Pero bakit ganyan ka? Bakit mo ako ginaganito? Hindi mo na kailangan ipamukha sa akin na mahal mo si Melissa para pasakitan ako, habol hiningang sabi ni Kim matapos ilabas ang sama ng loob. Sa kanila na nakatingin lahat ng tao sa restaurant maging ang mga katrabaho at empleyado ng restaurant ay tumigil sa kanilang ginagawa.
Kimberly you are so wrong ---
Alam ko masyado akong ambisyosa para isipin na magugustuhan mo din ako. Napasobra lang siguro ako sa --- nanlaki ang mga mata nya ng biglang hawakan ni Xian ang magkabilang pisngi nya.
You talk too much, Mrs. Lim-Uy! Iyon lang at kiniss na sya ni Xian sa lips dahil napa-awang ang lips nya sa gulat. Nang halos hindi na sila makahinga ay saka pa lang pinakawalan ni Xian ang lips nya. Pero hindi nito masyadong inilayo ang mukha sa kanya habang hawak pa rin nito ang kanyang pisngi. Nanlalaki at naka-awang pa rin ang lips ni Kim sa gulat. Hindi nya alam kung anong mararamdaman; naguguluhan sya bakit sya hinalikan ni Xian?
Close that beautiful mouth before I kiss them like there is no tommorrow, nangingiting bulong ni Xian habang inilagay ang hintuturo sa kanyang baba para isara ang kanyang lips.
We need to talk first, Xian said.
Napatili si Kim nang bigla na lang syang lumutang sa ere at mabitiwan ang hawak na tray nang balewalang buhatin sya ni Xian.
Kaagad nyang ikinapit ang dalawang kamay sa leeg nito sa takot na malaglag kahit alam nyang para lang syang papel kung buhatin nito.
Xi! Ano ba? Ibaba mo nga ako! tili ni Kim.
Ngingiti-ngiti lang si Xian habang buhat sya palabas ng restaurant at isakay sa kotse nito. Nang maiupo na sya ay tinangka nyang lumabas pero hindi nya mabuksan ang pinto. Wala na syang nagawa nang makaupo na ito sa tabi nya.
What do you think you're doing? Kung wala kang magawang matino sa buhay mo --- subalit muling sinakop ni Xian ang kanyang lips kaya natigil sya sa pagtatalak dito. Sa pagkakataong iyon mas matagal at intense ang kiss na ibinibigay ni Xian sa kanya. Hindi nya alam kung bakit everytime Xian kisses her on her lips nanlalaki ang mga mata nya.
One more word and I will kiss you again, banta ni Xian sa kanya.
Tumahimik na lang sya at hinayaan ito kung saan sya dalhin.