-CHAPTER 39-
**BB GAME**
-TIN's POV-
"All students in sistar academy, please proceed to the gym now"
"All students in sistar academy, please proceed to the gym now"
"All students in sistar academy, please proceed to the gym now"-sabi nung nasa speaker.
"Oyy! Bilisan niyo na. Mags-start na yung game"-sabi ko habang nakatayo sa may pinto. Nauna na nga pala samin sina Mica at Jen. Todo support sa mga pinsan eh.
"Teka. Yung camera ko di ko mahanap"-reklamo naman ni Aya habang naghahalungkat ulit sa bag niya.
"May dala na akong camera"-bored na sabi ni Arice.
"Pwedeng wag nalang sumama?"-seryosong tanong ni Belle.
Napatingin tuloy kami sakanya.
"WHAAAAT??!!!!!"-ako
"ANOOO?!!!"
"BAKIIIT?!!"-Aya
"WHY?!!!"-Shey
"Eh kasi *pout*"-Belle
"Kasi?"-kami
"Aish!! Sige na nga!!! Tara na :3" Katapos nun ay tumayo siya at lumabas ng pinto.
We looked at her with a question mark on our faces. Lol.
Di ba naman kami intayin?
"Tara na tara na. Baka PMs lang. Hihi"-sabi ko sabay labas din ng pinto. Sumunod naman sila saken.
Pagkarating namin sa gym ay umupo kami sa may bleachers. Kaso napansin kong hindi pala nakasunod samin si Aya.
Napatingin tuloy ako sa likod ko. At yun. Nakita ko siya sa baba na kausap si Keith. Nakita ko pa nga na may binulong si Keith sakanya tapos pinalo siya ni Aya sa braso. Pag tingin ko naman kay Kith, nakatingin siya sa dalawa at nakasimangot. Owwwww!!! Anong meron? O_O
Nung napatingin samin si Aya ay kinawayan ko siya, kaya kumaway din siya. Then umupo ako sa tabi ni Arice.
"Psst"-sabi ko sabay siko kay Arice.
Nakakunot ang noo siyang tumingin saken.
"Oh?"
"Si Keith at Aya oh?"-sabi ko sabay nguso sa dalawa.
Napatingin naman dun si Arice.
"Yeah. Nakita ko na. Bakit?"
