*CHAPTER 28*
-SchoolBreak Party-
~SHEY's POV~
*plok, plok, plok, plok*
Enebeyen. Ba't ngayon pa umulan? Kung kelan papasok na ako sa school eh =__=
Sina Arice kasi. Iniwan ako dito. Ang bagal ko daw kasing magbihis kaya nauna na sila
Ang lamig kasi kaya napasarap tulog ko.
Ako naman nandito sa labas ng dorm at parang tangang naghihintay humupa ang ulan.
Sa susunod papabili na ako ng umbrella.
Maya maya lang ay bumukas yung pinto. Napalingon naman ako dun.
Si Shone pala. Nandito pa siya? o_O
Lumapit siya sa may pwesto ko at binuksan niya payong niya.
Katapos nun ay naglakad na siya nang di manlang ako pinapansin =__=
Si Chasey? Sinundo ni Ate Tarra. Baka kasi Miss niyo na yun.
Maya maya lang ay napahinto siya at tumingin sakin.
Ayan na ^^ Aalukin na niya ako. Hoho ^o^ May puso rin pala to.
"Gusto mong makisukob?"-Tanong niya sakin.
Odiba sabi ko sainyo? Yiiiiee Me and Him in one umbrella ^__^
"Oo sana eh"
Naglakad siya pabalik sakin at napangiti naman ako dun.
Mags-step forward na sana ako papunta sakanya ng--
"Ayy. Wag nalang pala. Masyadong maliit to. Baka mabasa lang ako!"
Tapos nun ay tumalikod ulit siya at naglakad.
Hayup na to!! Talaga bang nananadya siya?!!
"Madapa ka sana!! Liche!!"-sigaw ko sakanya.
Patuloy pa rin siya sa paglalakad. WTF?? Di niya talaga ako babalikan? T_T
"SHEEEEY!!!"-Napalingon ako sa tumawag sakin.
I saw Migz. Yeah It's him.
Kalalabas lang niya sa dorm nila at papalapit siya sakin. May dala rin siyang payong. Naku sana naman magkusang loob to kasi
malelate na ako.
"Oyy Migz!!"-sabi ko sabay kaway sakanya.
"Gusto mong makisukob?"
Nagnod lang ako sakanya. Napansin ko namang huminto si Shone pero di siya tumingin samin.
"Sige tara"
Katapos nun ay lumapit ako sakanya at sabay kaming naglakad.
Buti pa to may puso ^^
Actually classmate ko siya pero di kami masyadong nag uusap sa room kasi nga iba ibang mundo namin dun.
Pagkalampas namin kay Shone ay tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay saka binelatan.
Akala niya huh!!!
Inirapan lang niya ako at ang sama ng tingin niya. Sus. If I know nagseselos lang siya. HAHAHAHAHA. Natawa naman ako dun.
Ang feeling ko masyado eh. Pasensya minsan lang akong mag assume. XDXD Hayaan niyo na ako okay? :P
Pagkarating namin sa room ay pinagtinginan kami. Naku po =__=
Umupo ako sa seat ko at umupo din siya sa seat niya.
