Chapter 11

0 0 0
                                    

Chapter 11

Friday na ngayon at maaga kaming nagising nina Ma, Pa at Jude para ihatid si Ma at Pa sa sakayan. Pupuntahan na kasi nila yung rest house na pinagpaplanuhan nilang bilhin sa Batangas.

"Si Papa oh kunwari hindi excited... ", pang-aasar ni Kuya Jude. Nagtawanan kami ni Mama kasi yung seryosong tingin ni Papa, naging ngiti.

"Nako Jude at Jane. Mag-iingat kayo. Bukas uwi na rin kami. I-text ko kaya pag nakarating na kami dun okay?", paalala ni Mama. Nag-group hug kami.

"Opo Ma. Ingat din kayo huh. Pag may kahinahinalang tao yung tinuro kong self-defense Ma don't forget! Sikuhin sa sikmura, kurutin ng kuko sa braso sabay tuhurin si junior! Okay ba?", sabi ko with actions pa na kunwari si Kuya yung bad guy.

"Oy wag si junior ko!", ilag ni Kuya. Nagtawanan kami.

"Copy anak!", sabi ni Mama. At nagpaalam na nga kami ni Kuya Jude at umuwi na.

Pagkadating sa bahay, tulog ulit kami ni Kuya. 10am, nagising na ako pero wala si Kuya. Malamang nag-basketball na naman yun.

Napadaan naman ang closest friend at kaklase kong si Sophia. Tinawag ko agad siya.

"Hopia!!", sigaw ko. Napatingin agad siya na nagsesenyas na wag daw ako maingay. Ayaw kasi niya ng tinatawag ko siyang ganun. Magkatunog kasi eh sorry naman.

"Hoy Jane! Pasalamat ka talaga wala akong maipintas sa napakaikli mong pangalan!", sabi ni Sophia paglapit sakin.

Napansin kong tinatanaw niya loob ng bahay namin.

"Wala jan si Kuya!", sabi ko. She smirked at binatukan ba naman ako kasi kinikilig ang loka. Crush kasi niya si Kuya.

Well correction, isa sa sandamakmak niyang crush ang Kuya Jude ko.

"Si Jude agad! Grabe! Di ba pwedeng tinitignan ko lang kung may nakahaing pagkain sa lamesa niyo!", pagkukunwari niya. Tinawanan ko lang siya.

"Tara sa court! May bago akong sinisilayan girl! Promise parang si Vincent kung maglaro!", yaya ni Sophia at hinila ako. Wala na akong nagawa.

Nung nakarating na ako sa basketball court malapit samin, marami akong nakitang babae na nanonood sa dalawang team na naglalaro sa court. Medyo nabored ako kasi wala naman akong kilala sa mga naglalaro bukod kay Kuya ko na naglalaro pala. Nag-facebook na lang ako sa phone habang si Sophia, nagtititili.

"Go Papa Zac! Go! Go! Goooo!", cheer niya. Napatingin ako sa kaniya.

"Sino ulit?", tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo ko.

"Si Zac Raymundo girl! Yun oh yung number 08! Kakampi ni Jude. Girl ang gwapo niya! Bago lang siya naglalaro dito girl!!", sabi ni Sophia habang kilig na kilig.

Tinignan ko mabuti yung mga naglalaro and tama nga. Zac is playing there. Nagkaroon na ko ng dahilan para manood sa mga naglalaro. Hanggang sa napapatili na rin ako kapag nakaka-shoot yung team ni Zac at Kuya.

Wag mong sabihin na lahat ng babae dito na nanonood, si Zac ang ipinunta? Grabe. Oo gwapo naman.. siya? Hmp! Pero mas gwapo parin si V!

Maya-maya dumating si Debbie at Andrea. Mga kaibigan at classmate namin ni Sophia sa Tourism Management sa Collins U.

"Hi girls..What you girls doing here?", maarteng tanong ni Debbie. Si Debbie ay friend namin na may pagka-maarte at overflowing ang confident. Spoiled siya kasi may kaya naman ang family nila. Naging friend ko na rin siya because of Sophia.

"Wag niyo sabihing nakiki-agaw narin kayo kay Zac huh!", banta ni Andrea, ang friend namin na boyish pero pusong girl talaga.
Simple, hindi pala-make up di tulad ni Debbie at Sophia.

Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon