"Bilis bilis ano bayan ang bagal bagal mo" reklamo ng humila sa akin.Grading ranking na at the same time nagkokompulan ang lahat ng 4th year student sa bulletin board,kami ang batch na hindi naabutan ng k to 12 kaya maswerte daw kung tutuusin,tsk.ano namang maswerte dun.
"Teka sandali lang hahanapin ko yung pangalan mo sunod naman ang pangalan ko"
Sabi nya sakin,mukhang close talaga ang isang to ano?Di na ako nagsalita pa as if naman pipigilan ko sya,
Sumingit na sya roon at walang pakealam kung may natatabig na kapwa studyante.
Ng nasa gitna na sya ay nagsimula na itong maghanap at sumigaw."Wahhh Ranking Number 9 ako" sigaw nya at talon nya doon,kala ko ba ako ang uunahin nya,anyways last month lang rin naman ako pumasok at last week lang rin naman ang exam,ano naman ang magiging ranking ko?
Ranking lang naman nyan ng tatlong section ng buong fourth year.
Habang nasa malayo ay tiningnan ko ang ranking na napaskil,makikita naman rito eh,ang hilig nya talagang makipagsiksikan.
9.Zhira Rose Sigundera basa ko sa kanyang pangalan,binasa ko pa ang iba kaso wala naman dun ang pangalan ko.Anong inexpect ko?
Absent kaya ako nung exam dahil na late ako.
As if naman rin may balak akong magexam nakakatamad kaya yun,mag eexam eh alam ko na naman ang sagot."Layven Mhine Morgan" napalingon ako sa taong tumawag ng akin pangalan.
"Or Mine,mine kaya ang itawag ko sayo" nakangiti nyang saad.Denver Royce Silvia,matangkad maputi matangos ang ilong,makulit at ungas na gonggong,ano naman ang kailangan nito?
"Im the top 2,what could you say? Or maybe you should reward me a kiss." Ngumisi naman ang dalawa nyang kaibigang ungas rin.
Inirapan ko lang sya at umalis na sa aking kinatatayuan,iniwan ko na si Zhira nakipagchismisan sa ibang section para narin makaiwas sa ungas na to,may dahilan ako kung bat ako umiiwas sa kanya tsk.
"Hoy wag kanamang ganyan mine,kausapin mo naman ako" kasabay ng pagsigaw nya ang pag-agaw rin ng attensyon ng lahat,kaya nga umiiwas ako diba? Kainis.
Tumakbo ako papuntang banyo,humilamos ako kaagad dahil pawis na pawis yung mukha ko.
Maya maya may naramdaman akong babaeng dumaan at pumasok sa huling cubicle.
Di ko nalang pinansin baka naiihi lang pero dun ako nagkamali."Hik hik"
Umiyak ito kaya tumayo ako ng maayos,di kaya heart broken ang babaeng to.
Mas lumakas ang iyak nya na para bang takot na takot.
Kaya kinabahan ako kaagad at pumunta sa cubicle na pinasukan nya,baka mamaya may gagawin itong masama sa sarili."Excuse me okey kalang?"
Kumatok ako ng tatlong beses ngunit bigla nalang nawala ang ingay.Napailing akong binuksan ang pintuan ngunit ang nakapagtataka wala namang tao,bukas pa talaga akala ko luck,di kaya hindi nga sa cubicle ito pumasok.
"Baka nga" sabi ko nalang,nahiya siguro kaya tumahimik."Wag kanang umiyak,ganyan talaga ang love,walang forever,masasaktan kalang kapag nagpapauto ka pa sa mga lalaki,wag kang magpapahuli sa mga bitag nilang sira,tayo ring mga babae ang madidisgrasya sa patibong nila" hugot ba? Anyways wala pa akong past love life,NBSB eh.aral muna bago bola.
Napailing lang akong hinimas himas ang braso,lumamig ata ang panahon,nakakaramdam tuloy ako ng maginaw na pakiramdam.
Di nagtagal ay lumabas na ako at nagtungo sa classroom pero kailan ko pang umakyat sa hagdan papunta sa ikatlong palapag dun kasi room namin,math ang 10am to 11am namin na subject kaya nagmamadali ako,di sa paborito ko ang subject kung hindi---------
YOU ARE READING
Unseen
ParanormalMay mga bagay na hindi nakikita ng mga tao. Ngunit Hindi lahat ng tao sa mundo ay walang nakakakita sa kanila. Ikaw Nakikita mo ba sila? (Happy reading guys hopes you enjoy___)