumunod sa office.. you  know, preparation nadin daw. Magpahatid ka nalang daw kay kuya Joel. Oh, paano, gotta go na. " yun lang at kaagad na itong umalis.

Saan kaya ang punta nun at parang urgent naman.

So, dahil hindi na din naman ako makakatulog ulit, minabuti ko nalang na tumayo na.

After kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ko. Naabutan ko pang kumakain si kuya Dane ng breakfast. Sabado ngayon ah. May pasok sya?

"Good morning kuya! May pasok ka kahit saturday?" tanong ko.

"Good morning. Meron eh. Major subject pa." sagot nya.

"Ah." napapatango pang sagot ko.

"Nga pala, pinapasunod ka ni mom dun sa office ah." pag-iiba nya ng usapan.

"Pati ikaw kuya alam mo?" gulat na tanong ko sa kanya. Tango lang naman ang isinagot nya sakin. Pagkatapos ay tumingin sya sa wrist watch nya saka ulit bumaling sakin.

"Malelate na pala ko. Sammy, aalis na ko. Kung aalis ka, magpahatid ka kay kuya Joel ah." bilin pa nya sakin.

"Okay. Ingat kuya!" sagot ko sa kanya.

"Sige. Don't forget, office." pagpapaalala nya sakin. Tumango nalang ako.

Pagkaalis ni kuya Dane ay pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

Saan kaya pwedeng pumunta ngayon? Hmm..

Hindi naman pwede kila Cass dahil sasakit lang ang ulo ko kakagay linggo nya.

KIla Irene naman--

Nahinto ako sa pag-iisip ng tawagin ako ng kasambahay namin na si Ate Mia.

"Maam Samantha, si maam Irene po." sabi nya sabay abot sakin nung wireless telephone.

Sakto! Iniisip ko pa namang yayain sya. :)

"Ah, thank you ate MIa." nakangiti kong inabot sa kanya 'yung phone.

"Hel--"

[Saaaammmyyyyyyy! Waaaaaaaaah!] agad na sigaw nya dahilan upang mahinto ako sa pagsasalita.

Automatic ding nailayo ko sakin 'yung phone.

"Hey! Easy. Pwede namang hindi sumigaw eh." sabi ko sa kanya.

[Oh, sorry. Eh kasi naman eh! May bagong designer bag na nirelease ang Louis Vuitton! At tsaka 'yung bagong chic stiletto heels!I want it ! Gusto ko 'yun! So , samahan mo ko ha?] pag-aaya nya sakin.

"Eh, pero kasi--"

[Pretty please Sammy..] okay lang naman sana sakin eh ..ang kaso si mommy ang inaalala ko eh.

"Irene kasi si mommy kasi, she expect me to--" again pinutol na naman nya ang sasabihin ko pa.

[Please Janna Samantha Piamonte Villamayor.... please.] mukhang wala na kong magagawa kundi pagbigyan sya. Kapag ganyang binuo na nya ang pangalan ko ibig sabihin di talaga nya ko titigilan hangga't di ko sya nasasamahan.

Regrets of  YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon