Chapter 14: Breaking It Gently

5.4K 82 3
                                    

                MALIWANAG ANG BULWAGAN. Napupuno ito ng makikinang na ilaw kasama na ang liwanag ng bilog na buwan. Isang perfect moment para sa anibersaryo ng hospital na pagmamay-ari ng pamilya ni Red at Nathan.

                Sumapit na nga araw ng ball. Masquerade ang theme. Kaya napupuno ng iba't-ibang kulay ang paligid at napakasayang tingnan ng gabi.

Dumating na si Katherine suot ang cocktail dress na bigay na Red. Backless lace cocktail dress ito na nubra friendly neckline at fully open back. Mas lalo pang ibinagay ni Katherine ito dahil sa overlay lace nito na flounce skirt ang design sa baba dahil kitang-kita ang magagandang mga hita niya.

Pagpasok niya sa entrance ay nasa kanya na lahat ng tingin ng mga tao. Kasunod niya si Cha.

                Hindi naman maiwasan ni Cha na bulungan ang kaibigan.

                "Grabe 'te! Tingnan mo ang ganda mo kasi eh! Halos mahulog ang mga mata nila!" Natatawang bulong ni Charily habang patuloy sila sa paglalakad.

Hinigpitan ni Katherine ang pagkakahawak niya sa maskara niya upang matakpan ang kanyang mga mata upang mabawasan din ang hiya niya.

Pinagbubulungan siya ng mga nakaumpok na mga lalaking doctor habang padaan sila ni Charily.

                "Grabe! She's a babe!"
                "Yeah! So fucking sexy!"

                "I wanna date her! Sino kaya siya?" Bulung-bulungan nila na naririnig naman nila Katherine. Dinedma na lang nila ito at nagpatuloy papunta sa bakanteng table.

                "Hindi ba nakakahiya ang suot ko? Para kasing nakakailang." Anggil ni Katherine sa kaibigan ng makaupo na sila.

                "Gaga! Minsan na nga lang tayo makapunta sa mga ganitong event nailang ka pa! Chin-up 'te! Maganda tayo!" Pagmamalaki  pa ni Cha.

                "Ewan sa'yo! As if naman hindi ko alam na pinunta mo lang dito 'yung masarap na dessert!" Natatawang biro naman ni Katherine.

                "Wag kang maingay!" Suway naman ni Cha. "Kanina ko pa nga hinahanap 'yung pagkain --- nagugutom na 'ko!" Sabay hawak pa ni Cha sa tiyan niya. "O siya, diyan ka muna hah? Kukuha lang ako ng chicha!" Atsaka umalis muna si Cha at hinanap ang pagkain.

                AYAW naman talaga ni Katherine magpunta dito. Si Cha lang talaga ang mapilit dahil nakakahiya naman kay Red dahil sa ibinigay nitong gown at pati na rin kay Trinity dahil sa pagbibigay nito ng invitation. Wala naman kasing dahilan para magpunta siya dito kundi lang sa mga bagay na iyon. At wala naman siyang maisip din na dahilan kung bakit siya ininbita ni Trinity in the first place.

                Umupo ng maayos si Katherine at hindi niya maiwasan isipan pa ang isang dahilan kung bakit siya naririto sa bulwagan ngayon.

                PATULOG NA SANA SI KATHERINE NANG MARINIG NIYA ANG KANYANG TELEPONO NA NAG-RING. Si Red ang tumatawag. Sinagot naman niya ito.

                "H-hello?"

                "Nakuha mo na ba 'yung dress?" Tanong ni Red.

                "Oo."

                "Nagustuhan mo ba?"

                "Oo." Tango naman ni Katherine saka pumuwesto ng higa sa kama.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon