Unseen:4

3 0 0
                                    

Layven pov:

"Woooh anong--" napanganga ako ng makita ang mukha ng lalaki kanina.

Pano to nakapasok ng bahay?

"Is this your house?" Tanong nya pa,talaga lang, pumasok ng bahay tas tatanong kung akin to,malamang.

"Anong ginagawa mo rito?" Imbes na sagutin nya ang tanong ko ay dumiritso sya sa couch,bastos to ah.

Umupo sya roon at nagcrosslegs.
"Did you believed in ghost?" Naguluhan naman ako sa biglaang tanong nya,kain nito?

"Bat mo natanong?" Sabi ko nalang,at binaling ang attensyon sa pagluluto,mahirap na baka ililibing ako ng buhay ng bruha kung ate.

He exhale.
"I need your answer"

Kanina pato paenglish english ah nakakatibo na.
"No" sempling sagot ko.

"Ok" he answer,i guess di sya satisfy sa sagot ko.

Kinuha ko ang radish at binalatan,pagkatapos kung hugasan ang isda,bangos?

Bangos nga nilagay ko na sa nagbukal na tubig,di ko namalayan na nakalapit na pala sakin yung lalaki,haisxt baka gahasain pa ako nito diko pa naman alam pangalan nya,nyakks sabawan ko to eh subukan nya lang.

"Nga pala di namang masama kung magtatanong ako sa name mo" sabi ko pa at nilingon ito,sa gwapong to baka ako pa gagahasi rito ehh,ay landi mo tahimik kanga.

Tiningnan nya ang niluto ko at inamoy,o my naku,bat ba matangos ang ilong nito.
"I dont know" huh,

"Anong sabi mo?" Mukhang nagprocess muna ang sinabi nya sa utak ko.

"I dont know,rather i dont remember" he utterly said while walking and seating at the table,teka di inuupan ang mesa tong taong to,

Anyways.

"Di mo naalala?bakit nauntog ba ang ulo mo sa pagbabasketball kanina,yan baka nakarma ka,kawawa ka naman" napatayo sya sa kanyang upuan at lumapit sakin.

Oopps may nasabi ba akong masama?
Seryuso syang lumapit sakin,wala naman akong matakbuhan kaya napakapit nalang ang kamay ko sa lababo habang nakatalikod,sabi ko naba eh namamantala ang taong to.

"Can you repeat what did you muttered" he said and continue walking until he cornered me.

Damn it,ang lapit nya na saking mukha pero ganun nalang ang pag pitik ng puso ko ng may napansin ulit sa kanya.
"Ahh nakalimutan ko ata" sabi ko habang naghihingalo sa kaba.

"Does i heard you pity on me?" Ano? Mas lalo syang lumapit at hindi na ako makakapagconsentrate,
napapikit nalang ako at pilit syang itulak pero hindi ko sya matulak,di dahil sa pagmamatigas nya kundi parang wala akong mahahawakan.

Napamulat ako at napabuga ng hangin,wala na pala sya,kung ano ano ang iniisip ko,hindi ka naniniwala diba? Damn layven,you dont believe in ghost.

Bumalik sya sa sofa,pinagpatuloy ko nalang ang pagluluto.
"San kaba nakatira,umuwi kana nga"

Hindi naman sya sumagot,walang pangalan tas wag nitong sabihin wala syang tirahan, sa ganda nang sneaker nya mamahalin pa nga yun eh.

"I have no place to go" tiim bagang naman akong humarap kung san sya nakaupo,

"Stop making fun of me,go home,baka mamaya lalabas ang ate ko at pagisipan pa ako nang kung ano ano" di sya sumagot sa reklamo ko,pumasok ulit sa isip ko ang pangalawang bagay na napansin ko sa kanya,wooh you dont believe them shut up.

Tsk.tsk.tsk

Pagkatapos kung magluto ay nilapitan ko ang taong tulog na nasa sofa,nakauniform pa naman,talaga bang wala tong tirahan? Sinungaling.

UnseenWhere stories live. Discover now