Chapter 4

0 1 0
                                    

Chapter 4

"Fine. Tapusin na lang natin ang malaking kalokohan na to.", sabi ko at inirapan itong si Mr. Stranger. Umupo siya sa tabi ko.

"Bakit ka umiiyak? Siguro naman hindi dahil nung nadapa ka dun sa lugar na yon diba?", patawa niya. Tinignan ko siya ng nakakainis.

"Ang corny mo.", sabay irap.

"Aray. Bakit nga? Gusto ko lang makatulong.", he insist. Sa isip-isip ko, wow ha. Nakatulong ba tong mokong na to sa ginawa niyang pagtali sa paa at kamay ko?

"Fine. Since medyo okay naman mag sabi ng problem sa isang stranger, well atleast you won't judge me.. Fine I'll say.", sabi ko at yumuko.

"I have a boyfriend. Well..", hindi ko natapos sasabihin ko dahil bigla siyang nagsenyas na nagno-nosebleed daw siya. I smiled like I'm pissed.

"Sabi niya kagabi na pupunta siyang Batangas for a vacation ngayon. Pero sabi nung friend niya na nakasabay ko sa jeep kanina, party ang pupuntahan nila mamaya with my boyfriend. Reunion with highschool friends but not in Batangas.", kwento ko.

"Nagsinungaling siya sayo?",

"I hope not. Habang naglalakad kanina, inaabangan ko text niya baka kasi sabihin niya yung reason na hindi siya natuloy sa Batangas at magsasabi sakin about the reunion. Pero still, no messages simula kaninang umaga. Usually he texts good morning pero today, nothing.", sabi ko pa.

Napabuntong hininga na lang ako at ramdam ko na nagbabadya na naman yung mga luha ko. Naramdaman ko naman ang pag-tap ni Mr. Stranger sa likod ko, comforting me.

"Nako sana nga magsabi siya at wag magsinungaling. Hindi mo naman deserve na lokohin o paglihiman.", sabi niya in a low tone.

"Gusto mo patumba natin yan sa mga tropa ko jan? ", suggest niya.

"Seriously?",

"Joke lang. Maaabala ko pa nanay ko sa prisinto eh. Makakatikim na naman ako ng malutong na pingot at palo sa pwet nyan!", sabi niya then I laughed slightly.

"Ayan tumawa ka rin.", nasambit niya. Oo nga.. Hindi ko namalayan.

"Alam mo, sapat na sakin na yung babaeng malungkot kanina, napatawa ko.", sabi niya while looking afar.

"Really.. Kahit hindi mo naman kilala?", sabi ko at tumingin sa kaniya. Bago siya sumagot, tumingin din siya sakin.

"Para sakin kilala ko man o hindi, kelangan ng magpapagaan ng loob nila.. Kahit na saglit lang.", makabuluhan niyang sinabi at tumingin uli sa malayo. I feel amazed of his personality.

"Jane Sarmiento", I introduced at nilapit ang kamay kong nakatali parin. Ngumiti siya. Sa ngiti niyang yun, pansin kong nakangiti rin yung mata niya kasi may pagka-singkit siya.

"Zac Raymundo. Salamat..", pakilala naman niya then we shake our hands.

"Tanggalin ko na nga yan. Pwede mo na akong takasan. Hahaha. Sorry kung medyo abala ako.", biro niya at tinanggal ang mga tali. Tumayo na ako dahil kailangan ko na rin umuwi.

"Wait hintayin mo ko saglit dito.", sabi niya at tumakbo sa may bilihan ng street foods. Maya-maya patakbo siyang bumalik at may hawak na isaw at kwek-kwek. Para daw sakin yun. Tinanggap ko naman.

"Pasensya na ha. Ayan lang kaya ng budget ko eh. Para makabawi sa ginawa ko. Alam mo na hahaha.", biro niya. Napakamasayahing tao namam ni Zac. I just smiled. Simple lang siyang tao. Napaka-simple.

After ko makain yun, nagpaalam na kong uuwi na. Hinatid niya pa ako sa sakayan ng jeep.

"Ingat.", sabi niya at nginitian ko naman siya. I had a good time with him pero I'm not hoping na magkakatagpo pa muli ang landas namin.

Pagkauwi ko, dumiretso agad ako sa kwarto. Nag-charge ako ng phone since empty life na. After few minutes charging, binuksan ko phone and wait if someone texted. Nung bigo na naman ang pag-asa ko, ako na ang nagtext kay V asking him kung kamusta siya.

Luckily, my phone beeps and received a reply from him.

*Babe dito na kami Batangas. I'm fine. Wish you were here.

Ibinagsak ko na lang ang sarili sa kama confused kung ano ba ang totoo. Ang kaibigan niyang si Jack o ang boyfriend ko?

Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon