Chapter 2

18 1 0
                                    

Gone

"Para" sabi ko ng malapit na kami.

Hinintay kong tumayo si Dawn muna bago ako.

Liningon ako ng driver nang napansin na di pa ako tumatayo. "Miss, pakibilisan po kasi may kasunod po ako."

Mga driver talaga! Alam ng may kasama din ako e.

Nang nakababa na ko, tinignan ako ni Dawn. Yung mga bughaw niyang mata na malungkot.

"Baby" tawag niya habang naglalakad na kami papunta entrance.

I wouldn't mind anything as long as kasama ko siya. Siya lang ang tanging pinaghuhugutan ko ng lakas simula pa noon. Bukod syempre kay mama at papa. Siya lang.

Liningon ko siya at nginitian. Ano bang meron sa malungkot niyang mga mata?

"Let's go malilate tayo!" sabi ko at nauna ng maglakad.

"Ikaw lang no" lumingon ako sa sinabi niya at nakitang nakangisi siya. Nakita ko!

Inirapan ko ito at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Ay ang taray naman nung Jalea! inirapan ako." narinig ko sa babaeng may kausap sa likod ni Dawn. What?! akala nya siguro siya ang inirapan ko.

Tumigil ako sa paglalakad at liningon yung babaeng nasa likod ni Dawn.

Nagsorry ako sa kanya at sinabing hindi siya ang inirapan ko.

Hindi na ako magtataka kung kilala niya ako dahil madami talagang may kilala sa akin. Kahit sa facebook, twitter at instagram pa lang madami nang mga taga La Salle maging sa ibang schools ang may kilala sa akin.

Ewan ko nagsimula ito nang nagmodel ako sa isang sikat na photographer. Dun ako nagsimulang makilala. Si Dawn naman ay sikat na talaga dahil sa banda niyang Cx na ngayon ay nabuwag na.

Dapat ay 4th year college na ako ngayon. Kami ni Dawn. Pero nagstop ako ng isang taon because of some circumstances. Ayoko ng isipin yon. Bangungot iyon para sa akin. Kasama ko ngayon si Dawn at iyon ang mahalaga.

Nakarating na kami sa room namin. Hindi kami showy ni Dawn noon pa man. Kaya kung naglalakad kami ay lakad lang talaga. No holding hands or whatevers na ginagawa ng mga magboyfriend/girlfriend kapag magkasama in public.

Pagkapasok ko ng room ay tinignan ako ng mga classmate ko. 2nd day pa lang ng start ng classes kaya di pa ko ganon ka close sakanila, besides, irreg. ako dahil nagstop ako ng isang taon. Okay lang naman 'cause I'm with Dawn.

Umupo lang kami ni Dawn sa pangalawa sa huling row. Si Dawn ay nasa pinakagilid na kaya dun ako siyempre sa tabi niya. Possessive ako sakanya and he's fully aware of that. Siya din. Kaya suplado iyon sa lahat except sa friends at family naming dalawa.

"Gosh. Ang pretty talaga ni Jalea! Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan!"

"I heard nagstop siya ng isang taon. Buti na lang para naman may classmate tayong goddess. Haha"

Narinig kong bulungan ng dalawang babae sa likod namin ni Dawn.

"Sana ako na lang siya!"

"Wish mo lang" at nagtawanan ulit sila.

Wow. She wants to be me. Talaga? Kasi kung alam lang ng babaeng iyon ang lahat ng pinagdaanan ko ay di niya siguro gugustuhing maging ako.

Naramdaman kong nakatitig sa akin si Dawn. Siya at ang kanyang bughaw na mga mata. Nakamove on na ko sa lahat alam ko iyon.

"Its okay, Baby." sabi ko sakanya. Alam kong nag-aalala siya sakin kaya siya sinabi ko iyon.

Ngumiti siya sakin.

Maya maya'y dumating na ang professor namin at sinimulan ng magturo.

Pagkatapos ng class ay lumabas na agad kami ni Dawn ng tahimik. He's always like that. Tahimik lang. Minsan lang siya magsalita.

Nakasalubong ko, namin si Shane. Siya ang drummer ng dating band nila Dawn. Sikat na sikat sila at muntik pa ngang magkaroon ng recording contract sa Star records. Ang pinakasikat na recording company sa Pilipinas. Ngunit dahil sa mga pangyayaring gusto ng kalimutan ng lahat ay hindi ito natuloy at nabuwag na ang banda nila.

"Alexis Jalea Castro?! Omg! Totoo nga! The goddess is back!" tili ni Shane habang papalapit sa akin. Sa amin ni Dawn.

Nagyakapan kami saglit at ayun na. Nagsimula ng magkwento si Shane ng latest news tungkol sa kanya. Kikay itong si Shane kahit na drummer siya sa banda. Mabait siya at sweet kaya sisters na ang turingan namin.

Paglingon ko sa likod ay nakita kong nawala na si Dawn.

Events mentioned in the story are only from the author's imagination.

Through the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon