Chapter Twenty

19 1 0
                                    

Sammy's POV

"Haluu! Ay! Bakit mo dala yung gitara mo? Oh my pink gosh! Marunong ka na? Wooh! After 6 years! Congrats Sammy." bungad agad sakin ni Cass pagkaupo na pagkaupo ko palang.

Oo,dala ko yung gitara ko.Ngayon na kasi ko magpapaturo kay Allen eh.

"Cass,tumigil ka nga. Di pa din ako marunong okay?" sabi ko sa kanya.

"Ay! Eh di ka naman pala marunong eh. Bakit dinala mo pa yan? Pinahirapan mo lang ang sarili mo sa pagbitbit nyan." sabi  nya ulit.

"Wow ah? Thank you for your very encouraging message Cass. Grabe! Nainspired ako, sobra!" I said sarcastically.

Ganyan sya kabuting kaibigan everybody! Sa halip na sabihin nyang 'Matututo ka din, tiwala lang'.Yun pa sinabi nya. Tss. Para syang si Yesha. Kanina ng makita din ni Yesha na dala ko yung gitara ko, ganun din yung sinabi nya.

"Teka, si Irene nga pala nasan? " pagkaraan ay tanong ko sa kanya habang kinukuha ko yung phone ko sa bag ko.

"Nasa faculty roomy. Pinatawag kasi ni maam Lucas lahat ng class officers eh." sagot naman nya.

Napatango nalang ako.

OO nga pala. Isa si Irene sa Class officers namin. Treasurer sya.

May sasabihin pa sana ko ng may biglang magsalita sa likod ko.

"Kanino yan?"

"It's mine." tipid na sagot ko.

"Woah! MArunong ka?" he amazingly said.

"Ah---" naputol yung sasabihin ko ng magsalita si Cass.

"Ay hindi nga eh." agad na sabi nya.

Kahit kelan talaga tong si CAss, napakamatulungin. tsk.

"Hindi ka marunong? Pfft!" sabi nya tsaka nagpigil ng tawa.

“Eh ano naman kung hindi? May nakakatawa ba dun?” iritang sagot ko sa kanya.

“Haha. Meron kaya. Ikaw. Pfft! Ang epic mo talaga. Bibili-bili ka ng gitara tapos di ka naman pala marunong? Haha.” Tignan mo tong bwisit na to, kahit kelan talaga walang alam kundi ang mambwisit. Ugh! Nakakainis!

“BAkit, kapag ba bibili ka ng gitara kaylangan marunong ka? Kaylangan ba may requirements bago ka makabili?” sagot ko ulit sa kanya.

Yes, I’m trying to defend myself here.

“Hindi naman, kaso..” huminto muna sya para tignan ako tsaka sya tumawa. Oo, tumawa sya ng tumawa. And that pisses me of! >_____< “Hahahahaha. Hahahaha.”

Argh! Ang yabang talaga! Sana masamid sa kakatawa. NAkakainis! How dare him to mocked and laughed at me? Ugh!

“Sige lang, tumawa ka pa. Kapag ako natututong magitara WHO YOU KA SAKIN. TANDAAN MO YAN!” sabi ko sa kanya tsaka ako tumalikod na.

Wala na kong balak patulan pa yung pambubwisit na ginagawa nya sakin.

**

“Okay class, may pupuntahan lang ako saglit. Tapusin nyo na yang exam nyo then pass it on your class president. Those who are already finished, you may take your break. Goodbye class.” Sabi ni Mrs. Bentura tsaka lumakad palabas ng room naming.

At gaya nga ng sinabi ni Mrs. Bentura, pinagpatuloy ko nalang ang pagsagot.

Nasa last number na ko ng exam ng biglang may tumawag sakin.

Regrets of  YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon