Chapter 3

765 12 1
                                    

Lunes. Tinanghali ng gising si Kim dahil sa kapapanood ng 'About Time' movie nung nagdaang gabi. Nang makitang malelate na siya para siyang ipo-ipong kumilos. Umalis kasi ang kanyang lolo nagpaalam na magbabakasyon kasama ang kanyang kaibigan, hindi nya sana papayagan kaya lang magaling mangunsensya si Lolo Zach kaya pumayag na rin siya. Nakalimutan din nyang mag-alarm. For the 1st time ay nalelate sya sa kanyang trabaho. Mabilis syang nagpalit ng uniform, nang mapansin nyang may kakaiba sa kanyang mga katrabaho, kaya nilapitan nya si Matteo para tanungin. Matt, bakit parang hindi kayo normal ngayon? tanong ni Kim kay Matteo. Ngayon, lang ako nalate ng pasok. May namiss ba ako? Dumating na yung bago nating boss at kausap niya ngayon si Sir Chief, sagot ni Matteo. Bakit parang ang tahimik nyo, tanong ulit ni Kim. Ang sungit, nang ipakilala kami kanina. May maganda palang dulot ang pagkalate ko.kahit kailan hindi pa ako nagkamali. So, anong hitsura nya. Napapanot na yon, no? sabi ko na nga ang taong maraming pinamamahalaan ay madaling tumanda dahil sobrang seryoso sa buhay, mahabang sabi ni Kim. Napansin nyang biglang namutla si Matteo. Sinundan nya ng tingin ang taong tinitingnan ni Matteo. Nagulat siya dahil kilala nya ang tinitingnan nila ni Matteo. Walang iba kundi si Xian. Trabaho nyo ang ayusin nyo at hindi ang pagkukwentuhan sa oras ng trabaho, seryosong sabi ni Xian habang nakatingin kay Kim at Matteo. Biglang naiinis si Kim sa inastang yon ni Xian. Hoy Mr. Who-ever-you-are. Namaywang sya at hindi pinansin ang pagpigil ni Matteo sa kanyang braso. Kami ay nagtatrabaho dito ng maayos, kaya wala kang karapatan na pakialaman kami. Bakit, ikaw ba ang boss namin? Yeah, your right I'm your boss, sabi ni Xian. Nanaginip ka ba o nakahitit ng katol? 1 baso nga lang ng iced tea, gusto mo pang pabayaran kay Lolo, tapos sasabihin mo na ikaw ang boss dito? Napamura na lang sa isip si Xian, kung alam lang ni Kim na ang tinatawag nitong Lolo ay ang kanyang Lolo, baka wala na itong mukhang maiharap sa kanya. Pero bigla rin nyang binawi ang naisip dahil tingin nya kay Kim ay sanay na mapahiya. Kung hindi lang sa sinabi ng kanyang lolo ay baka sisante na si Kim sa kanyang trabaho. Nagflashback kay Xian ang pag-uusap nila ni Lolo Lucas.

*FLASHBACK* ikaw na ang magmamanage ng restaurant, hijo. Pwede mong pakialaman lahat pero hindi si Kim, seryosong sabi ng kanyang lolo. You don't have any right to fire her, kahit anong bulyaw ang gawin nya sa'yo. But, Lo that's unfair! Reklamo nya. Natuwa pa naman sya dahil magkakaroon na sya ng karapatan na paalisin ang tigreng babaing si Kim. Lagi na lang kasi silang nag-aaway sa twing magkikita sila. Mabait na bata si Kim, ginagawa nya ng maayos ang kanyang trabaho at wala kang mairereklamo sa kanya kundi ang pagiging straightforward nyang magsalita. Which for me is good, coz you'll get to know the true feeling of a person, Lolo Lucas explained. Di na lang kinontra ni Xian ang sinabi ng kanyang Lolo. Nakita ni Kim na nagpipigil lang na magalit sa kanya si Xian. Kung bakit, hindi nya alam. Mr. Yap, tawag ni Xian sa kanilang branch manager. Sir. Why don't you introduce me to our employee here, sabi ni Xian kay Sir Chief. Kim, this is our new boss, Mr. Alexander Xian Lim-Uy the grandson of Mr. Lucas Lim-Uy, pagpapakilala ni Sir Chief kay Xian. Nagulat si Kim pero hindi nya ito ipinahalata. Now, do you believe that I'm your boss here? Tanong ni Xian kay Kim. Well yes, since sinabi na ni Sir Chief. My pleasure to meet you, Sir. Starting today, ayokong nakakakita ng nagkukwentuhan during store hours, understand, Xian said with authority. Sir, gaya po ng sinabi ko hindi naman siguro kabawasan angpagkukwentuhankapag wala nang masyadong ginagawa di po ba, prangkang sabi ni Kim. Parang mas gusto mo pang ikaw ang boss. Baka gusto mong palit tayo ng position, sabi ni Xian. Hay, hindi ko alam kung bakit isang isip-bata ipinamanage ang restaurant na to, I'm sure maraming mawawalan ng trabaho dahil malulugi ang restaurant na to ng dahil sa'yo, galit na sabi ni Kim. You, you, galit na sabi ni Xian na hindi makahanap ng akmang salita para kay Kim. Ano, gusto nyo kong tanggalin sa trabaho, sige gawin nyo dahil hindi ko rin masisikmura na araw-araw eh, kayo ang makikita ko, gali na galit na sabi ni Kim. You do the dishes, galit na utos ni Xian kay Kim. Galit na binalibag ni Xian ang pinto ng kanyang private office. Kim, bakit mo ginalit ang boss natin, tanong sa kanya ni Sir Chief. Sorry, Sir, kilala nyo po ako pag nagalit ako kung anu-ano nasasabi ko saka wag po kayong mag-alala pinaghuhugas lang naman nya ko ng pinggan. Kaya, next time, wag mo na siya gagalitin ha, baka mawalan ka talaga ng trabaho, payo sa kanya ni Sir Chief. Yes, Sir. Nang umalis si Sir Chief ay bumalik na sya sa kanyang trabaho, pero di nya ginawa ang pinagagawa sa kanya ni Xian.

Malapit nang mag-uwian ng mapansin niya at mga katrabaho na pumasok sa restaurant si Melissa ang babaing kahalikan ni Xian noon sa parking lot ng restaurant. Nilapitan nya ito at kinuha ang order nito nang lumabas si Xian sa opisina nito. Nang makita ni Melissa si Xian kulang na lang ay lingkisin nya ang binatang amo ni Kim. Nag-alis muna sya ng bara bago nagsalita. Excuse me, may I have your order, Mam? Nakangiting tanong ni Kim kay Melissa. Hindi naman sya pinagkaabalahang tingnan ni Xian. At walang paki si Kim kung tingnan man siya ni Xian o hindi. Veggie salad and iced tea, sagot ni Melissa na nakangiting nakatingin kay Xian. Dinedma na lang ni Kim ang dalawa at kinuha na ang order ni Melissa. Ilang saglit pa at bitbit na nya ang tray ng order ni 'Ms. Mataray' palapit na siya sa table nina Melissa at Xian ng biglang tumayo ang customer na katabi ng table nila Melissa. Pilit inilihis ni kim ang tray para hindi matapunan si Melissa. Pero dahil sa kanyang ginawa natapon lahat ng laman ng tray sa lap ni Melissa. What's wrong with you BITCH? Sigaw ni Melissa kay Kim. Habang pinupunasan ng tissue ni Kim ang damit ni Melissa na natapunan. Kim, mag off ka muna ngayon, sabi ni Xian kay Kim. Ano?! Hindi pwede Sir hindi pa tapos ang shift ko, sagot ni Kim kay Xian. Just do what I say, galit na sabi ni Xian.

Walang nagawa si Kim kundi ang sundin ang sinabi ni Xian. Natakot kasi si Kim na baka kapag hindi nya sinunod si Xian ay mawalan na sya ng trabaho, na syang pinagtatakhan nya sa daming beses na lagi silang nagtatalo ni Xian ay hindi siya magawang tanggalin nito sa trabaho. Binalewala na lang iyon ni Kim dahil mas importante pa rin sa kanya na may trabaho pa din siya.

AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon