Chapter 21: My Final Sunrise

5.5K 84 14
                                    

Note:  Please play the song kahit  pauit-ulit para dun sa last part. Please? Salamat. God bless! FB(EXTERNAL LINK)


As I Lay Dying 

Chapter 21: My Final Sunrise

                “Di ka talaga sasama?” Tanong ni Katherine kay Nathan habang papasok siya sa kotse.

                “No. And besides mas makakapagbonding kayo ni Trinity sa Palawan.” Ngiti ni Nathan saka mabilis na hinalikan ang asawa sa pisngi bago ito tuluyang pumasok sa driver’s seat. “Love you.” Pahabol pa niya.

                Pinilit ko si Katherine na sumama sa Palawan dahil sasamantalahin ko ang pagkakataon para ma-confine ng one week sa hospital para sa treatment na sinasabi ni Red. Habang marunong akong huminga pipilitin kong subukan ang lahat ng paraan para lang makita ko ang anak ko na isilang siya. Magpapakatatag ako para sa kanya. Gusto ko pag-alis ko at least man lang nakita ko ang mga mata niya. Sigurado akong kamukhang-kamukha siya ng nanay niya. Hindi maiwasan ni Nathan mapangiti sa isipin niyang iyon bilang isang ama.

                MARAHANG KUMATOK SI NATHAN SA OFFICE NG MATALIK NA KAIBIGAN SA HOSPITAL. Dala-dala na niya ang gamit niya para sa isang linggong pananatili niya sa hospital.

                “Handa na ‘ko Red.” Palunok na sabi niya.

                “Great!” Napangiti pa si Red dahil sa desisyon  ng kaibigan. “So let’s start.”

SA LOOB NG ISANG LINGGO MARAMING NANGYARI KAY NATHAN SA HOSPITAL. Mababakas sa kanya ang matinding pagod dahil sa paggagamot. Matinding therapy pati mga dosage ng herbal medicines. Sa loob ng anim na araw ay nagtiis siya at ngayon nga sa huling araw ng treatment niya ay kailangan na lang niyang matulog maghapon. Mahahalata rin na pumayat siya dahil sa puro mga prutas lang ang pwede niyang kainin.

                “Bumubuti na lagay mo Nathan though namayat ka ng kaunti.” Komento ni Red nang bisitahin ang kaibigan sa kwarto nito.

                “T-talaga? M-mabuti naman. Maaabutan ko pa naman ang pasilang sa kanya ‘di ba?” Pinipilit pa niyang ngumiti kahit na masakit masakit ang kanyang sikmura.

                “Oo naman pare!” Atsaka biglang naging malungkot ang tunog ng tinig ni Red. “Kaya mo pang mag-survive ng ilang months dahil sa therapy na ito basta siguraduhin mo lang na kakakainin mo ‘yung nakalagay sa list mo.”

                “Good to hear that.” Atsaka siya bumuntong-hininga. “Salamat nga pala Red sa hindi mo pagsasabi kay Katherine tungkol sa sitwasyon ko. Alam ko mahirap din para sa’yo ‘to at alam kong mas magiging mahirap ito para sa kanya lalo na kapag...”

Linapitan ni Red ang kaibigan at hinaplos ng marahan ang likuran.

                “Magiging maayos din ang lahat.”

                “Liar.” Mahinang tugon nito dahil alam naman niya ang katotohanan na sa mga susunod na ilang araw baka bumigay na rin ang katawan niya.

                “Kung ako ang nasa kalagayan mo mas gugustuhin ko pang marinig ang mga kasinungalin at sabihin nilang mabubuhay pa ako. Ipapakita ko sa kanila ang matatamis kong ngiti. Pero alam ko naman kung ako ang nasa kalagayan mo, hinding-hindi ko madadaya ang tadhana.”

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon