Chapter 12: The Battered Wife

7.3K 106 4
                                    

                Napapanganga lang si Katherine. Hindi niya alam kung papaano mag-re-react.

Natitigilan siya habang papalapit sa kanya si Red na nakasuot ng puting long-sleeve at may dala-dalang isang puting rosas.

                "P-para saan naman 'to?" Tanong niya.

                "Hindi na ko manliligaw Katherine. No if's no but's just this question." Lumuhod si Red at iniabot ang puting rosas. "Sa loob ng rosas na 'yan merong isang diamond ring na sakto lang sa daliri mo."

Kinabahan si Katherine. Alam na niya ang ibig sabihin ni Red. Binuka niya ang rosas at nakita nga ang singsing na sadyang mukhang mamahalin. Kinuha niya ito.

                "Will you marry me Katherine?" Tanong ni Red na bahagyang nakatingala sa dalaga.

Hindi makakibo si Katherine.

                Anong gagawin ko!? Nagigimbal ang mundo niya. Paano na 'to! Ayokong saktan si Red o si Nathan. Anong gagawin---


                "EMERGENCY!!" Sigaw ng nurse.

Agad na tumayo si Red. Tinungo nila ni Katherine ang emergency room ng sabay.

                Salamat po dios ko. Akala ko di ko na malulusutan 'yun. Simpleng usal ni Katherine.

Agad nilang inasikaso ang babaeng duguan ang ilong at nangingitim ang ilalim ng mga mata. Puno rin ito ng mga pasa sa iba't-ibang bahagi ng katawan. May paso ng sigarilyo sa likod at parang napunit na papel ang tenga ng babae.

                Hagulgol ng hagulgol ito habang nililinisan ni Red ang nakabukang sugat sa tagiliran dahil sa pagkakahiwa ng kutsilyo.

                "Grabe naman 'to!" Bulong ng nurse na kasama nila sa emergency room.

                "Oo nga! Sabi niya kanina binugbog daw siya ng asawa niya!" Dagdag naman ng isa.

                "Tama na muna ang tsismis." Sita ni Red na tila may inis dahil sa naudlot na pagpo-propose niya.

Nang maginhawahan na ang pasyente ay inilipat na nila ito sa public ward.

Si Katherine na ang nag-aasikaso dito.

                "N-nurse 'wag n-niyo s-siyang hahayaang makalapit sa'kin p-parang awa niyo na." Hagulgol ng babae habang mahigpit ang pagkakawak sa kamay ni Katherine.

                "S-sino ho?" Natanong niya at nakaramdam siya ng awa sa babae.

                "Yung asawa ko.." wika ng babae na patuloy sa pag-iiyak. "...sinasaktan niya ako. N-nakatakas l-lang ako sa kanya at a-agad akong tumakbo dito sa hospital dahil p-pakiramdam ko mamamatay na 'ko."

                "Wag po kayong mag-alala ate h-hindi na po kayo masusundan ng asawa niyo dito. Magpahinga na po muna kayo." Iniabot ni Katherine ang isang gamot. "Inumin niyo po ito ate para makalma kayo. Pagkatapos niyo dito sasamahan ko kayo sa police station para mag-reklamo." Dagdag pa ni Katherine.

LINAPITAN NI KATHERINE ANG NAKAUPONG RED SA SOFA SA MAY LOBBY. Naupo si Katherine sa tabi ni Red.

                "P-pasensya na k-kung---"

                "No. You have nothing to sorry for." Agad na sabi ni Red paharap sa kanya.

                "Okay." Tango ni Katherine. "Thank you na lang dahil hindi mo 'ko hinayaang alisin ni Trinity sa hospital na ito."

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon