Chapter 4: The Lost Brother

6.5K 136 15
                                    

Handa na nga ba akong harapin si Nathan? Sabi ni Mrs. Gonzales darating daw siya sa reunion namin. Kaya ko na ba? Harapin ang taong pinaglaanan ko ng aking puso sa loob ng limang taon? Siya lang ang inasam ko simula pa noong pag-alis niya. Bakit ba kasi sa huli ko lang napagtanto na mahal ko na rin pala siya. Sana pinigilan ko siya noong papaalis na siya sa bahay namin. Edi sana masaya na 'ko. Edi sana masaya na sana kami.

"Ate Kath may problema ka ba?" Tanong ni Julia. "Ang lalim kasi ng iniisip mo." Naupo ito sa kanyang tabi.

"W-wala. May naiisip lang kasi ako tungkol sa first love ko,"nakangiting sagot ni Kath.

"Talaga? Kwento ka naman Ate Kath para alam ko papaano ma in-love."

"Huh? Kwento talaga? Naku 'wag na, mahabang kwento 'yun. Atsaka kahit naman magkwento ako sa'yo wala rin namang kwenta dahil hindi ko na siya kasama." Biglang lumungkot ang tunog ng tinig ni Kath.

"Sad story pala ang love story na meron ka Ate Kath."

"I was a monster before, kaya iniwan ako ng prince charming ko." Tumingin si Kath sa gawi ni Julia. "Kaya ikaw 'wag ka nang maging masungit dahil baka iwanan ka ng prince charming mo." Kinilig naman si Julia sa tinuran ng Ate Katherine niya.

"Promise hindi na po. Basta ate Katherine 'wag niyo sasabihin sa kanya na mawawala na 'ko. Ngayon ko lang kasi naramdaman ang ganito, kung papaano maging masaya sa katulad ni Jeboy," pakiusap niya.

"Kung 'yan ang gusto mo. Hindi na rin naman namin maililihim na may sakit ka sa dugo at alam kong matapang kang harapin ito, 'di ba?"

Tumango lang si Julia at nakita ni Kath na nakahinga na ng maluwang ang alaga dahil sa wakas ay maliwanag na sa kanya ang lahat.

"Alam ko naman Ate Katherine na masasaktan ko si Jeboy kapag nawala na 'ko. Pero salamat muna sa lahat, ang bait mo pala talaga. At ikaw nang bahala sa kanyang magpaliwanag ng lahat."

NAGLALARO sina Julia at Jeboy sa may lobby nang hindi sinasadya ni Jeboy na matabig ang vase na malapit sa pinto ng VIP room na nasa first floor.

"Patay!" Nasabi na lang niya.

"Naku, lagot." Ani naman ni Julia.

Mula sa pinto ay lumabas ang isang matandang lalaki na nasa mid 50's na siguro at sa bihis pa lang ay mukhang karespe-respeto  na at iginagalang talaga sa hospital na ito.

"Tsk. Tsk. Tsk." Napapailing na ani na lang ng matandang lalaki saka ibinato ang tingin sa dalawang bata lalo na kay Jeboy. Atsaka siya marahang lumuhod para magpantay silang dalawa nito. Walang ano-ano ay bigla niya itong yinakap at nangilid ang mga luha sa mga mata ng matandang lalaki.

Natitigilan lang si Jeboy sa nangyayari.

                "Dad." Tawag ni Red sa matandang nakayakap kay Jeboy. Kumalas ang matandang lalaki mula sa mahigpit na pagkakayakap sa batang lalaki na ngayon lang nakita. Tumayo ito at hinarap si Red. "Okay ka lang dad?" Tanong ni Red.

            "O-okay lang ako." Iyon lang atsaka umiwas na ito ng tingin saka na umalis.

            "Daddy mo po 'yon Dr.Red?" Tanong ni Jeboy.

            "Oo."

            "Ang higpit niya yumakap." Saka tumawa ng pagak si Jeboy. "Tara na Julia laro na tayo ulit. Sorry po ulit sa vase Doc Red," paghingi niya ng paumanhin. "Hindi ko po sinasadya."

            "Ayos lang," saka na niya hinayaan ang dalawang umalis at bumalik sa playground.

            NAGKASABAY sa pagpunta sa canteen si Red at Katherine kaya sa iisang mesa na lang sila kumain.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon