Chapter 21

60 2 0
                                    

CHAPTER 21^___^ IQ or Dare challenge

*SHEY's POV*

"Nasaan na yung remote??"-Tanong ni Bierr. Tiningnan ko naman si Belle. Nakita kong siniksik niya sa likod niya yung remote. 

Kaya pala. Nanonood siya ng Tom and Jerry. Guluhin niyo na lahat wag lang siya. Seryoso yan kung manood eh.

"Dunno."-Keith

"Ang baduy naman niyan."-Kirt

"Di wag kang manood"-Tin

Oyeeeeeahhhh. No classes tomorrow. May meeting ang teachers ^^ Kaya nandito kaming lahat sa sala. Nanood ng Tv. 

Kasama si Chasey.

"Shey. I want milk!" Oh speaking of Chasey. Atsaka ba't niya sakin sinasabi? Diba dapat sa kapatid niya? >.<

Tumayo nalang kaming dalawa at pumunta sa kusina. 

Kinuha ko yung Nido niya sa cabinet at nilagyan ko na ng mainit na tubig yung tasa niya. MAY SARILI PO SIYANG TASA. 

Ayaw niyang makishare samin. Arte noh?

Nilagyan ko na ng gatas tapos asukal.

"I don't want too much sugar.." sabi niya habang nakataas yung kilay niya.

Nakuu talaga. >.<

Sige lang bata ka. Susundin kita ngayon. Pero pag ako grumaduate dito tatandaan kita. Kasama kana sa death list ko. Dejoke.

Kahit papano gusto ko siyang maging close.

So yun. Umulit ako. Nilagyan ko ng konting sugar na ha.

"I want more milk.."

Nilagyan ko ulit ng gatas.

"That's too much. Don't like it"

Umulit uli ako. Sige lang. Di naman ako bumibili ng gatas mo. Pero pambihira. Sayang din yun ah.

This time nilagyan ko ng more on milk but less sugar.

"Put some chokoleyt.."

So nilagyan ko ng chokoleyt.

"Add more"

Nilagyan ko ulit. Nakuuuuu >.< Yung mga utos niya nakakaasar na ha.

"Yaaa! That's too much. I want more milk, less sugar and enough chokoleyt *pout*"

Alam pala niya kung anong ilalagay ba't di nalang siya yung gumawa? Tss. SIge pasalamat ka bata ka.

So yun umulit ulit ako.

More on milk, less sugar and enough chokoleyt.

"I changed my mind. I want chokoleyt milk. So put too much chokoleyt"

Argh. Nakakaasar na ha. AND FOR THE LAST TIME UMULIT ULIT AKO. MORE ON CHOKOLEYT check. ENOUGH MILK check. LESS SUGAR check.

Sabihin pa niyang mali ako sasapakin ko to.

So after that inabot ko na sa kanya yung mug.

Alam niyo bang inikot ikot niya pa yun tapos tiningnan ng mabuti? Tss.

"What? Trixie you're not thirsty anymore? Okay. Shey! Sayo nalang pala yan. My barbie is not thirsty anymore"-sabi niya 

sabay walk out kasama yung manika niyang Trixie daw.

Ako? Naiwan dun.

Alam niyo ba yung feeling na paulit ulit mong ginawa yun? Plus yung effort mo pa? Plus yung mga nasayang pa? 

SISTAR ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon