Chapter 13: My Damn Heart

5.8K 102 10
                                    

                DAHAN-DAHANG MINULAT ni Katherine ang mata. Nakahiga pa rin siya sa kanyang kama at sa tingin niya ay hindi siya makakapasok ngayon dahil parang masama ang kanyang pakiramdam. Bumangon siya pero nananatili pa rin siya sa kama nang maamoy niya ang isang amoy na napaka-wirdo at napakabaho para sa kanya.

                Tumayo siya at sinundan ang amoy at dinala siya nito sa kanilang kusina. Inabutan niya ang mag-asawang si Charily at Jose kasama si Jeboy. Nagluluto sila ng pancit canton para sa almusal.

                "Ang baho naman niyan!" Mataray na sabi niya na napapakamot pa siya sa ulo niya. Binuksan niya ang ref at kumuha ng juice. Huminga siya ng malalim pagkatapos makainom. Tila naginhawahan siya ng husto.

                "Ang wirda mo ngayon Katherine hah!" Nakapameywang na Cha. "Dati naaamoy mo pa lang ang pancit canton halos lumipad ka na sa kusina para lang makakain agad."

                "E ang baho nga sa pang-amoy ko ngayon eh!" Ismid niya saka na niya iniwan ang tatlo sa kusina.

SABAY NA PUMASOK SI CHARILY AT KATHERINE. Pareho na sila ulit ng shift ngayon kaya nagsabay na sila sa pagpasok sa hospital.

                "Grabe si Ma'am Trinity e 'no? Pero mabuti na lang at andiyan si Red na laging tagapagtanggol mo." Ani ni Cha habang papasok sila ng hospital.

                "Nasaktan ko siya Charily kaya siguro nilalayuan niya ako ngayon."

Na-ikwneto na ni Katherine ang lahat kay Cha. Ang pagpo-propose ni Red sa kanya at kung paano niya ito tinanggihan. Pati na rin ang nangyari sa kanila ni Trinity pati na rin ang paglayo ni Nathan dahil sa magulo at salawahan na puso niya.

                "Hindi naman siguro friend. Baka kagaya ni Nathan binibigyan ka lang din niya ng time para mag-isip."

Pero kahit na bestfriend sila ni Charily hindi pa rin niya kayang ipagtapat sa kaibigan ang nangyari sa kanila ni Nathan. Isang sandaling parang nasa langit ang pakiramdam at iyon ang kauna-unahang experience niya sa ganoong bagay.

                "Bakit ba kasi ganito ang pakiramdam ko? Parang ayaw kong iwanan si Red para kay Nathan. At si Nathan naman para kay Red. I don't want to lose them both." Napatigil sa paglalakad si Katherine. "Sino bang dapat kong piliin?" Tanong niya na mahahalata sa kanyang mukha ang matinding pagkalito.

                "Hindi naman mawawala ang isa sa'yo Katherine. Pinapalaya mo lang 'yung isa kasi mahal mo silang dalawa. At kaya ka pipili para maging masaya ang isa." Ngiti ng kaibigan atsaka niya hinaplos ang likod ni Katherine at kapwa na sila pumasok sa loob ng hospital.

                "Pero malulungkot naman 'yung isa Cha." Muli ay malungkot pa rin ang tinig ni Katherine at sobrang hirap para talaga sa kanya ng sitwasyon na ito.

                "Ganoon talaga! Pero marsi, I'm very sure 100 percent sure na maiintidihan ng isa 'yung desisyon mo."

Napabuntong-hininga na lang si Katherine bago tuluyang pumasok sa hospital.

Usap-usapan na ang gagawin na masquerade ball sa susunod na araw. Ipinagdiriwang kasi ang anibersaryo ng hospital at kung gaano ito ka-successful in the past few years.

Naghiwalay na agad ang dalawa matapos nilang mag-ayos. Agad na silang nagtungo sa mga designated area nila. Nagtataka si Katherine kung bakit wala pa rin si Red sa kanyang office. Supposed to be dapat andito na siya ng ganitong mga oras.

BUMANGON SI TRINITY NG WALA KAHIT ANUMANG SAPLOT. Medyo nagising naman din si Red. Bahagya siyang gumilid upang pagmasdan ang magandang pangangatawan ni Trinity.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon