Chapter 9
Ang dami na naming nalaman sa isa't isa ni Zac. Sa kabilang village lang pala bahay niya bago mag village namin. Only child lang siya. Broken Family at may sari-sarili nang pamilya Mom at Dad niya. I feel sorry for him sa mga nalaman ko. Pero bilib ako sa kaniya dahil kaya niya ang sarili niya kahit mag-isa siya. Sinusustentohan naman daw siya ng parents niya pero sa bangko niya lang nilalagay lahat dahil ayaw niya ng pera galing sa Mama at Papa niya.
"Bakit hindi mo na lang sabihin na ayaw mo tanggapin ang pera nila?", suggest ko. Pansin ko nung nag-uusap na kami about sa buhay niya, naging malungkot siya though pinipilit niyang wag ipahalata.
"Nasabi ko na ng maraming beses pero they keep on sending money. So wala na akong magawa. Pero hindi ako umaasa lang sa pera nila. Doon ako kumukuha ng tuition ko, school expenses at house expenses. Yung pagkain ko sa araw-araw sa Lola ko galing. Siya ang nag-aalaga sakin simula maghiwalay sila nung 8 years old ako.", kwento niya. Tinitigan ko siya.
"Nasaan ang parents mo?",
"Yung Mama ko, nasa Manila pero hindi ko alam kung saan eksaktong lugar. Yung Papa ko, nasa Canada. Hindi ko naman na sila kailangan sa buhay ko. Sapat na ang lola ko kaya wala na akong masasabi pa sayo about sa kanila.", sabi ni Zac at tumingin sakin. I managed to smile.
Ramdam ko kasi yung lungkot niya kahit pinipilit niyang wag ipakita.
"Paano ba yan Zac, I need to go. Baka hanapin ako samin. Salamat ng marami sa treat.", sabi ko ang give him a sweet smile. Gladly ngumiti na ulit siya at nag-wave ng hand to say bye.
Pag-uwi ko, napansin ko agad na nakapark sa harap ng bahay namin ang kotse ni V. Nilagay ko ang bike sa gilid ng bahay at dali-dali akong pumasok ng bahay.
"Oh ayan na pala si Jane eh.", sabi ni Kuya. Sumunod ang tingin ko kay V na nakaupo sa sofa mukhang naiinip. Napatingin siya sakin.
"Saan ka ba kasi galing? Kanina ka pa hinihintay ni Vincent!", usisa ni Kuya. Sinamaan ko ng tingin kasi ang ingay.
Hinila ko si V papunta sa bakuran namin.
"Where did you go?", tanong niya.
"At the super market.", tipid kong sagot. The way he looks at me, parang di siya satisfied sa sagot ko.
"Bakit ka nandito? Hindi ka man lang nagtext.", tanong ko sa kaniya na medyo may inis sa tono kasi hindi man lang ako na-inform.
"I did. But it turns out na busy ka sa super market at kinalimutan mo ang phone mo sa kama mo Jane.", nagagalit siya while waving my phone sa harapan ko. I grabbed my phone and yes, may 8 missed calls and 12 texts all from him.
"Vincent I'm sorry..", sabi ko na lang at yumuko. He sighed.
"What can I do. Everything already messed up. I was planning to pick you up early because my Mom wants to meet you. Finally..", he said with disappoinment. Nabigla ako sa sinabi niya.
Never pa kasi niya ako pinakilala ng personal sa Mom at Dad niya.
"Come on. We have few mimutes left to get ready.", sabi niya at hinila ako papunta sa kotse niya.
"Wait. Magpapaalam lang ako kay Ma at Pa.", sabi ko and stopped walking.
"I already did and they agreed.".
Habang nasa byahe na kami, sobrang focused lang ni V sa daan. Mukhang galit parin siya. Mga isang oras pa ang byahe namin bago makarating sa house nila sa Pasig. Kakalipat lang nila, mas malayo nga lang ang nilipatan nila from our school. But V is planning to rent a house near school para hindi daw hassle.
BINABASA MO ANG
Fall For Me
Romance"The day I saw you, yes you're just like a blank paper in my eyes. You're just a stranger whom I thought we'll end as a blank paper to each other. But eventually, seeing you every day of my life.. I said to myself.. Maybe were not meant just to be...