Chapter 15: In A Day

5.1K 111 7
                                    

As I Lay Dying 

Chapter 15: In A Day

                NAPATAYO SI TRINITY SA KINAUUPUAN NIYA NG MAKITA ANG PAGHALIK NI RED KAY  KATHERINE. Sa kung anong dahilan naramdaman na lang niya na may iilang butil ng luha na tumulo sa kanyang mga mata at nakaramdam din siya ng inggit. Pinunasan niya ang kanyang mga luha saka nilagok ang natirang brandy sa kopita niya saka mabilis na lumapit sa dalawa sa dance floor.

                “Masarap ba Katherine? Hitting two birds in one stone? Such a pity girl. Pathetic and bitch!” Luhaang sabi ni Trinity saka bingga ang braso ni Katherine saka nag-walk-out.

Napatigil lang si Katherine at biglang nag-isip kung anong ginawa niya sa dalaga kung bakit ito nagalit.

                “May nagawa ba ako ulit masama?” Natanong niya kay Red.

Hindi na kumibo si Red pero pinagmasdan na lang niya ang papalayong Trinity.

                “Excuse me.” Paalam ni Red saka sumunod kay Trinity.

Nagtungo si Trinity sa parking lot at saktong pasakay na siya sa kotse niya ng tawagin ni Red ang pangalan niya. Agad naman siyang lumingon kasama ang mga luhaan niyang mga mata.

                “What’s wrong?” Alalang-alalang tanong ni Red.

Pinunasan ni Trinity ang mga luha niya pero patuloy pa rin ang pagdaloy nito at tila hindi niya kayang pigilan.

                “I –I don’t know what came up with me. W-when I saw y-you kiss Katherine—“ garalgal ang tinig niya. Pinunansan niya muli ang mga luha niya. “..e-ewan ko kung b-bakit nakaramdam ako ng s-selos. M-mahal p-pa rin ata kita Red.” Umiwas siya ng tingin kay Red.

Napalunok si Red sa pinagtapat ni Trinity. Hindi niya alam kung anong sasabihin.

                “You don’t have to say something.” Ani ni Trinity na pilit na pinapalakas ang loob. “And I don’t need your pity to love me again. Just let me cry and it will be gone tomorrow, I will be alright.” Saka na sumakay si Trinity sa sasakyan niya at umalis na. Naiwan si Red sa parking lot na nakatigagal at nabigla pa rin sa sinabi ni Trinity.

                NAGTUNGO SI KATHERINE SA COMFORT ROOM AT DOON DUMUWAL NG DUMUWAL. Pagkatapos ay lumabas siya ng cubicle at naghugas ng bibig sa may tapat ng salamin. Mula sa isang cubicle naman lumabas si Charily na nakasimangot pa dahil sa sobrang sakit ng tiyan niya sa kabusugan.

                “O? Diyan ka pala mare!” Ani pa niya atsaka nilabas ni Cha ang pang-retouch niya.

Tumango lang si Katherine habang nagpapatuloy sa ginagawa niya. Maya-maya ng ma-realize ni Charily na sila lang palang dalawa ni Katherine ang nasa CR ay may pumasok sa utak niya.

                “B-buntis ka?” Bulalas niya.

Nagulat naman si Katherine at agad na napatingin sa kaibigan.

                “Ano?!?” Tila nagimbal naman si Katherine.

                “Ikaw yung duwal ng duwal ‘di ba? T-tapos naalala ko pa nung naamoy mo ‘yung pancit canton ay nairita ka sa amoy! K-kaya pala! Buntis ka nga siguro! Ano bang hindi mo sinasabi sa’kin hah?”

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon