A/N :
Miss you guys ,its been two months since the last update of Unseen,babawi ako i swear.
***********Layven pov:
"Ang tagal nyo naman,ano ba yang dinala nyo 't natagalan kayo,at ano yan zhai? Pambihira dito kana titira?" napakamot ako leeg habang pinagmamasdan ang tatlong papasok sa aking pamamahay at ------hindi talaga ako makapaniwala sa mga nakikita.
I heared basilio silent chuckle,kaya sinamaan ko nalang ng tingin.
Halos mapangiwi ako sa kalagayan ni zhai,tatlong bag? at pang camping bag pa talaga,nako naloko na ano bang nakain nito at kung ano anong pinangdadala kala naman nya kulang kulang ang gamit namin rito sa bahay.
"Kuya tulungan mo nga ako rito kanina kapa tawa ng tawa ah" sigaw nya ,wow huh nakakabingi yun ah,nga naman kanina pa tawa ng tawa to ah ngayon ko lang napagalamang may kapatid pala ang bruhang to.
"Aba ayaw ko nga, abusado kana ah,nagpahatid nanga kayo dito, kita mo nga si marfil walang dala sa kanya kanalang magpatulong" natawa naman ako sa busangot na asik ng kanyang kuya.
tiningnan ko naman si marfil na feel na feel ang pagmamasid sa aming bahay,tong isang to magkasing laki lang ata kami ng bahay kung makatingin.
"Hoi marfil,total nakisakay kalang naman kanina hala buhatin mo tong isang bag,naku naku" sigaw ni zhai,gabing gabi na ngunit ang lakas parin ng bunganga nito.
Di na nakaangal si marfil dahil tinapon na sakanya ang bag,ngayon ko lang rin napansin na may kasama syang pinsang lalaki,oo gwapo pero wag ka akala kung tahimik na dumating kanina ngayoy tumatambol na ang boses sa boong bahay,nalintekan na talaga nagsama pa sila talaga ni zhai,mabuti pa si jane pumunta ng kusina para makapaghanda sa lulutuing pop corn.
Pop corn? Tsk expect what would be happen next.
"o sya layven alis na ako,kapag di pa tumigil ang dalawang yan sa kadadakdak,eplay mo lang ang witch ringtone paniguradong tatahimik yan" sabay tawa ni kuya Vincent ang kapatid ni zhai,napailing nalang ako sa pagkunsumisyon.
"wag po kayong magalala may packing tape po ako sa loob ng kwarto" natatawa kung sambit mas natawa naman sya dun,kanina pato tawa ng tawa ah baka kabagan.
"sige ho,salamat pala sa pagpapayag kay zhai" paalam ko sa kanya.
Pwede po bang iuwi nyo na? Haha gago 50-50 tuloy ako kung tama yung desesyon ko.
"sus wala yun,alam ko namang safe sya dito, ibang klase kasi ang village nyo maraming security kahit saan,kung di kalang tinawagan ni zhia di talaga kami makakapasok dito sa loob" loko loko nyang sabi,natawa nalang ako run bago sinirhan ang gate.
Pakamot kamot ako habang papasok na sa loob ng bahay,Hay ang ingay talaga nila.
Bigla akong napatingin sa bahay nila ate sharon,hay mabuti nalang talaga sounds proof ang kwarto nila at di namin naabala,humanda talaga yang mga bibig ng mga kumag nayan.
Bago ako pumasok ay tinayo ko muna ang natumbang flower path na nadaanan nila zhai kanina,humanda talaga ako kay ate kapagnabali ang rose nato,pink patalaga.
"tama nayan pumasok kana" sinulyapan ko si basilio na hindi talaga ako tinantanan sa kakasunod,kanina pato ah ,di bali nagtatampo parin ako sa kanya dahil muntik na akong mahuli ni kuya kael,ano nalang kaya ang sasabihin nila,na nababaliw naako?
Tsk.bwesit talaga.
Padabog kung binuksan ang pintuan at speechless akong nakatingin sa kanila,
t-teka...
A-ano to..Takang taka akong naglakad papalapit sa sala,
"Y-yah tent? anong akala nyo nasa gubat tayo?" naibulalas ko,Lurrdy ano bang klaseng merong utak ang mga to.lumabas sa tent si zhai na feel na feel ang ginagawa nila.
"see ang ganda,perfect" sinabayan nya pa ng palakpak,napatampal ako sa aking noo at ngangang pumunta sa kusina."hoi jane,may lahi bang alien ang mga yan ?" turo ko sa tatlong nagkanya kanyang ginagawa.
Tumawa lang ng mahina si jane,
"naku ganyan talaga yan si zhai masanay kana,lalong lalo nayang pinsan ni marfil na si marlon may saltik yan sa utak at yang mahanging marfil naku sasabog kanalang sa inis di yan makikinig sayo,kaya kung ako sayo hayaan mo na,minsan lang magsama ang tatlong yan" parang nanay na saad at parang wala na talaga akong magagawa.i cant believe this.
Kumuha nalang ako ng pop corn na inihalo ni jane sa cheeze at kumuha ako ng tubig dahil utang na loob sa lahat ng ayaw ko ay yung makalat kaya uhaw na uhaw ako sa pagkokomisyon.
Ngayon talaga nagsisisi na ako bat ko naisip na patulugin sila rito.
"jane jane halika mas malaki ang salamin nila sa cr nila lay dito sa baba" sumulpot si zhai sa kusina na may nakakalokong ngiting dala,napakunot ako run.
"eh ano naman" sabat ko,lumapit sya sakin at parang kuha ko na ang ibig sabihin nito umambreseta sya sakin sabay sabing.
"Masaya to lay,sabi nila totoo daw yan hehehe bloody marybloody mary tara mamayang hating gabi" hanu daw?
bloodymary? saan naman nya napulot ang kalokuhang yan.
"zhai alam mo inood nalang natin yan wala ka namang mapapala sa bloody mary nayan eh,halikana may movies si marlon sa flash drive" mahinhin na saad ni jane.
Natawa ako ng bumagsak ang balikat ni zhaira.
sumunod naman sya rito bitbit ang juice,kumuha narin ako ng nachios sa kabinit at mga cheaps.---------
"sige na,please jane segi na" kanina pa pinipilit ni zhai si jane,alas dose na nang gabi at mulat na mulat parin ang mga mata namin,kanina pa kami nagtatawanan dahil sa mga jokes at hugot nila.
"Alam mo zhai may salamin ako sa kwarto gusto mo dalhin ko rito?" sabi ko habang nakasandal sa couch.
napakamut naman sya sa kanyang ulo.
"di naman yan pwede eh,hays ikaw na ngalang marfil halika samahan mo ko" ibang klaseng babae talaga ang arte eh salamin lang ang hanap."o sya ako nangalang tara tara,siguraduhin mo lang na may bloody mary'ng lumabas sa salamin kung hindi ikaw ang ipapasok ko run" pagooffer nalang ni marlon,napatawa nalang ako ng bumusangot si zhai.
Napalingon naman ako sa bandang kaliwa ng bumulong si basilio.
"anong sabi mo" bulong ko."masama ang kutob ko rito" ulit nya,napapilig nalang akong binaling ang tingin kina marlon at zhai na kumuha ng kandila at lighter.
Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang bumilis ang tibok nito,mukhang tama nga si basilio pero anong magagawa ko,wala naman sigurong mangyayaring masama.
"Anong maganda pang movies dyan marfil" rinig kung tanong ni jane.
"ummm ito nalang" sabi ni marfil.
"ano yan"
"coco--"
Tumayo muna ako at pumunta sa kusina.
"Sabihin mo nga sakin,totoo bayang bloody marry?"
tanong ko kay basilio habang naglalakad."dont ask me d ko alam" sungit nito.
"Multo ka diba? Dapat alam mo" asik ko sa kanya,kabadtrip naman nito.
"Tama ka multo nga ako pero hindi ako tanungan ng uri ng multo" sabat nya,abat-- hay ewan .
Kukuha sana ako ng plato ng makarinig kami ng pag sigaw at pag turn and off ng mga ilaw.
"Shit ano yun?"
sabay takbo sa pinangalingan ng boses.============================
YOU ARE READING
Unseen
ParanormalMay mga bagay na hindi nakikita ng mga tao. Ngunit Hindi lahat ng tao sa mundo ay walang nakakakita sa kanila. Ikaw Nakikita mo ba sila? (Happy reading guys hopes you enjoy___)