Chapter 21.1

551 13 1
                                    

Hindi ganyan dati ang apo ko, masayahin at laging masigla noon si Kim, pero nakikita ko sa mukha nya ngayon na parang lagi syang malungkot at nasasaktan. Alam kong pinipilit lang nyang itago sa akin iyon para hindi ako masaktan, mahabang sabi ni Lolo Zach kay Xian.

You mean to say that I am the reason why she's sad and being hurt right now, Lo? Xian replied.

Xian, Hijo. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito.

Lo, sabihin nyo po para alam ko kung ano ang dapat kong gawin.

Hindi ko alam kung bulag ka lang o talagang walang pakialam. Kung hindi mo pa napapansin mahal ka ng apo kaya sya nagkakaganyan. Pagkasabi nyon ay tumingin si Lolo Zach kay Xian. Napailing ito sa nakitang reaction nya; nanlaki kasi ang mga mata ni Xian at hindi nakapagsalita. Ang hindi alam ni Lolo Zach ay labis na ikinatuwa ni Xian ang kanyang sinabi at sa labis na tuwa ay hindi sya makahanap ng tamang salita na dapat sabihin.

Lo...

Alam ko Xian, na wala sa listahan mo ang tipo ng apo ko kaya hindi mo sya matutuhang mahalin, malungkot na sabi ni Lolo Zach. Napakunot-noo si Xian. Pero ang hinihiling ko lang, bakit hindi mo tingnan ang mabuting ugali nya? Mapagmahal at mabuti syang tao, sigurado akong matutuhan mo rin syang mahalin. Lolo, hindi nyo naman po kailangan sabihin ang ganyan ---

Alam ko, Hijo, pero ginagawa ko ito para sa kaligayahan ng apo ko, putol nito. Alam ko maraming lalaking may gusto sa kanya at mabubuti din. Kung hindi mo sya matututunang mahalin siguro si-- sa pagkakataong iyon si Lolo Zach naman ang hindi nya pinatapos sa sasabihin nito.

Don't you ever do that, Lolo! galit na sabi ni Xian. Isipin pa lang nyang may ibang lalaking hahawak kay Kimberly ay gusto na nyang magwala. Nagulat si Lolo Zach sa naging reaction nya.

Ano'ng sabi mo, Apo?

Don't you ever do that! Wala akong pakialam kung maraming lalaking nagkakagusto kay Kimberly. She's mine and I love her so much, matapat na pag-amin ni Xian.

Kumislap ang mata ni Lolo Zach. You really love her, Hijo? Hindi makapaniwalang tanong nito.

Yes, it's just that... Hindi nya alm kung paano sasabihin ang kanyang problema na hindi sya pagtatawanan. It's just that I don't know how to tell her, Xian said shyly.

What? My God, Alexander Xian! You and Kimberly love each other and you're hurting each oher too for that simple reason? Lolo Zach fantastically questioned him.

Look, Lolo, eversince hindi ako nanligaw; mga babae ang lumalapit sa akin kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Kimberly na mahal ko sya. Na mahal na mahal ko sya na hindi nya iisipin na pinaglalaruan ko lang sya, nahihirap ang loob na paliwanag ni Xian.

Para siguro saibang tao ay nakasimple ng problema nya, pero sa kanya ay big deal iyon. Una, dahil natatakot syang i-reject sya ng asawa, kahit na sinabi na ng Lolo nito na mahal din sya nito. Pangalawa, ay baka hindi sya paniwalaan ni Kimberly. Lumapit sa kanya si Lolo Zach at tinapik ang kanyang balikat. Sa pagkakataong iyon ay nakangiti na ito na tila nabunutan ng tinik sa d¡bd¡b.

Just follow your heart, Hijo. Iyon lang ang sinabi ni Lolo Zach at iniwan na sya nito.

AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon