Chapter Twenty One (Part One)

29 1 0
                                    

A/N: (muna) haha.. first of all, idededicate ko muna to sa isa sa new follower ko dito sa wattpad! Hello sayo! :) thanks sa pagfollow :)

And second, yung update ko po na to eh magsisimula sa POV muna ni Irene.. sa POV nya ipapakita yung nangyari pagkaalis ni Sammy sa room nila hanggang sa.. basta ..haha.. basta eto muna yung mangyayari before yung guitar tuitorials nila Sammy at Allen hane? Pakiintindi nalang po ang author ..haha :)

well, sana magustuhan nyo!

lovelots! <3

**

Irene's POV

Hay! Finally! Natapos na rin ako. Kahit kelan talaga ang math, sakit sa ulo. Argh.

Patayo na ko at magpapasa na sana ng answer sheet ko ng tawagin ako ni Kurt.

"Irene.." 

"Oh?" sagot ko sa kanya.

"Wag mo munang ipass yan." my forehead crease when he said that.

"HUH?" problema nito?

"Eh, kasi.. baka pwedeng pakopya.." nahihiya pang sabi nya.

"Akala ko tapos ka na? Tsaka, di ako sure sa iba kong sagot dito. Dapat kay Sammy ka nagpatulong." sabi ko.

"Pssh. Eh ayaw nga eh." ayaw syang turuan ni Sammy? Teka, parang may mali. Sa pagkakaalam ko kasi, di madamot magturo si Sammy as long as na willing kang matuto.

"Bakit? Ano ba kasing ginawa mo na naman huh?" taas-kilay kong tanong sa kanya.

"Eh, para niloloko ko lang naman sya kanina eh." sagot nya.

"Eh, ano ba kasing sinabi mo?" tanong ko ulit.

"Para sinabi ko lang naman na bibili-bili sya ng gitara tapos di naman pala sya marunong. Yun lang." eh kaya naman pala eh. Tsk. Tsk. Poor Kurt. Di talaga sya tuturuan nun kahit anong gawin nya. Ganun si Sammy eh, once na maramdaman nyang iniinsulto mo sya lalo na sa mga bagay na  gustong-gusto  nyang matutunan, di ka nya tutulungan. Well, maliban nalang kung may nagawa ka namang maganda. Pero sa case ni Kurt na walang alam gawin kundi ang asarin si Sammy, naku.. malabo.

"Kaya naman pala eh. Di ka talaga tutulungan nun. Ininis mo na naman pala eh. Sa iba ka nalang kumopya." sabi ko naman.

"Sayo nalang." sabi naman nya.

"Hindi talaga pwede Kurt eh. Bawal dito yun. Panggroup activities lang yun. Kahit nga kaming mga kaibigan nya, di nakakakopya eh. Magpaturo ka nalang sa mga classmates natin. Pasensya na." sabi ko sa kanya.

Yes, bawal talaga samin yun. Para saan pa daw at naging pilot section kami? Kapag nga nag eexam kami tulad ngayon, two seat apart kami lagi. Kumusta naman yun diba? Eh yung one seat apart nga malayo na yun. two seat apart pa kaya?

Pagkasabi ko nun kay Kurt ay tumayo na ko at pinasa na yung answer sheet sa class president namin.

Anong oras na ba? quarter to twelve na pala.. makapag-aya na ngang maglunch.

Kaagad kong hinanap si Casey. Nasan kaya yun?

*Hanap* Hanap* *Hanap*

Ayun! Di pa pala tapos.

Kagad ko syang nilapitan.

"Casey, sa labas na muna ko ah. Hanapin ko lang si Sammy." paalam ko sa kanya.

Regrets of  YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon