Chapter 8
Vincent drove me home. I go straight to my bed because I feel so tired after what we did. It's not about what happened in his car. Well.. part of it that's why I'm tired.
Pipikit na sana ang mga mata ko sa sobrang antok ng pumasok si Mama sa kwarto ko.
"Oh mukhang pagod na pagod ang anak ko ah. Kamusta ang lakad niyo ni Vincent?", tanong ni Mama Jen at umupo sa tabi ko. Bumangon naman ako.
"Masaya Ma. Nag uwi na naman ako ng malaking Bear. Ayun oh.", turo ko. Ngumiti naman siya.
"Siya nga pala, aalis kami ng Papa John mo sa Friday. Mayroon kasi kaming titignan na bahay at lupa sa Batangas.", sabi ni Mama. Hmm.. If I'm not mistaken, Tuesday ngayon.
"Wow. For us?", mangha kong tanong.
"Oo anak. Maliit na rest house. Malapit sa isang dagat. Mura lang at malapit sa mga Tita mo kaya napagpasyahan naming bilhin kung magustuhan namin ng Papa mo.",
Sa Batangas kasi lumaki si Mama pero taga-Cavite talaga siya. May mga kapatid siya na naninirahan na sa Batangas. Nung ikasal sila, they decided na manirahan dito sa Rizal since ito ang home town ni Pa at nakapag-patayo na siya ng bahay dito which is our house.
"Excited na ko Ma. Sana bago matapos ang bakasyon makapag-plano tayo dun magbakasyon.", sabi ko habang ngiting-ngiti.
"Oo naman anak. Regalo namin sa inyo yun ni Jude.",
"Really?", hindi ko makapaniwalang tanong at nagtatalon sa kama ko sabay yakap kay Mama.
"Oh siya, matulog ka na anak. Good night.", paalam ni Mama sabay kiss sa pisngi.
"Bye Ma good night.", sabi ko at humiga na.
Nagising ako sa amoy ng pinipritong itlog at tuyo ni Papa. Nakahanda na ang hapag kainan.
"Ang sarap naman ng luto mo Pa.", sabi ni Kuya.
"Para namang napakahirap magprito Jude.", sabi ni Papa habang natatawa. Umupo ako sa tabi ni Kuya.
"Gumawa ako ng kape. Heto Pa ang sayo.", sabi ni Mama at inihiwalay ang kape ni Papa.
"Salamat sa pagkain..", sabay-sabay naming sambit at kumain na.
"Ma nasabi mo na kay Jane yung sa Batangas?", sabi ni Kuya habang may laman pa ang bibig. Sinamaan ko ng tingin. Nasindak naman siya kaya nasamid.
"Easy lang..", sabi ni Kuya pagkatapos uminom ng tubig.
"Ay oo Jude. Excited nga itong si Jane.", sagot ni Mama.
"Sayang lang malapit yun sa dagat kaso di ka naman marunong lumangoy!", pang-aasar ni Kuya.
"Wow excuse me tapos na ko ng swimming lesson sa P.E. namin Kuya!", pagmamalaki ko.
"Pasang-awa ka nga lang! Hahaha!", kumunot yung noo ko kasi tumawa si Ma at Pa.
"Ugh. Mama Papa! Hindi naman eh! Naka 1.9 naman ako! Ayos na yun! Marunong na ako!", sabi ko kahit deep inside, wala parin akong tiwala na kaya ko na sa malalim na part ng dagat.
After namin kumain, lumabas ako ng bahay sakay ng bike ko. Magpa-practice ako kasi bago pa lang ako natuto nito. Tinuruan ako ni Kuya nung nakaraang buwan.
Nag-bike ako palabas ng village at pumunta sa Super Market malapit samin na may malawak na parking space. Doon ako nagpaikut-ikot.
Napatitig ako sa bagong stall ng siomai malapit sa Super Market. Mukhang masarap dahil medyo mahaba ang pila.
Pag lingon ko sa harapan ko, nanlaki ang mata ko at kumabog ang dibdib sabay preno ng mahigpit.
"Oh my gosh!", napasigaw ako. May bigla kasing lumikong bike sa harapan ko. Nabigla rin naman yung naka-bike na lalaki. Buti at nakapag-preno kami.
BINABASA MO ANG
Fall For Me
Romance"The day I saw you, yes you're just like a blank paper in my eyes. You're just a stranger whom I thought we'll end as a blank paper to each other. But eventually, seeing you every day of my life.. I said to myself.. Maybe were not meant just to be...