Chapter 9: Despicable Romance

5.8K 105 18
                                    

Kinagabihan nga ay nagtipon-tipon ang lahat para sa isang concert sa may tabing dagat ang set-up. Isang sikat na local na banda ang magpe-perform.

            "Kinakabahan talaga ako sa naisip mong 'to Cha!" Angil ni Katherine na halata nga ang nadadamang kaba sa mukha dahil ang putla niya.

            "Timang! Okay lang 'yan! Basta ilabas mo lang kung anong nasa puso mo. Malay mo pagkatapos nito ay balikan ka na ni Nathan at sabihin niyang mahal ka pa din niya!"

            "Sana nga."

Maya-maya ay may nagsalita sa mic 'yung vocalist ng banda.

            "Okay.Bago po mag-umpisa ang concert ay may gusto muna pong magbigay ng special message sa special someone niya. Let's welcome, Katherine!" Saka nagpalakpakan ang lahat.

            Mula sa backstage ay lumabas si Katherine sa stage na nakasuot ng puting bestida. Bagay na bagay sa kanya ang damit niya lalo pa man din at mahangin kaya napakaganda niyang tingnan. Hindi naman niya ipinaalam kay Red ang gagawin niyang ito. Kaya wala siyang ideya kung nasaan si Red ngayon. At umaasa siyang susuportahan siya ng binata sa gagawin niyang ito.

            Dios ko po sana tumalab nga po ang gagawin kong 'to. Sana pagkatapos ng gabing ito lumigaya na ang puso ko.

Hinigpitan ni Katherine ang pagkakawak niya sa mic at ilang beses pa siyang napalunok.

            "H-hindi ko alam k-kung saan ako magsisimula. Pero kakapalan ko na ang mukha ko k-kasi mahal kita." Saka naman nilagyan ng DJ ng background music si Katherine. Isang version ng "THE MAN WHO CAN'T MOVED" na babae ang kumanta so definitely ang version ay para sa mga babaeng umaasa sa isang pagmamahal na magbabalik sa tamang panahon.

            "Oo N-Nathan mahal na mahal kita. Mula noong umalis ka dinala mo na rin ang puso ko. Wala akong pakialam kung anuman ang sasabihin nila basta ang importante nalaman mong mahal na mahal kita." Umikot ang tingin ni Katherine at pilit na hinahagilap si Nathan. Nakita din niya ito sa wakas sa isang madilim na parte ng venue. Matalim ang pinupukol nitong tingin sa kanya. "Nathan uulitin ko lang, mahal na mahal kita. At sa harap ng mga taong 'to hihilingin ko sa'yo na mahalin mo 'ko pabalik. Magmamakaawa ako para sa pagmamahal na alam kong hindi nawala. Kaya parang awa mo na, please?" Ilang butil ng luha ang pumatak galing sa kanyang mga mala-anghel na mga mata.

            May mga kinilig naman at meron din nairita. Pero mas malakas ang hiyawan nang dahan-dahang nagpakita si Nathan. Tinapatan siya ng spotlight habang papalapit sa stage.

            O God! Napapangiti na si Katherine dahil sa ginagawang paglapit sa kanya ni Nathan.  Si Red naman na paparating pa lang sa concert kaya natitigilan sa mga nangyayari dahil wala siyang ideya. Nang tuluyan nang makalapit si Nathan kay Katherine sa stage ay may ngiti pa siya sa kanyang mga labi. Syempre napapangiti din naman ang dalaga dahil sa kilig. Nagdidiwang na ang kanyang puso sa reaksyon na nakikita niya sa mukha ng binata.

            "I-ibig bang sabihin nito N-Nathan?" May kung anong ligaya na sa tinig ni Katherine. Hindi na nga niya alintana na kahit ano pang sabihin nila sa isa't-isa ay maririnig ng lahat dahil sa mic na hindi pa niya ini-o-off.

            "Oo Katherine." Nakanigiting wika ni Nathan. "Oo, kahit anong gawin mo imposibleng mahalin na kita pabalik. Ang kapal mo naman pagkatapos ng lahat gusto mo ulit makuha ang tulad ko? You're such a memory of my nightmare that I will always hate forever." Tila nilaslas at winakwak ang puso ni Katherine sa narinig.

            Napahawak naman sa dibdib si Charily dahil sa sobrang awa na nadarama para sa matalik na kaibigan. And the worst hindi lang sila ang nakarinig kundi lahat dahil sa mic na nakalimutan i-off ni Katherine kaya ang bawat katagang inilatag ni Nathan ay narinig ng buong mundo. Si Red naman ay agad na nagtungo papunta sa stage dahil nakita niya ang reaksyon ni Katherine. Kawawang-kawawa gaya ng ginawa niya kay Nathan noong mga high school pa lamang sila.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon