Chapter Twent Five

20 1 0
                                    

Sammy’s POV

“Ang sakit ng ulo ko.. five subjects palang yun ah. Wala pa dun yung physics,tle at trigo.” – Irene

“Ay sinabe mo pa! gravity! Ang sakit nila sa bangs ah!” –Cass

“Ay di pa kayo nagmamath? Nako good luck!dapat nga first period ang math eh kasi yun talaga ang nakakapagpatuyo ng utak eh. Pano nay an mukhang drain na ah Cassandra.” –Karla

“Oo nga eh! Feeling ko nga any moment magseself destrudt na ko!” sagot ulit ni Cass habang nakapangalumbaba.

“Self destruct? Oa mo naman.” Si Marco na bigla nalang sumali sa usapan nila Cass.

“Hoy Marco! Palibhasa kasi ang galling mong mangopya kaya wala kang problema. At tsaka fyi lang ah, mas mahirap kaya to the highest level ang trigo sa geo noh!” sagot naman sa kanya ni Cass.

“Anong kopya? Never ko pang ginawa yun pag sa math noh! Ang sabihin mo, magaling lang talaga ko sa math!” sagot din sa kanya ni Marco sa tonong may pagmamayabang.

“Huh! Ang yabang talaga! Alam mo—“ natigil sa pagsasalita si Cass ng biglang magsalita ulit si Irene na kasalukuyang nakadukdok sa mesa.

“Pwede bang tigilan nyo yang pagsasagutan nyo? Lalong sumasakit ang ulo ko sa ingay nyo eh.”

 

“Oops! Sareeh!” sabi sa kanya ni Cass na ikinalingon ko.

Parang narinig ko nay an eh. Parang De Javu..

Ah! Kay Yesha!

“Cass, san mo na naman napulot yang bago mong gay lingo ah?” tanong ko naman.

Kunwari di ko pa alam yun.

“Sammy, di kaya yun gay lingo. Sa pinapanood ko yung Koreanovela noh! Dun sa MLFTS!” sagot naman nya sakin. At talagang kumislap yung mga mata nya nung banggitin nya yung MLFTS.

“Anong mlfts?” tanong ko ulit.

“My Love From The Star!” medyo nagulat pa ko ng sumabay sa kanya si Karla.

“Ay nanonood ka din nun Karla?” excited na tanong sa kanya ni Cass na kanina lang eh ako ang kausap.

“Oo kaya! Sobrang nakakakilg kaya yun!” sagot sa kanya ni Karla.

“Oh my gosh! Si Cheon Song Yi at si Do Min Joon.” Napalingon kami lahat kay Irene na kanina ay nakadukdok at masakit ang ulo pero ngayon ay tila na recharged.

Regrets of  YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon