Chapter 6

11 1 0
                                    

Cold

Nagising akong nakayakap sa unan ko. Hinanap ko ang cellphone ko para tignan ang oras. 2 pm na pala.

All along akala ko si Dawn yung kayakap ko yun pala unan lang. Dawn. Nasaan ka na naman? Baka umalis na naman yun habang tulog ako.

Napangiti na lang ako. Naalala ko for the second time yung panaginip ko. It wasn't a nightmare. Thank God. Ito yung tinatawag nilang sweetdreams. Napanaginipan ko kung paano naging kami ni Dawn. Yung buong detalye ng mukha niya. Kitang kita ko. Sana kaya kong magtime travel. Ang dami kong gustong baguhin sa nakaraan. Oh stop it Jalea! Ayan ka na naman.

Naramdaman ko ang titig ni Dawn. Ramdam na ramdam ko iyon. Nakatayo siya malapit sa bintana ko. He always do that, creeping me out. Nung una niyang ginawa yun takot na takot ako, dun ba naman kasi siya nagtago sa likod ng curtain. Akala ko talaga may multo na nun. Naiiyak na ko nung time na yun pero tumawa lang siya at niyakap ako. I love his sweetness and tenderness. Kung ibabalik ko lang yung time na yun, hindi ako matatakot. Matutuwa pa ko.

"Dawn. I miss you" Sabi ko sakanya. Nakatayo pa din siya sa tabi ng bintana. Alam kong OA ako dahil kanina lang ay katabi ko siya. Walang sinoman ang makakaintindi sa akin dahil hindi pa nila nararamdaman to. Kung meron man. Well. Sana nga.

Ngumiti lang si Dawn sa akin at binigyan ako ng mabibigat na titig gamit ang bughaw niyang mga mata.

I know. Medyo cold na siya ngayon. Madami nang nagbago Dawn. Madami na. Pero alam kong nandun pa din yung pagmamahal namin para sa isa't isa.

"Baby baba na tayo?" sabi ko sakanya. Bumangon na ko para bumaba kami. Naabutan ko ang sala na walang tao. Nasaan kaya si Mama. Marahil ay lumabas iyon kasama ng mga "amiga" niya. Napangiti na lamang ako sa iniisip ko.

Pagkababa ko ay hindi ko na napansin si Dawn na nauna sa aking bumaba. Kainis talaga to!

"Baby ang daya mo! Kala ko nasa taas ka pa!" Malalim siyang tumitig sa akin bago ko sabihin iyon. Tumayo siya at niyakap ako. As usual. The same old him. Tahimik. at the same time sweet. Hindi niya minsan napapansin na nagiging sweet na pala siya. Tinatry niyang maging cool dahil medyo gay daw kung masyado siyang magiging clingy. And I missed it. I miss Him. Damn. Jalea what are you trying to imply? Ayan oh. Kaharap mo siya.

"Labas tayo?" anyaya ko kay Dawn pagkatapos tanggalin ang pagkakayakap sa akin.

And for the nth time. He just smiled at me and look as if he's searching for my soul. Yes. Soul.

Ayokong maging emotional sa mga ganitong oras. Masaya kami ni Dawn. Okay na to.

Through the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon