*CHAPTER 42*
-Going closer-
*Kith's POV*
Wed. ngayon. Bukas pa yung pasok namin kasi rest day daw ngayon. Lumabas ako ng kwarto ko at sakto namang kalalabas lang din ni Aya. Tadhana nga naman. Woooh. Haha!
"Goodmorning gomd ;))" Bati ko sakanya. GOMD yung tawag ko sakanya kasi Girl Of My Dreams ba. Diba ayos? Haha!! Galing mo talaga Kith ;)
"Goodmorning"-sabi niya sabay lapit sa may hagdan. Sumabay naman ako sakanya sa pagbaba.
"How was your sleep? ^^"-Tanong ko sakanya. Hyper ako ngayon. Ganito akong manligaw. San ka pa? Lol.
"The eff! Di ka pa ba nasanay sa sagot ko? As usual Okay lang. " Ayan nanaman yung pagsusungit niya tuwing umaga. Nasanay na ako jan. Laging masungit pag umaga pero sweet pag gabi. Hahahahaha! Dejoke lang. Di pa naman siya sweet. Saka na siguro pag kami na. Wowooot. :D
"Buti naman. Ako kasi okay na okay ;) Napaniginipan kita eh" Tiningnan niya lang ako at nag what ever sign. Natawa tuloy ako. Ang sungit talaga pag bagong gising.
"Pakiiba naman ng mga tanong mo Kith. Paulit ulit eh -___-" Sabi niya sabay lakad papunta sa kusina. Sumunod din naman ako sakanya.
"Osige. Kelan mo ba ako sasagutin?"-Pagbibiro ko sakanya.
Napatingin naman siya saken nang nakakunot ang noo.
"Nagmamadali ka ba?! Wag ka nalang kayang manligaw?!" Sabi niya sabay pasok sa kusina.
"Biro lang. Eto naman oh. Sorry na. Di na ko magtatanong"
Napatingin naman samin sina Shey na kasalukuyang naghahanda ng pagkain sa mesa.
"Luuuh. May LQ ata sila"-Mahinang sabi ni Arice na narinig naman namin.
"LQ your face!"-sabi ni Aya sabay upo sa tabi ni Tin.
"Dude wag mo kasing madaliin."-Sabi ni Kirt. Umupo naman ako sa tabi niya.
"Baka takot maunahan ni Keith. Hahaha ha ha he hehe!" Sabi naman ni Tin sabay peace sign saken.
Napangisi naman dun si Keith pati sina Bierr. Loko tong si Tin ah. Tsk. Tiningnan ko lang siya ng masama at ngumiti kay Aya.
"De. May LQ lang talaga kami ngayon. ^__^V" Inirapan lang ako ni Aya at sumandok ng kanin.
Hahaha!
"Kuyaaa! I want ice cream!!!!! Lets buy ice cream!!!" Sabi ni Chasey sa kakapasok lang sa kusina kasama si Shone.
Napatingin naman kami sakanila. Nandito na pala si Chasey. Namiss kong batang to ah.
"Mag juice ka nalang" Sabi ni Shone sabay upo sa tabi ni Bierr.
"I want ice cream!! Ice cream kuya! Ice cream not juice >___<"-pagmamaktol niya.
Inispoil kasi yan ni Shone dati eh.
"Lika Chasey. Mag chicken ka na muna."-sabi ni Mika saka pinaupo si Chasey sa lap niya.
"Ate Mika, I want ice cream :3"
"We'll buy later ;)"
"Yaaay! Thankyou ate ^__^"
Katapos nun ay tumahimik na kaming lahat.
Bat parang ang awkward?? Nakakahiya naman pag mag ingay ako ngayon tapos seryoso mga nakapaligid sayo -___-
"*eheerms* Sige una na ko sa inyo. May pupuntahan pa ako eh" Sabi ni Bierr sabay tayo.
