BROOKLYNE VYLE HERERA WAS SEEN ENTERING MARCO HOTEL WITH ANOTHER MAN, DAMIEN MARCO
IS BROOKLYNE VYLE HERERA CHEATING WITH DAMIEN MARCO?
DID BROOKLYNE HERERA AND ROUX SAMANIEGO BROKE UP?
Sunod-sunod ang ginawa kong pagbasa sa mga articles at ilang headlines ng newspapers.
"We let you do anything you want pero sobra na 'to, pinapahiya mo na ang namin na pinaghirapan ng daddy mo." frustrated na sabi ni tanda.
I just looked at her with a blank face and stared at anything except her.
"Do you think I care about the company? I don't even care about you, sa kompanya pa kaya?" sagot ko sa kanya gamit ang malamig na boses ngunit nakatungo sa pinto.
I could only hear her harsh breathing. Maya-maya ay nilingon ko siya at nakita kong sasampalin niya ako pero napigilan ko ang kamay niya.
"You can't do that to me. Wala kang karapatan sa akin ever since that ill-fated day." binitawan ko nang marahas ang kamay niya kaya halos mabuwal siya.
Tumalikod na ako sa kanya nang may nakalimutan pa akong sabihin sa kanya.
"You have no right to the company. Ako lang at si Dad ang meron."
Dumiretso ako sa paglabas ng bahay namin at sumakay sa kotse ko saka pinaharurot ito patungo sa condo ko. Pagkapasok ko pa lang, humiga na ako diretso.
My life is so frustrating. Minsan, naiisip ko kung bakit pa ako ipinanganak. Kung bakit pa ako ginawa ng mama at papa ko. Bakit hindi nalang sila tumulad kay tanda, na walang anak.
I sighed. Pumasok na ako sa banyo para maligo at matulog na.
"Vyle!" narinig kong tawag nang mula sa kung saan. Lumingon ako at nakita si Quincy na papatakbo papunta sa akin.
"O?" salubong ko sa kanya.
"Look at this." pinakita niya sa akin ang phone niya kung saan nakabukas ang isang article.
A GIRL WAS SEEN TOGETHER WITH DAMIEN MARCO, CEO OF MARCO HOTEL, WHO IS SHE?
"Anong kalokohan 'to?" tanong nito sa akin na naghi-hysterical na.
Nagkibit-balikat lang ako sa kanya.
"Read the article to find out." nauna na akong naglakad sa kanya. Nakasunod naman siya sa akin habang binabasa ang article na iyon.
"Fake naman 'to." bulalas ni Quincy sa likod ko. Hinabol niya ako hanggang sa pantay na ang lakad namin. "Unless, totoo na ginawa mo 'yon?" malaki ang mata na sabi nito sa akin.
"Let them judge me, for all I care." walang pakialam kong sagot.
"Hahayaan mo silang isipin na nangangaliwa ka kay Roux?" tanong nito nang may himig na pag-aalala sa boses.
"What's new? Hinayaan ko nga silang maniwala na may relasyon kami ni Roux."
"Bahala ka." sumusukong sabi ni Quincy.
Pagpasok namin sa classroom, bumungad sa amin ang mga kaklase naming nagbabasa sa kani-kanilang cellphones.
Nang mapansing nasa loob na kami, kanya-kanya sila sa pagligpit ng kani-kanilang mga cellphones. Pumunta na ako sa upuan na nasa pinakalikuran kung saan nakaupo ang talong magkakaibigan na kung tawagin ay 'mean girls'.
Hindi man lang sila natinag na nasa harapan na nila ako at nagpatuloy pa rin sa pag tsismis tungkol doon sa article.
"Hey, look." kalabit nong isang girl sa kaibigan niya. "She' the Herera girl from the article, right?"
"Oh, yeah. She is. 'Yong nangangaliwa diba?" segunda nong ikatlong kaibigan nila.
"Class, we're about to start." anunsiyo ng guro namin kaya natigil sila sa pagtsismis.
Sinipa ko ang paa ng inuupuan nilang upuan.
"My seat." sabi ko sa kanila gamit ang malamig ko na boses.
Hindi sana sila aalis pero pinanlinsikan ko sila ng mata. Tumalima rin sila at lumipat na sa iba pang upuan. Umupo na ako.
"Taray mo talaga." komento ni Quincy saka umupo sa tabi ko.
"So as you all know, this school year is going to end soon. At dahil tapos na din naman ang exams niyo last month, you can choose to leave school early or continue your education."
Nagpatuloy sa pagdadaldal ang teacher namin nang may kumatok sa pinto ng classroom. Hindi ko nalang ito pinansin.
"Ms. Herera, come with me." tawag sa akin ng principal.
Sumunod ako sa kanya palabas at sumalubong sa akin ang limang mukha ng limang tao.
________
06/12/17
BINABASA MO ANG
Finding Love
RandomBrooklyne Vyle Herera was a cold and heartless girl, until she met Isaac. Isaac Lee Fetcher never fell in love, until she met Vyle. [Disclaimer]: Story is written in TAGLISH