Chapter 12

0 0 0
                                    

Chapter 12

Nagising ako at nasa tabi ko si Mama, nakaupo. Umupo ako mula sa pagkakahiga.

"Ang aga mo Ma..", sabi ko at kinusot ang mga mata ko.

"Alis rin ako agad mamaya anak eh.", sabi niya. At naalala ko yung sinabi ni Kuya kagabi.

"Mag-ingat kayo ni Papa huh..", nagulat si Mama sa sinabi ko.

"Alam mo na ?", tanong ni Ma. Yumuko ako at tumango.

"Ma kailan niyo balak ipaalam sakin na malubha si Pa?", sabi ko habang umiiyak.

"Ayaw ka lang naming mag-alala anak.. ",

"Kaya itatago niyo sakin? Eh malalaman ko rin naman!", sabi ko pa at lumakas ang pag-iyak ko.

"Sorry anak.. Sorry.",

"No Mama.. Ako ang dapat na mag-sorry. Kasi hindi ko nahalata na di na pala siya okay. Na nahihirapan na pala kayo kung saan kukuha ng pera para satin.. para sakin.",

"Wag ka na mag-alala anak, may nahanap akong trabaho sa Tita mo doon sa Batangas, malapit lang sa biniling bahay. Makakatulong yun. Isa pa, ang kuya mo, natanggap siya sa trabaho sa Batangas. Medyo malayo dun sa bahay pero kaya naman. Baka next week pa siya magstart.", sabi ni Mama sakin habang pinapatahan ako.

"At ako na lang mag-isa dito..",

"Uuwi naman kami dito anak ng madalas. Kami ng Kuya mo. Pag free ka sa school pwedeng ikaw namam dumalaw sa Pa mo.", assurance ni Ma at niyakap ako.

"Basta dapat gumaling si Pa huh. Sabihin mo sabi ko Ma. Huh?", pakiusap ko at tumango si Mama..

Mabilis na lumipas ang oras at araw. Naka-alis na si Kuya noong nakaraang araw. Hindi ako sanay na ako lang ang kumikilos sa bahay. Mag-isa.

Simula umalis ulit si Ma, hindi pa kami nagka-kausap ng ayos ni V. Nagtetext siya pero bihira at di ko minsan nirereplyan dahil wala ako sa mood at ayokong problemahin niya ang problema ko. Alam naman niya ang nangyaring pagbabago sa bahay.

Nag-aayos ako ngayong umaga para mag-enroll sa Collins University. Nagpadala si Mama kahapon pero sa tingin ko, hineram niya lang ang ipangtu-tuition ko. Mabigat man sa loob ko na ibayad ang perang hindi samin, pero kailangan ko ito.

Nagsuot ako ng denim jeans at white v-neck shirt tapos tinernohan ko ng itim na sneakers then byahe na sa school. Habang nasa byahe, tumatawag sakin si V. Sinagot ko naman.

"Babe? How are you?",

"I'm.. fine Vincent.", sagot ko.

"It doesn't sound like you are.", he said. I sighed.

"Pupunta ka ba ng school for enrollment?", tanong ko.

"Yeah but I'm still going for a breakfast then fix myself then go there. Wait me there okay?", he explained.

"Okay. I'll wait.", then I end the call.

Pagdating ko ng school, mahaba-haba na ang pila sa registrar. Pumila na agad ako at umupo sa mabahang bench for waiting area.

Maya-maya may umupo sa tabi ko. Which means hindi na ako yung pinaka-dulo. Bigla akong kinalabit kaya napatingin ako.

"Oh.. Zac..", nasambit ko. Nakasuot siya ng black fitted jeans at puting v-neck t-shirt.

"Seems wala ka pa nito.", sabi niya then handed me a long sheet of paper.

"Registration form yan. Sagutan na natin.", sabi niya. So nagsagot na kami. Kanina pa siya daldal ng daldal about sa tatlo kong kaibigan nung nakaraang pagkikita namin. Kesyo ang weird daw nila at malagkit ang tinginan. Pero I'm not paying attention sa iba pa niyang kwento.

Mabagal ang pag-usad ng pila at talaga namang nakakainip. Mainit pa dahil nagkakadami na ng tao sa pila.

"Mukhang wala ka sa mood. Sige, tatahimik na nga ako.", yan yung huli kong narinig kay Zac kaya napatingin na ako sa kaniya.

"S-sorry..", sabi ko na lang.

"Malungkot ka na naman. Dahil sa bf mo na naman ?", tanong niya. I cleared my throat.

"Hindi..",

"Then what? Pwede ka naman mag-share. Wag mo sarilihin.", sabi pa niya. I sighed. Then kinuwento ko yung about sa Papa ko, yung sa Batangas at yung ako na lang ang mag-isa sa bahay at gipit kami.

I see so much sympathy through Zac's eyes.

"Kaya pala. Alam mo, ako rin naman nabubuhay mag-isa diba. Sa una... oo mahirap pero masasanay ka rin. At sana gumaling na Papa mo.", sabi niya pagkatapos ko ikwento. Ngumiti ako ng pilit.

"May.. alam ka bang hiring? Kahit anong trabaho..", tanong ko. Desperada na akong magtrabaho while studying para makatulong at di na sila lalayo pa.

"Hmm.. Kahit ano?", sabi niya habang nag-iisip.

"Oo Zac.",

"Then be my maid.", nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nasamid ako sa sarili kong laway.

"Seryoso. Bakit ka pa lalayo? Naghahanap ako ng pwedeng maglinis sa bahay. Yun lang naman gagawin mo.",

"May ipangsu-sweldo ka ba? Kasi kung wala, no way.", paniniguro ko and crossed my arms.

"Ofcourse! Mukha lang akong mahirap nung una mo kong nakita. Pero susweldohan naman kita. Tulong ko na sayo yun. Mas kailangan mo ng pera. So ano?",

Oh my.. Ano tatanggihan ko ba to? Tama naman siya para di na ako lumayo. Kabilang village lang naman bahay niya. Isa pa for sure di naman mahirap linisan bahay niya. Baka mas maliit pa yun kaysa sa bahay namin dahil mag-isa lang naman siya dun!

"Ano na?",

"How much sweldo?", I gulped.

"20,000 a month.", offer niya. What the! Ganun ba talaga sweldo pag maid? O niyayabangan lang ako nito?

Tinaasan ko siya ng kilay at umayos ng upo.

"I can make it higher. 25 k. Deal?", sabi niya then grinned and winked.

"Deal!", sigaw ko agad para di na niya bawiin. Napansin kong napatayo pala ako while pointing him at lahat ng mga mata ng nakapila, nakatingin samin, sakin! Napalakas pala ang sagot ko.

Nung tumingin ako kay Zac, tawa siya ng tawa.

"What's so funny?", pagmamaldita ko at bumalik sa pagkakaupo.

"Nothing. So deal na huh.", paniniguro niya at tumango ako.

Sa isip isip ko, kung 25 k a month ibibigay niya, napakagalante naman niya! Baka naman napaka-yaman niya kahit mag-isa lang siya sa buhay? Or sadyang malaki lang talaga magpadala parents niya.

"Babe?",

Napalingon ako at nakita ko si V na ang sama ng tingin kay Zac.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon