Papasok pa lamang si Vyle sa bahay nila, kapansin-pansin na ibang-iba ang hitsura niya. Para siyang bagong takas mula sa mental hospital. Sabog ang buhok at punit ang ilang bahagi ng kaniyang damit. Halata ang tuyong luha sa mukha niya at ang namumula niyang mata.
May narinig siyang tili mula sa kung saan. Hindi niya ito inalintana at nagpatuloy na lamang sa pag-akyat sa hagdan.
''Brookie, anak, anong nangyari sa'yo?'' nakatalikod siya mula sa ina niya pero alam niyang bakas ang pag-alala dito.
''It's nothing, Mom. Nagka-stampede lang kanina.'' hindi siya sigurado kung maniniwala ang ina niya sa palusot niya, pero ayaw na niyang makipag-usap sa kanino pa man.
Pagdating niya sa kwarto, dumiretso siya sa banyo at naligo. Hindi na siya nag-abalang maghubad at nagbasa na. Kasabay nang pag-agos ng tubig ay ang pagbuhos din ng luha niya. Pagkatapos ng huling patak ng luha niya, nangako siya sa sarili na hindi na siya iiyak ulit dahil sa walang kabuluhang damdamin na tinatawag nilang 'pag-ibig'.
Tumaga siya sa bato na hinding-hindi na siya iibig ulit dahil sa rasong iyon at wala din namang patutunguhan ang 'pag-ibig'.
BINABASA MO ANG
Finding Love
De TodoBrooklyne Vyle Herera was a cold and heartless girl, until she met Isaac. Isaac Lee Fetcher never fell in love, until she met Vyle. [Disclaimer]: Story is written in TAGLISH
